I'm going to start my year by writing. Actually wala talaga akong maisip na maisulat pero dahil isa siguro sa mga bagay na pinakagusto kung gawin eh ang humarap sa monitor at magtype ng mga random thoughts I just felt that this is the perfect way to start the year.
Hindi kami nagpapaputok tuwing New Year. Torotot lang at konting ingay. Mahal ang paputok kaya nakikipanood na lang kami sa kapitbahay. Masaya pa rin naman ang pagsalubong namin sa Bagong Taon. I prefer celebrating New Year kasi this always reminds me that things no matter how bleak or bad can always turn better in the coming days. A new beginning for everyone. Hope always accompany new year and for some reason the festivity always makes me feel better. Nakakahawa rin ang optimism.
Hindi syempre mawawala ang mga paniniwala tuwing New Year. Mga simpleng pampaswerte na nakaugalian na nating mga Pinoy. Sabi nga ng matatanda "wala namang mawawala kung susundin natin". Bilog na prutas na simbolo ng pera at paputok pampataboy ng malas. I guess its more of a Chinese tradition we adopted tuwing new year.
In my case lagi akong may New Year resolution but this year I've decided to just forego with this personal tradition. Ang gusto ko lang talaga eh mas maging productive ang taon na ito para sa akin. I made a lot of decisions na maaari kung pagsisihan in the coming years but those decisions panininidigan ko yon hindi dahil sa nagkasubuan na but because baliw lang talaga siguro ako.
Looking forward talaga ako this year hindi lang para sa sarili ko and my family kundi para din sa mahal nating bansa. Bagong taon, bagong dekada, bagong presidente... na sana maging simula ng pagbangon ng Pilipinas mula sa kahirapan at kurapsyon.
Hindi nga siguro mabubura ang mga pagkakamali ng nakaraan pero lahat tayo laging may pagkakataon na mapaganda ang ating kinabukasan.
Again Happy New Year at sana makapagsulat pa ako ng maraming entry sa blog ko.
No comments:
Post a Comment