Napanood ko na yung My Bebe Love #kiligpamore . Matagal ko ring pinag isipan kung mismong xmas day ako manonood or palalagpasin ko pa ang isang Linggo para makaiwas sa maraming tao. Pero naisip ko whats the point of a movie review kung second week ko pa siya ilalabas. So what i did was pumunta ako ng maaga sa sinehan and caught the first screening. Di rin ako sa sm nanood dahil alam kung doon dadagsa ang tao. And with the complaint regarding sa error sa ticketing buti na lang talaga.
So on with the review. Ang unang tanong, nagustuhan ko ba yung movie?? Yes. Its a true blue rom-com film. There's no surprises in the movie. It follows the usual formula of a romantic comedy film. It never pretended to be anything else so my expectation was met.
How was Aldub in the movie? Lets talk about Alden first. For me hindi siya masyadong nagamit sa film. He was there ofcourse marami syang scene but nagpacute lang talaga siya. Wlang mabibigat na eksena na magpapakita ng kanyang acting prowess. But the camera loves him. Yung mga time na nakafocus sa mukha niya yung camera medyo kinilig ako. Now si maine naman shes a natural. Kita naman sa ks na marunong talaga siya umarte but whats amazing with her is hindi halatang baguhan siya. At ang ganda rin ng chemistry nila ni vic sotto. Mukha talaga silang mag-ama. Matutuwa ang mga fan ni Maine sa movie na ito. She did not disappoint. Maganda ang exposure ng aldub dito as second lead. Yun nga lang nasa menor yung kilig. Kumbaga di nakafull blast. Halatang sinisave nila yung exponential level na kilig sa valentine movie nila perhaps??
But ofcourse even though this is aldubs first movie hindi maikakailang ang bida talaga eh sina Ai-ai de las alas and bossing vic. And deserving naman talaga na sila ang star ng movie. Ai-ai is in her element sa movie na ito. Shes loud at laging beastmode pero di annoying. She plays a matandang dalaga na dahil sa mga kabiguan sa pag-ibig ay nagfocus na lang sa negosyo at pagpapalaki sa pamangkin na si dondi played by alden. And vic sotto is not enteng kabisote in this film. Seryoso siya sa pelikulang ito. Isang biyudong mayaman na over protective sa anak played by maine as anna. First time yata ni bossing na gumanap na mayaman sa isang movie.
Maraming nakakatawang scene sa movie as expected. I love the bickering between vic and AiAi. Hindi pilit yung mga lines nila. Hindi pilit yung patawa except siguro sa mga physical comedy pero konti lang naman yon. Yung dialogue talaga ang nagdala para sa akin. Honestly ayoko kasi yung halatang pinapunchline ako. Gusto ko nakakatawa dahil sa situation mismo at yung dahil sa natural wit nung character. and aiai and vic was able to deliver that for me.
So ano naman ang di ko nagustuhan sa movie?? Siguro yun ay yung parang the movie spread itself too thin. Since its for mmff gusto nitong maging family friendly. So kumbaga it tries to cater to everyone pero pag rom com kasi it has to have a specific target especially sa age bracket. Iba kasi yung level ng kilig at comedy taste ng teens, yung nasa mid 20's to 30's at syempre yung mga nasa middle age. Ang ginawa ng pabebelove eh parang ginusto nilang sakupin lahat. So may mga scene na medyo pang mature na yung joke, may mga scene na pabebe yung romance na di na maappreciate ng mga kaedad ko. pero meron ding medyo naughty na pero di nila mapush ng todo dahil gusto pa rin nilang maging kid friendly. So medyo hilaw at bitin yung ibang scene. Hindi ko rin masyadong type how they resolved the conflict. i felt na medyo minadali sya. But all in all it was an enjoyable movie.
So tapos na ang review. Merry CHRISTMAS to everyone.
No comments:
Post a Comment