Saturday, February 26, 2011

25 years of Edsa I Revolution

Buhay na ako noon pero masyado pang bata para intindihin ang mga bagay-bagay sa mundo noong paanahon ng EDSA I. Yung Edsa 2 naman sa TV lang ako nakilahok buti na lang kasi hardcore pro Erap ang lolo at lola ko at sasama ang loob noon kapag nakita ako na sumisigaw ng Erap resign. Gusto nga nilang umattend ng Edsa III noon buti na lang at malayo ang biyahe.

Pinagdiriwang ang Edsa depende sa administrasyon at dahil Noynoy is in the House bongga syempre ang celebration. Masaya naman ako na inaalala ang diwa ng Edsa dahil sa totoo lang I'm a big NINOY fan. Nung nasa university pa ako nanood ako ng maraming documentaries tungkol sa Edsa, Martial Law at tungkol kay Ninoy. Medyo maingat nga lang din ako sa mga comment ko tungkol kay Marcos dahil infairness sa kanila marami pa ring loyalista ang pamilya. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan na sila ang dahilan ng maraming human rights violation, paghihirap ng Pilipinas at kung bakit nagkatrauma ang beatles sa Pinas. Si Marcos din ang unang nagpauso ng sex scandal sa cassette tape nga lang. It just sadden me dahil Marcos could have been a great president, infact okay naman talaga siya nung first term nya until inisip nya nang mag extend at isipin ang sarili niya kesa bansa. Sya ang kauna-unahang presidente ng Pinas na nahalal ng second term of course medyo maraming question mark sa pagkapanalo niya pero history will let it slide ang sumunod doon eh talagang di na kaaya-aya. Hindi lahat nasa history book pero he is one of the perfect example that powers corrupt absolutely. Marami rin namang nagsasabi na corrupt na siya even before and everything is a well laid plan bago pa man sya maging presidente. His intelligence could not surpass his greed. Isama pa natin ang greed ng nasa paligid nya which gnawed in our country for 20 years.


Tuwing Edsa yon ang naaalala ko. Siguro dapat alalahanin ang mga panget para siguradong di na mauulit. Pero siyempre naaalala ko rin ang kabayanihan ni Ninoy Aquino because he knew that his chances na mapatay eh sobrang taas pero bumalik pa rin sya. You rarely see such courage that it moved the whole nation to tears and ultimately to a decision na tapusin na ang diktadurya ni Marcos. Hindi perfect si Ninoy, isa rin syang TRAPO dati at mataas ang political ambition. Palasyo din ang habol nya pero when everything was stripped from him pati yata yung pagiging TRAPO nya nawala at lumabas ang pagiging totoong makabayan. Marcos tried to break his spirit pero kabaligtaran ang nangyari. He emerged a bigger and better man..bigger than Marcos and his men could ever imagine. Sa adversary mo lang talaga makikita what real men are made of... at sa EDSA nakita ng mga Pinoy yon at sinunod nila ang matuwid na daan... parang election lang FYI.. di ko binoto si Noynoy.

Kapag nga may nakikita akong politician na may potential maging next president iniisip ko is he/she more of a Ferdinand Marcos or a Ninoy Aquino. Most people are still looking for a Ninoy kaya nga siguro nanalo ang anak nya. Pero hindi lang naman sa dugo yon.. its more of the idealism. Mahaba na to masyado... the end

2 comments:

  1. edsa revolution 1 is soo legitimate. pero democratic na tau eh. i really think that we should learn from the mistakes we do on elections. out of context na tuloy ang meaning ang people power...

    great post. :)

    ReplyDelete
  2. his intelligence can never surpass his greed. I like that line. :)

    ReplyDelete