Ang bilis ng panahon. Kumakailan lang nagcelebrate ng Xmas then gumawa ng mga New Years resolution. This week lang nag year of the rabbit. Medyo mainit na rin uli.
I just feel sad na parang ang daming di masyadong magandang nangyari sa pagpasok pa lang ng taon. Yung mga naganap sa Makati na nagpakaba ng husto sa akin and recently nga eh ang suicide ni Former AFP Chief of staff Angelo Reyes. Pamilya kasi kami ng sundalo at pulis kaya medyo nalungkot ako sa pangyayari. Its a shame that sa huling bahagi ng buhay niya eh naging puno ng scandal at batikos. However its a cross he has to carry dahil sa mga nagawa niya ganoon naman talaga yon tayo ang nagpapabigat sa sarili nating dalahin because of our deeds masama man o mabuti.
On a lighter note malapit na ang Valentines Day. Siyempre wala na naman akong date. May nag-aayang mamundok pero masakit ang tuhod ko dahil medyo naparami ako ng kain ng bataw. Never din naman akong nahilig sa bundok gusto ko lang syang tingnan pero ang akyatin hindi ko carry. Pero I admire mountain climbers, mga healthy sila, masayahin at mababait. Hindi lang talaga ako mahilig sa maramihan at malayong lakaran lalo na at literal kang maglalakad ng ilang oras. Gusto ko lang talagang magsolo flight ngayon para mas light ng buhay at bawas ang drama.
Congratulations din nga pala sa mga kinasal kung mga friends at former classmates. Si Marlette na isa nang Mrs. Medic ito nagulat ako dahil nene pa to para sa akin inunahan pa ako. Si Jonar N. na matanda na kaya pwede na talagang lumagay sa tahimik. Maging masaya kayo. Minsan kapag may nakikita akong masaya at super inlove parang mas nagiging kapanipaniwala ang they lived happily ever after . Amen
No comments:
Post a Comment