Wednesday, June 3, 2015

Shots Fired

Kasabay ng pasukan, init ng panahon at mga remakes sa TV eh ang bangayan ng mga politicians sa ating bansa. At syempre ang pinag-uusapan ngayon eh ang Binay vs Poe. Si Binay open secret naman na tatakbo sa pagkapangulo. Namumutakti na nga ang mga political ads niya sa TV. Si Poe naman ay nililigawan pa ng kung sino-sino. And because she knew shes a prized candidate... is playing coy.

Nagsimula ang rift ng dalawa ng tinanggihan ni Poe ang panliligaw ni Binay para maging running mate nito. At para maging official ang kanyang pagtanggi ay pinirmahan niya yung senate report ng blue ribbon committee na nagrerecommend na kasuhan ng plunder si Binay.

And just like a jilted manliligaw bitter-bitteran si Binay. And the bangayan starts and shots were fired. Nagsurface ang citizenship at residency issue kay Poe. Na sinagot naman ng huli at nagpasaring naman na takot na takot yung kabilang kampo sa kanya.



Ang opinyon ko dito?? WRONG MOVE si BINAY. Una dahil lalaki siya. Well actually yun talaga ang mali niya. Hindi maganda sa isang lalaki ang makipag-argue sa TV at sa babae pa man din. Mukhang narealized naman niya ang kanyang pagkakamali kaya yung anak na niyang si Nancy ang kumakausap na ngayon sa mga reporter. Ang problema wrong move pa rin dahil si nancy unfortunately eh kulang sa public speaking skill. Si Poe is very articulate mabilis mag-isip at mabilis sumagot sa mga tanong. si Nancy well hindi masyado.  

 Is it just me or super intense ang mga kakandidato ngayong eleksyon. May isang taon pa si Pnoy pero atat na ang mga gustong pumalit sa kanya. Oh well iba talaga ang call ng power. Pakapalan na lang ng mukha ito.

Monday, June 1, 2015

Ang pagbabalik

Nung huli akong nagpaalam ang sabi ko sandali lang akong mawawala sa blogging world. Ayun yung sandali inabot ng dalawang taon. Well time is relative naman kasi. Puwedeng hindi  ka magpakita ng isang dekada pero kapag nagbalik ka eh parang kahapon ka lang nawala. Anyways i'm just announcing my return of the come back.

Nakakamiss din namang magbasa ng mga blogs. Nasa blogging world kasi ang mga taong pinakamalilikot ang isip.

Thursday, June 6, 2013

National Essay Writing Contest

Repost:

Resound the Filipino Reason: CALL FOR SUBMISSIONS TO GAWAD KWF SA SANAYSAY 2013

Since 1967, the Komisyon sa Wikang Filipino [Commission on Filipino Language] holds its annual essay competition in relation to the celebration of Buwan ng Wika (previously Linggo ng Wika). The Gawad KWF sa Sanaysay (previously called Gawad Surian sa Sanaysay- Gantimpalang Collantes) aims to sharpen, rekindle and further intellectualize the Filipino language.
Entries must be sent personally or via registered mail. Entries sent via e-mail will not be accepted. Deadline of entries is on July 1, 2013 (Monday).
Contest Guidelines
  1. Gawad KWF sa Sanaysay 2013 is open to the public, except KWF employees and their relatives.
  2. The topic must focus on the theme “Wika Natin ang Daang Matuwid”, using a Literary History approach.
  3. The manuscript must be authentic, previously unpublished, written in Filipino, and not a translation from another language. Also, it must not be less than 15 pages but not exceeding 30 pages.
  4. The manuscript, guided by research, is advised to use proper citations in APA format (footnotes, etc.).
  5. The manuscript must be typewritten (Font 12-Arial), double spaced, with 1 inch margin on all sides and printed on a short bond paper (8 ½ x 11 inches). Four (4) copies must be submitted inclusive of the original copy.
  6. Soft copy of the manuscript must be burned in a compact disc (CD) along with the author’s picture and brief bionote.
  7. Any form of plagiarism will not be tolerated and will be penalized. KWF has the right to revoke the awards given and is never allowed to join any of the competitions organized by KWF.
  8. Judges’ decision on the winners of the competition is final and incontestable. All submitted manuscripts will not be returned to contestants. Also, KWF has the right to publish awarded manuscripts even without its author’s royalty.
  9. The contestant must only submit one piece without his name, pseudonym or any identification marks. Attach the manuscript (in four copies), accomplished application form (with your recent 2″ x 2″ ID picture) and CD to:
Lupon sa Timpalak 2013
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.
Malacañang Complex
San Miguel, Manila
For inquiries, e-mail us at komfil.gov@gmail.com or feel free to call us at (02) 736.2524/25; 736-2519 and look for Jomar I. Cañega or Leo Cantillang.


here's the link:

http://www.kwf.gov.ph/?page_id=2489

Ang pinagtataka ko lang essay writing contest ito gamit ang wikang Filipino pero ang guidelines in English.

Tuesday, June 4, 2013

Announcement

Bago pa magkaroon ng ano mang espekulasyon hindi po ako ikakasal at hindi ko rin isasara ang blog na ito.  Ang plano ko ay gumawa ng bagong blog. Pero hindi ko naman iiwanan ang aking unang bahay. Gusto ko lang magdedicate ng isang blog para sa aking ginagawang mga stories. So malamang eh hindi na ako masyadong makapag-update dito. Well hindi na kasing dalas ng dati.

I'll post the link in a few days or weeks depende kung kailan ako magkakaroon ng oras na simulan ang aking new project.

Monday, May 27, 2013

Excerpt: dangerously in love

Gusto ko lang ishare yung chapter I nung nobela kung nakapasa sa Dream Love. Almost one year na itong naapproved pero hindi pa rin narereleased.Last week nalaman ko na hindi na pala itutuloy ang Dream Love. So basically hindi ko na alam kung lalabas pa siya. Unfortunately dahil naibigay ko na ang lahat ng rights ko sa nobela na ito hindi ko siya puwedeng ilabas ng buo. So Prologue at Chapter 1 na lang ang ipopost ko dito. 



Prologue
“D-derek tumakas ka na!” sigaw ni Agent Romero kay Derek.
“Hindi puwede hindi kita puwedeng iwan dito. May sugat ka.” Pagmamatigas niya
“H-indi ka puwedeng mamatay, importante ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo. Kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko.” Pakiusap na nito.
“Sige pero babalik ako, hihingi ako ng tulong.” Halos maiyak na siya dahil alam niyang hirap na ito sa tama ng baril sa may hita. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ito nagpapaiwan dahil magiging mabagal lang ang pagtakas at maabutan lang sila ng mga humahabol sa kanila. Kaya kahit labag sa loob umalis siya para iwan ito.
Hindi pa siya masyadong nakakalayo ng marinig niya ang putok ng mga baril. Nagmadali siya sa pagtakbo. Huli na para bumalik o magsisi sa ginawa. Ang kailangan niya makalayo pagkatapos ay humingi ng tulong. Kahit di niya alam ang direksyong tinatahak walang lingong-liko siya sa pagtakbo. Nakasalalay ang buhay niya dito. Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Hindi pa siya handa.




Chapter I
“Pinsan gising na malapit na tayo.” Tapik sa kanya ni Jon. “Sarap ng tulog mo ah.”
Dahan-dahan na dinilat ni Derek ang mga mata. Tumingin siya sa pinsan na nagdadrive para sa kanya. Ito ang sumundo kanina sa kanya sa airport.  Halos dalawang oras pa lang siyang nakakabalik sa Pilipinas. Kahit siya nga halos hindi pa makapaniwala na he really is back.
“Ilang taon na nga ba mula noong umalis ka?” tanong ng pinsan niya.
“Six years.” Maiksi niyang sagot. Anim na taon na mula ng umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Amerika yon ay sa kahilingan na rin ng kanyang ama. Pumayag naman siya agad dahil gusto niyang makatakas sa mga bangungot na siya rin naman ang may kagagawan.  Sa Amerika he found temporay relief at naipagpatuloy niya ang buhay kahit papaano.
 Ngayong nagbalik na siya, napanaginipan na naman niya ang ginawa niyang pagtakas sa mga humahabol sa kanya noon. Kahit namatay na ang mga nagtangka sa buhay niya noon hindi pa rin siya tuluyang makalaya sa mga bangungot.
“Kumusta na ang Papa? Tanong na lang niya sa pinsan para maiwasang isipin ang nakaraan.
Ayon hinihintay ka na. Excited na iyon. Will you be staying here for good?”
“Hindi ko pa alam. Pinagbigyan ko lang ang Papa sa pakiusap niyang magbalik ako.” sagot niya dito pero ang totoo ay may plano na siyang magbalik noon pa dahil may gusto siyang asikasuhin, unfinished business.
“Well i’m glad youre back pinsan. Hininto na nito ang sasakyan. “We’re here.” Bumaba na siya ng sasakyan. Isang malaking maleta at balikbayan box lang naman ang dala niya. “Sige pinsan may lakad pa ako. Kumusta mo na lang ako kay Tito.” Paalam nito.
“Sige ingat sa’yo date mo.” Biro niya dito. “At salamat sa paghatid.” Tumango lang ito at ngumiti pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.
Siya naman ay tuluyan nang pumasok sa mansion. Sinalubong agad siya ng mga katulong na hindi naman niya kilala except sa ilang dekada na nilang katiwalang si Mang Ising.
Binati niya ito. “Hindi man lang kayo tumanda kahit isang taon.”
“Welcome back po senorito.” Balik tugon nito. Konting ngiti lang ang ganti nito. Hindi masyadong pinahahalata na masaya ito sa pagbabalik niya.
 “Nasaan ang Papa?” hanap niya sa amang si Don Renato.
“Nasa study po niya senorito.” Pormal pa rin talaga ito makipag-usap. Ganoon naman talaga sila sa bahay. Ang mama lang naman niya ang nagbibigay ng buhay sa bahay na iyon kaya ng mamatay ito parang tianakasan na rin ng sigla ang buhay nila.
“Salamat. Mamaya bibigyan ko kayo ng pasalubong.” At pagkatapos ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa study ng kanyang ama. Nakabukas yon kaya hindi na siya kumatok.
“I thought you’re sick. You should be in your bedroom.” Yon ang pagbati niya dito. Pormal sila ng ama sa isa’t-isa. No hugs nor kisses not even a simple greeting. They don’t even deal with small talk. Ganoon sila noon sa bahay.
Kaya medyo nagulat siya ng ngumiti ito ng makita siya. “Welcome back Hijo sa wakas nagbalik ka.”
“So I assume you’re fine.”
“Well I am fine, but I’m sick of being alone in this house. Kung hindi ko pa pinasabing may sakit ako hindi ka pa uuwi.” May himig tampo sa boses nito.
“You’re the one who wants me to go to the US in the first place.” Paalala naman niya dito.
“Ako nga ang may gusto pero hindi ko naman sinabi sayo na doon ka na habambuhay. But I think nakabuti sayo ang malayo ng ilang taon. You look well my son. I hope you’re ready to take care of our business here. Alam mo namang ikaw lang ang kaisa-isa kung anak.”
“Hindi pa ako sigurado Papa.”
“Then you better make a decision soon hindi na ako bumabata.”
“I’ll give you my answer soon pero let me just take care of some personal business first.
“Bahala ka. Im just glad you’re back.” And the old man smiled again. He looked genuinely pleased to see him. Lumapit siya dito and for the first time in many years niyakap niya ito.
“Sorry sa lahat Papa.” Bulong niya dito.
“It’s all right I’m just happy to have my son back.”
Ngumiti lamang siya at sinamahan na niya itong bumalik sa sariling  silid.

“Hindi ka na naman papasok?” tanong ng kaklaseng si Melody kay Trixie.
“May bagong action movie na palabas. Manonood na lang ako kesa makinig sa boring nating professor.” Sagot ni Trixie dito habang naglalagay ng make-up.
“Pero may quiz tayo ngayon.”  Paalala nito.
“Hello eh di lalong hindi ako dapat pumasok. Ano naman ang isasagot ko doon eh hindi naman ako nagreview. Ikaw nagreview ka ba?” tanong niya dito.
“Hindi rin pero nakailang absent na ako. Baka i-drop na ako ni Sir at sigurado hindi na ako mapapatawad ng parents ko. Baka patigilin na ako sa pag-aaral ng mga yon.”
“Okay lang mag-aaya na lang ako ng iba. Mauna na ako. bye” Tinalikuran na niya  agad ito para itago ang disappointment niya.
Kahit sinabi niya na puwede siyang mag-aya ng iba wala talaga siyang ibang makakasama. Puro busy ang mga kaibigan niya, kaya talagang nag-iisa lang siya ngayon. Lumabas na lang siya ng university at naglakad na parang walang patutunguhan. Nawalan na rin siya ng ganang manood ng sine.
Hindi niya gusto ang araw na ito. Infact pinilit pa niya ang sarili na bumangon kaninang umaga. Pero wala siyang choice kundi tumayo. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao sa paligid niya kaya she forced herself to act normal.
“Nakakainis. Saan naman  kaya ako pupunta.” tanong niya sa sarili habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nakaharang sa daan niya.  Nang maubos na ang maliliit na bato ay may nakita siyang isang lata ng sardinas na nakakalat. Imbis na pulutin yun at itapon sa basurahan, sa lata niya nilabas lahat ng inis niya at sinipa yon ng pagkalakas-lakas.
Sabay sigaw pa niya ng “Buwisit kang araw ka. Bakit ka pa dumating.” Wala siyang pakialam kung may nakarinig pa sa kanya. Her frustration and anger is quite evident. Medyo nakaramdam naman siya ng konting satisfaction pagkatapos niyang masipa ang lata.

“Nasaan na kaya yon.” Medyo palinga-linga pa si Derek.  Hindi na niya halos maalala ang daan papunta sa university buti na lamang at motorsiklo ang dinala niya kaya kahit naligaw siya hindi naman siya masyadong naipit sa traffic. May usapan sila ng pinsan na doon magkikita. Kahapon pa lang siya nakakauwi pero imbis na magpahinga para mabawasan ang jetlag maaga pa siyang gumising.
 Ang pamilya nila ang may-ari ng university at isa sa mga board of director ang Papa niya at ang pinsan. Dito rin siya nag-aral dati pero hanggang second year lang ang inabot niya dahil nagloko siya. Sa Amerika na lang siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at doon na rin siya nakatapos at nakapagmasteral pa sa Computer Engineering. Dapat ay mapopromote na siya sa isang software company na pinagtatrabahuhan pero napagpasyahan pa rin niyang umuwi.  
Malapit na siya at halos tanaw na niya ang malaking arko na nakapangalang Don Hermogenes university nang biglang may tumama sa ulo niyang lata ng sardinas mula sa kung saan. Nakahelmet naman siya kaya hindi siya nasaktan pero dahil sa pagkabigla nawalan siya balanse at sumadsad ang motor niya.
“Damn it.” Napamura siya sa sakit.  Buti na lang din at nakajacket siya dahil kung hindi sugat-sugat na siguro ang braso niya. Itinayo niya ang sarili at ang motor. Sumakit ang katawan niya pero mukha wala namang nabali sa mga buto niya. Yun nga lang may gasgas na ang motor niya na bagong bili pa naman. At ang jacket na binili pa niya sa amerika eh siguradong may sira na rin.
 Tumingin siya sa paligid hinahanap kung sino ang nagtapon ng lata sa kanya pero halos walang tao sa lugar. Pinulot niya ang lata na tumama sa kanya. Isang matandang babae na nakaupo lang ang nakita niya. Imposibleng ito ang nagtapon ng lata. She’s too old at hindi galing sa dieksyon nio ang lata. Lumapit siya rito at nagtanong kung may nakita ba itong nambato ng lata sa kanya. Itinuro nito ang isang babae na palayo nang naglalakad. Hindi niya ito agad napansin kanina dahil medyo malayo na ito.
Tinawag niya ito “Miss!!” Ni hindi man lamang ito lumingon kahit malakas ang boses niya. Hey Miss!! Napilitan na siyang habulin ito.
Sa wakas ay napansin naman siya nito at lumingon nang malapit na siya.
  
“Bakit ano ang kailangan mo?” Matabang na tanong ni Trixie sa lalaking naka black jacket. Kanina pa mainit ang ulo niya at hindi niya gusto ang mga taong nang-iistorbo. She didnt try to hide her obvious annoyance dahil sa pagtawag nito sa kanya.
 Ipinakita nito ang lata na ubod ng lakas niyang sinipa just a minute ago.. “Galing sayo to diba?” tanong nito. May tumutulo pang sauce sa lata ng sardinas.
“H-hindi yan galing sa akin nasa kalye na yan nung makita ko. Medyo kinabahan siya malaki kasi ang binabayarang multa kapag napagbibintangang naglittering. Pero hindi naman mukhang MMDA O tanod ang lalaki. Masyado itong guwapo at maporma para manghuli lang ng mga nagkakalat sa kalye. Kahit parang kumain ng alikabok ang suot nitong jacket ay halatang mamahalin ang suot nito. Pero puwede din namang galing sa ukay yon. Ang hindi ukay ay ang kaguwapuhan nito. Maputi at mamula-mula ang balat, medyo may kakapalan din ang kilay nito na magkasalubong na habang nakatingin sa kanya. Matangos din ang ilong nito. Mukhang kakastilain kaya sigurado siyang hindi ito tanod o MMDA. Pero mukhang galit ito sa kanya dahil sa lata.
 “Alam mo bang tumama sa helmet ko ang lata na ito kaya sumadsad ang motor ko at nagkadamage.”
“H-ha W-wala akong kinalaman sa lata na yan.” Pagsisinungaling pa rin niya dito. Pero alam niyang halatado na siya.
“The old lady over there pointed at you. Nakita ka niya so please stop lying.”
“Sabi ko na ngang wala akong alam. Huwag ma akong istorbohin.” Nagkunwari na siyang galit. Nagtangka na rin siyang magwalk-out. Pero pinigilan siya nito.
Hinawakan nito ang braso niya. “Hey not so fast lady. Hindi ka man lang ba magsosorry?”
“Hindi ako magsosorry dahil wala akong kasalanan. Bitawan mo nga ako.” Pagmamatigas niya
Parang gusto na siyang batukan nito sa inis. Hindi talaga siya aamin kahit makita pa ang footprint niya sa lata.
“Then pay up. Pagkatapos noon I’ll call it quits.” Sabi na lang nito.
“Mangarap ka mister. Now let go of me.” Pagmamatigas niya.
“What if i dont want to?” hamon nito.
Tiningnan niya ito ng masama at pagkatapos ay biglang isang ideya ang naisip niya. Bigla siyang nagsisisigaw “Saklolo!! Saklolo!!” sinamahan pa niya oyon ng konting drama para magmukha talaga siyang biktima.
Nabigla ito sa ginawa niya kaya nabitiwan siya nito. Napansin naman niya ang pagkalito nito kaya  pinalo niya ito ng bag at pagkatapos ay tumakbo siya ng pagkabilis-bilis hanggang sa mawala siya sa paningin nito.
“Hoy!! Hahabulin sana uli ito ni Derek pero dahil masakit pa ang katawan niya at ulo hindi na niya ito naabutan. Napilitan na lang siyang bumalik sa motor niya. Kinakapa ang napalong ulo. Nagsisisising hinubad pa niya ang helmet.
“Lagot sa akin yung babaeng iyon pag nakita ko uli siya. Ang malas ko talaga” Kinapa niya uli ang ulo na tinamaan ng bag. Nabukulan pa siya nito.  May laman yatang bato ang bag ng babaeng yon” Pero kahit may bukol na siya at masakit ang katawan he still decided na puntahan ang pinsan. Importante ang dahilan ng pagdalaw niya hindi na siya puwedeng magsayang pa ng oras.
Kahit break time nasa opisina pa rin ang pinsang si Jon at natatrabaho. Workaholic na talaga ito noon pa man pero kahit pasaway siya at seryoso ito magkasundo silang dalawa dahil siguro sabay silang lumaki.
“Anong nangyari sayo? Para kang sumugod sa sandstorm at bukol ba yang nakikita ko sa ulo mo? Tanong nito pagkapasok pa lang niya.
“Yeah, some crazy girl hit me with her bag pagkatapos niya akong muntikang patayin.”
Natawa ito. “Ex girlfriend mo ba yon?”
“I don’t even know her.” Sagot niya dito sabay upo.
“Karma hitting you on the face? Baka representasyon yan ng mga babaeng pinaiyak mo noon.” Seryosong biro nito.
“I committed tons of mistakes pero wala akong naagrabyadong babae. That girl is  bad news. But let’s just forget about her. Nakuha mo na ba yung info na hinihingi ko?”
“Yup I got the information you want.  Patricia Romero 19 years old.  2nd year irregular college student.
Medyo nagtaka siya doon. He’s expecting na graduating student na si Patricia. “Anong nangyari? Huminto ba siya?”
“Well hindi but she changed course three times and she failed almost all her major subjects. Ngayon she’s taking communication arts. Pero sa tinatakbo ng mga bagay-bagay I think she’s doomed to fail again. Nangangalahati pa lang ang sem at may dalawang absent na siya sa Algebra na dalawang beses na rin niyang binagsak.” Kuwento nito.
Inabot na nito sa kanya ang files ng nasabing estudyante. Tiningnan niya muna ang transcript nito. Umuulan nga yon ng pasang awa at bagsak. May incomplete pa itong subject and then he looks at her picture na medyo may kalabuan. Mahaba ang buhok nito sa larawan, ilang taon na rin yata ang nakakaraan ng huling kinunan.
“Dapat talaga matagal na siyang wala sa scholarship program pero dahil nga sayo binigyan namin siya ng sobrang konsiderasyon.” Pagpapatuloy nito.
“Salamat pinsan.” Tiningnan niya uli ang picture nito. “Wait Meron ka bang mas recent na photo niya. Yung malinaw.” Hinarap nito sa kanya ang monitor. At napasimangot siya sa nakita.
“Bakit? May problema ba?” tanong nito.
 “Yan yung babaeng nagbigay sa akin ng bukol kanina lang.” hindi niya makapaniwalng turan. Ang layo na ng itsura nito sa iniisip niya.
“Nice. Atleast nagkakilala na kayo sa wakas.”
“And she’s anything but nice. Tinakasan lang niya ako.”
“Hindi lang ikaw ang tinakasan niya. She’s supposed to be in class. But luckily for her, absent ang professor nila. And I need to find a substitute.”
“Matagal na ba siyang ganito? Tanong niya sa pinsan. “Her father told me na napakatalino niya at sobrang bait. Infact first honor siya dati sa klase niya.” nakatingin pa rin siya sa larawan nito. She looks innocent sa picture. Pero yung nakita niya kanina hindi nga niya naisip na estudyante ito. She’s wearing skinny jeans, black boots at white sando na pinatungan lang nito ng  knitted blouse na butas-butas. Maiksi rin ang buhok nito at puro butas ang tenga. She’s also wearing tons of make-up. Pulang-pula nga ang labi nito kanina. Kung makakasalubong niya ito ng gabi mapagkakamalan niya itong nagbebenta ng aliw.  Malayong-malayo sa picture nito na nakita niya dati.
 “Well Lahat ng bagay at tao nagbabago. She chose her own path. Wala ka ng magagawa pa doon. Hindi mo na siya obligasyon. She’s old enough.”
“But I promised her dad.”
“So ano ang gusto mong gawin? I mean you’re already shouldering her education. Nagbigay ka rin ng pera sa pamilya niya bago ka umalis papuntang Amerika. Wala ka nang obligasyon sa kanya.”
“This isn’t just about money Insan. Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niya.”
“Then what do you want to do?” seryosong tanong nito.
“I don’t know pero sinabi mong absent yung professor nila di ba? And you need a substitute?”
“Yeah.”
“Then hindi mo na kailangang maghanap. Ako na ang papalit.” Seryosong sabi niya dito.
“Sigurado ka ba sa gusto mo?” gulat na tanong nito.
“Estudyante siya dito so mas mababantayan ko siya kung nandito rin ako.”
“Don’t you think that’s going too far? Medyo nag-aalalang tanong nito.
“Have you seen her? She’s on her rebellious stage she needs guidance.”
“That’s not your job. Trabaho yon ng magulang niya.”
“Exactly at ako ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya kay responsibilidad ko na tulungan siya.”
“Fine since you’re so determined at kailangan ko talaga ng subtitute professor I guess you’re hired. Padala mo na lang mga credentials mo pero please dont cause any trouble.” Babala nito.
 “Don’t worry I’m a changed man.”
“I know pero don’t underestimate ang katigasan ng ulo ng mga kabataan ngayon. And you will need to start tomorrow. Kakayanin mo ba?” nagtatanong na hamon nito.
“I’ll be here tomorrow. Sige may pupuntahan pa ako. ” paalam niya dito
“Saan ka na naman pupunta? Hindi ba dapat dumaan ka sa ospital at ipatingin mo ang bukol mo.”
“I’m fine. I’m going to visit an old friend.” Pagkatapos ay tumayo na siya para umalis.

Nang mapansin ni Trixie na hindi na siya hinahabol nung lalaking biker ay binagalan na niya ang pagtakbo. Medyo sumakit ang paa niya dahil may kataasan ang takong ng boots niya.
“Kakainis talaga.” Umupo muna siya para magpahinga. Malayo layo rin pala ang natakbo niya dahil sa takot niyang maabutan nung lalaki. Balak pa siyang singilin eh wala na nga siyang pera.
Kinuha niya ang cellphone sa bag. Buti na lang at hindi nasira ang luma niyang cellphone na tumama yata sa ulo nung biker kanina ng pinalo niya ito ng bag.  Buti nga sa kanya akala niya masisindak niya ako.”
Nagtry siyang magtext sa mga kaibigan pero wala na pala siyang load. Tumingin siya sa paligid at napansin naman niya ang isang tindahan. “Ale meron po ba kayong paload sa smart.” Tanong niya sa nagbabantay na tindera.
Kinuha niya ang wallet para kumuha ng buong bente. Pero nang buksan niya ang pitaka at makita ang isang lumang larawan na kasama ang ama ay hindi niya mapigilang mapabuntunghininga. Kinuha niya ang pera pagkatapos ay binalik ang wallet at cellphone sa bag.
“Miss ano po ba yung number nyo?” Tanong ng tindera.
“Huwag na lang po. Pagbilhan nyo na lang po ako ng posporo at tsaka dalawang kandila.” Pagkatapos niyang makuha ang binili pumara siya ng isang tricycle. “Mama, sa sementeryo po.” Isang importanteng tao ang kailangan niyang dalawin.
Kahit malapit nang mananghali ng makarating siya sa sementeryo ay makulimlim pa rin ang paligid. Nakikiisa sa nararamdaman niya ng mga oras na yon ang langit. Wala siyang taong nadatnan, kahapon pa dumalaw ang nanay at kapatid niya sa puntod. Ayaw niyang sumama kaya nagdahilan siyang masama ang pakiramdam.  Pero ngayon hindi pa rin niya kayang matiis na hindi puntahan ang puntod ng ama.  
May mga bulaklak at kandila na nakapatong sa nitso na malamang ay galing sa kanyang ina na si Aling Dolor. Sinindihan na niya ang kandilang dala at nag-alay ng panalangin.  At katulad ng lagi niyang ginagawa kinausap niya ito.
“Dad kumusta na. Ang tagal na rin pala.” Pinilit niyang ngumiti. “Dadalhan sana kita ng paborito mong prutas na tsiko kaya lang kulang na ang allowance ko. Bumili kasi ako ng bagong boots.  Suot ko nga ngayon ang sakit nga lang sa paa.” Itinaas pa niya ang paa para ipakita dito ang suot. “Okay lang si mommy masaya naman sila ng asawa niya at anak. Kung ako naman ang tatanungin ninyo ito p-pinipilit mabuhay kahit feeling ko...”  Huminto siya sa pagsasalita dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. At hindi na niya napigilan ang sariling umiyak.  Ilang taon na pero hindi pa rin nabawasan ang sakit.
“Mom bakit parang ang tagal yata ni Dad umuwi?” tanong niya sa ina na nagluluto na nang hapunan.
“Baka may operation lang yon. I’m sure darating yon bago magdinner.” Sagot nito.
Nagpatuloy siyang naghintay habang nanonood ng anime sa sala And then she heard the doorbell kaya excited siyang binuksan ang pinto. Pero hindi ang ama niya ang bumungad. Isa sa kasamahan nito sa trabaho ang nakita niya si Agent Nilo na isa sa mga kaibigan ng Dad niya. He looked uneasy halatang may dalang hindi magandang balita. Nakatingin lang siya dito.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita din ito “Trixie nandiyan ba ang mama mo?” tanong nito sa kanya.
Tumango lang siya pagkatapos ay tinawag ang ina. “ Mom may bisita.” Pinapasok na rin niya ito. Umalis muna siya para hindi niya marinig ang usapan ng matatanda. But then just after a few minutes sa kuwarto niya narinig niya ang mommy niya na sumigaw. Napasugod siya and there she was sobbing uncontrollably.
Lumapit siya dito. “M-mom anong problema?” kinakabahan na siya.
Niyakap siya nito. “T-trixie wala na ang daddy mo.” Lalong lumakas ang pag-iyak nito.
She just stood there shocked. Tumingin siya kay Agent Nilo na nagdala ng masamang balita. Hindi ito kaaktingin ng diretso sa kanya. Pagkatapos noon ay tumingin siya sa may pinto. Humiwalay siya sa ina at lumabas siya ng bahay.
“Dad?! Dad!?” Tumakbo siya palabas hanggang sa may gate habang tinatawag ang ama. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina niya. Her dad is just playing tricks with her. Imposibleng wala na ang daddy niya. He is superman, he’s invincible, he can’t be dead. “Dad?!” she yelled again and again.  Naubos na ang boses niya  pero walang sagot. And that’s when it dawned on her, never again will he be coming home for dinner.Hindi niya alam kung gaano siyang katagal nakatayo sa gitna ng kalye at umiiyak.
The cold wind interrupted her reverie. May kasama pang ambon yon. Dahil manipis ang suot hindi niya matiis ang lamig. She dried her tears and say another prayer para magpaalam dito. Hinawakan pa niya ang lapida nito.
Sa may di kalayuan tahimik lamang na nakatingin si Derek.  Nauna lang ng konti si Trixie sa puntod kaya ng makita niya ito hindi na muna siya tumuloy. Pinapanood niya ito habang kinakausap nito ang ama. Batang-bata pa ito ng huli niyang makita six years ago at sa picture lang yon. 
Hindi siya nakapunta sa libing ng ama nito dahil nasa ospital siya ng mga panahon na yon dahil sa tinamong sugat at trauma. Wala rin naman siyang mukhang ihaharap sa pamilya nito.  Hindi rin siya nakapunta sa sementeryo dahil mabilis siyang pinadala ng ama sa Amerika para mailayo siya sa gulo ng mga panahong iyon.  Mula sa amerika pinaasikaso na lang niya lahat sa abogado ang tungkol sa pamilya ni NBI agent Marcus Romero ang ama ni Trixie. Hindi siya nagpakilala sa mga ito.
Kanina lang ang kauna-unahan nilang pagkikita nila and unfortunately its not even in the best circumstance. Pero paano nga ba siya dapat magpapakilala dito? Its obvious na masakit pa rin dito ang pagpanaw ng ama kahit anim na taon pa ang dumaan. Iniiyakan pa rin nito ang puntod.
Sabagay ganoon din naman siya. After six years ganoon pa rin ang nararamdaman niya. The help he provided her family didn’t ease his pain nor did it lessen the guilt. At ngayong nakikita niya ito lalong tumindi ang pagkabagabag ng kalooban niya. Gusto niya itong lapitan pero hindi niya magawa. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dito.
Nagpasya na lamang siyang hintayin itong makaalis bago siya lumapit sa puntod. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya ng makita niya ang himlayan ng taong nagligtas sa buhay niya. He didn’t say anything. Nakatingin lang siya sa lapida nito at sa maiksing note na iniwan ni Trixie. Kinuha niya ang note pagkatapos niyang ilapag ang bulaklak na binili niya.
The note read “I missed you Dad.” bumuntunghininga siya ng malalim, para kasing tumarak sa puso niya ang sakit na nararamdaman nito. Pero hindi lang sakit ang nararamdaman niya kundi matinding guilt na anim na taon na niyang dinadala sa dibdib. Buhay nito ang kapalit para lang mabuhay siya. Hindi yon tama dahil wala naman siyang magandang nagawa para ibigay nito ang buhay para sa kanya. Minsan hindi niya alam kung dapat ba siyang maging grateful o magalit dahil mas binigyan pa siya nito ng halaga kesa sa sarili nitong buhay. Patapon ang buhay niya noon hindi karapat dapat na iligtas o kahit pahalagahan.

Saturday, May 25, 2013

Womanizer

According daw sa isang survey 1 out 5 lalaking pinoy ay nangangaliwa. Ibig sabihin lang niyan eh 20 percent ng lalaki ay nagloloko. Nakakatakot para sa mga babae ang statistic na ito dahil kung nangangaliwa ang mga lalaki ibig sabihin dumarami na rin ang babaeng nagiging kabit at ang masama marami sa kanila eh hindi alam na kabitsina na pala sila. Paano kung mabuntis eh di single parent na naman ang drama. So para makaiwas kahit papaano sa mga babaerong may asawa na pala pero nagkukunwaring walang sabit bibigyan ko ang mga katulad kung kababaihan ng tip. Ang tip na ito ay nagmula pa sa mga kamag-anakan kung mga babaero. Dahil kamag-anak nila ako at takot na malasin ako at iba pang kababaihan sa aming pamilya ay sinabi nila ang mga style nila para makauto ng mga babae.

Ang mga may asawa na gusto pang umiskor kadalasan ay hindi nagsusuot ng wedding ring. siyempre 3/4th na agad ng kababaihan ang lalayo sa kanila kapag nalamang may sabit. Hindi naman lahat eh Anne curtis ang peg  sa no other woman na pumapatol kahit alam na may asawa na ang lalaki. pero siyempre kahit papaano may maiiwang bakas yan sa daliri . maging malinaw ang mga mata sa sign na yan. Huwag tanga.

pero siyempre may mahuhusay talagang magtago. Isa pang sign eh ang edad. Kung nasa mid thirties na ang lalaki at sinasabing binata pa siya at walang sabit eh magduda ka kaagad. Ang sabi ng isang babaero kung kamag-anak hindi raw kaya ng lalaking walang babae sa buhay nila ng napakatagal na panahon. Bakla lang daw ang makapagtitiis na mag-isa ng matagal na walang karelasyon na girlash. (Tandaan hindi ko to sariling opinyon, isang lalaki ang nagsabi sa akin nito.)

May matatalino namang babae at alam na hindi na nauuto sa binata ako at walang sabit na approach. Sa mga medyo matatanda nang babaero at gusto pa ring makakuha ng bata. May mga banat ang mga yan. Ang pinakaeffective daw at makakakuha pa ng sympathy vote eh magpaka Sir Chief. Magkunwaring isang biyudo. May konting variation din yan kapag medyo natatakot ang lalaking sabihing patay na ang misis niyang buhay na buhay pa pala. Imbis na biyudo ang sasabihin ay matagal na akong hiwalay kay Misis. Gaya nga ng sinabi ni  babaero kung kamag-anak hindi mabubuhay ang lalaki ng matagal na walang Jowa kaya kapag sinabing matagal na siyang hiwalay kahit totoo pa yon siguradong may kalive-in partner yan o may mga niloko na yang babae. At kung ikaw naman si girl gugustuhin  mo bang pumatol sa isang lalaking iniiwan ng mga babae. Red flag na yan agad.

Ngayon kung hindi talaga kayang itago ang kanyang marital status pero gusto pa rin ng side dish madalas magkukuwento yan kung gaano kamiserable ang buhay niya sa kanyang misis. Sasabihin niya na ang misis niya ay nagger, mabaho ang hininga, hindi marunong mag-asikaso at hindi marunong makontento sa suweldong binibigay. Ikaw naman si babae maaawa na naman at feeeling mo eh ikaw ang makakasolve ng problema niya by being his friend. Style lang yan . Ang lalaking problemado sa pamilya at gustong masolve yon hindi maghahanap ng babae para hingahan ng sama ng loob unless sobrang tagal nyo nang magkaibigan at may asawa ka narin. kung single ka pa lang at kakakilala nyo pa lang magduda ka kaagad.

Hindi rin sure fire way na binata si lalaki kung ipinakilala ka niya sa pamilya niya. Infact paraan yan na ginagawa kung may duda ka pa rin sa kanyang marital status. Unfortunately maraming family members ang  konsintidor o walang pakialam sa kamag-anak nilang nagloloko.Tikom lang ang bibig ng mga yan habang nagmumukha kang tanga.

Ang pinakaeffective ways pa rin na malaman kung kasal o hindi pa si lalaking pumoporma sayo eh icheck ang NSO. Tandaan mahirap maging kabit. may mga kakilala akong naloko sa ganyan. Huli na ng malaman nilang naloko na pala sila. Minsan live-in partner na nila at may anak na sila bago nila malaman ang katotohanan. Yan yung mga sitwasyon na mahirap nang ireverse. Minsan pikit mata na lang silang nakikisama dahil may mga anak na at yung lalaki ang bumubuhay sa kanila. Tinatanggap na lang nila ang hindi nila magandang kapalaran.

At isa pa nga pala para sa mga kababaihan huwag kayong masyadong atat magkajowa. Kahit malapit nang maubos ang egg cells nyo don't act desperate. Nakakaamoy ng ganyan ang mga babaero. Mga predator lang ang mga yan madaling makaamoy ng dugo.

At sa mga babaero dyan makarma sana kayo. 


Saturday, May 18, 2013

Post election Blues

Sa totoo lang super happy akong tapos na ang election. Sa wakas wala ng maiingay na campaign jingle to the tune of cha-cha ng Eatbulaga at move like Jagger ng maroon 5. Tapos na rin ang mga rally ng mga politiko na puro pangako at paninirang puri sa kalaban ang alam lang sabihin.

Siyempre may malulungkot din. Una na dyan ay yung mga talunan. Pagkatapos nilang maglakad sa init ng araw, humalik sa mga sanggol, makipagkamay sa mga taong hindi nila alam kung saan huling nagkamot at magkunwaring mabait ng ilang buwan ayun Luz valdez pa rin.

Malulungkot din ang mga supporters ng mga kandidatong natalo. Never naman akong nangampanya sa isang kandidato kaya hindi ko maintindihan ang kadramahan ng mga supporters na yan na parang sila ang mismong natalo sa eleksyon. Mas emotional pa sila at mas affected dun sa natalo. madalas sila pa ang nakikipag-away. Super panatiko lang ang Peg.

Malulungkot din siyempre ang mga TV stations at yung gumagawa ng mga political ads. Ang pagkakaalam ko atleast 25 percent ang tinataas  ng kita nila sa ads tuwing may eleksyon. Pati ang mga survey nayan. every week may kita sila galing sa mga politiko. Sayang ang extra income.

Kasama na rin sa malulungkot ay ang mga flying voters, mga corrupt na BEI at kung sino mang nabibigyan ng lagay tuwing may eleksyon. Kailangan na naman kasi nilang humanap ng bagong modus para kumita.

At siyempre kasama rin sa may post election blues ay yung mga taong ayaw manalo ang mga kinaiinisan nilang politiko pero ayon at nakasama pa rin sa magic 12. Ang dami kung nabasa sa twitter, sa FB at sa blogger na masama ang loob sa pagkapanalo ni "you know who". Hindi ko na siya papangalanan dahil baka uminit na naman ang ulo ng mga ibang makakabasa nito. Fill in the blanks na lang.

Dahil sa natapos na election may mga napamura, yung iba file agad ng elction protest., may mga iba naman na diretso agad sa social media at mega rant.Okay lang yan. Ilabas ang sama ng loob at umiyak kung gusto nyo. Isipin na wala na talagang pag-asa ang bansang Pilipinas at habambuhay na tayong lugmok sa kahirapan. Pero pagkatapos ng mga kadramahan, disappointment at pagwawala ay babalik na naman tayo sa ating everyday life. Mabubuhay tayo para sa ating mga mahal sa buhay at sa bandang huli eh magdarasal na kung sino man yang nakaupo dyan eh gagawin ng maayos ang trabaho nila. Kalbo man siya at natsistsismis na bading, Isang punggok na tinawag na maligno ng isang sikat na newscaster, mga papoging wala namang alam, isang plagiarist at mga senior citizens na hanggang sa huling hininga ay ayaw pang magretire sana eh gabayan sila sa tamang landas baliko man yan o tuwid na daan.