Friday, February 11, 2011

Feb post 2

Inaya pala ni Phil Younghusband si Angel Locsin para sa isang Valentines date at siyempre alam nang madlang people ang mga pangyayaring ito dahil ginawa ito through Twitter. Sabi nga ng iba kilig to the bones. Mas masaya pa rin ako dahil nanalo ang Azkals laban sa Mongolia 2-0 at nakita ko sa news footage kung gaano kataas ang suporta ng mga tao. Puno ang lugar at may fireworks display pa after ng game. Its great na nagiging popular na ang football o soccer sa Pinas.. its about time.

Kahit di ako magaling maglaro isa akong true blooded sports spectator at super fan. Noon pa man hinihiling ko na sana magkainteres ang Pinoy sa soccer katulad ng interes ng buong mundo dito. Mahal ko ang basketball but lets face it hindi tayo ganoon katangkad and i feel that soccer is a sport na kayang mag excel ang mga Pinoy. Ngayong may mukha na ang soccer sa Pinas at nabibigyan na sila ng magandang exposure sa media sana magtuloy-tuloy para ten years from now may panonoorin na ako sa World Cup at nang magcheer ng todo-todo. Biruin mo makakasama na tayo sa pagpipilian ng mga fortune teller na hayop, sayang patay na si Paul the Octopus.  

No comments:

Post a Comment