Monday, March 5, 2012

Galit Talaga Ako


Kanina lang nabasa ko na ang anak ni former president ramos ay nagfile ng complain sa dalawang members ng Azkals, sexual harassment ang kaso.
Disappointed ako sa Azkals dahil bukod sa talagang sinusuportahan ko ang team na ito eh hindi lang ito ang unang issue sa kanila. Mas malala pa nga yung una rape pero walang formal complaint na naifile. Pero kung disappointed man ako sa Azkal mas disappointed at shock ako sa mga comments na nabasa ko online. I know that people are braver and more candid online dahil protektado sila ng anonymity but it disgusts me that some people can be so insensitive and cruel.
Noon hindi ko maunawaan kung bakit may mga babaeng kahit nabubugbog na sila, narerape, nahaharass sa trabaho kahit sa bahay o maging sa eskuwela eh hindi nagrereklamo o nagsusumbong. May mga pulis naman, mga institution na tutulong, ayaw ba nilang maparusahan ang yung mga nagmaltrato sa kanila? But I guess ignorante nga lang talaga ako because I was shocked ng mabasa ko ang mga comments ng mga tao tungkol sa nagreklamo ng sexual harassment sa mga Azkals. Na kesyo hindi naman daw sexual harassment ang pagbibiro tungkol sa cup size niya at yung iba sinasabi na papansin lang yung babae some even think that she deserves it and that she’s asking for it. WOW!!!! I know people can be harsh but whether or not totoo yung allegation hindi ko naisip na marami pa lang tao na ganoon ang talaga ang takbo ng utak. Na sinisisi pa talaga yung biktima. Na baka nga naman nagbigay ka ng motibo, na baka nga naman sobrang sexy ng suot mo o baka naman nagger ka kaya ka binubugbog ng asawa mo o baka naman you’re the one who provoked the guy o baka naman you deserved it.
YOU DESERVED IT???? Really????? A person that deserves to be harassed?? Molested??? Raped?? Battered??? Abused???  No wonder some women chose to just keep silent or to just cry inside their room and  be abused over and over. They rather choose that kesa nga naman ipangalandakan sa mundo ang kahihiyang inabot nila and for what para mabasa nila at marinig nilang sabihin ng mga tao. MAYBE YOU DESERVE IT BITCH. No one deserves to be harassed, no one. At doon sa mga taong nagsasabi na maybe you deserve it. Maybe you guys should be ashamed of yourself.