Wednesday, November 24, 2010

Lotto Fever

Months ago pa yata ako last nagbet sa Lotto. Tumataya ako tuwing brokenhearted ako dahil siguro sa kasabihang kapag daw bigo sa pag-ibig eh suwerte sa sugal(hindi siya totoo). My dad is the one na talagang lotto addict lalo na ngayong more than half billion na yata ang Jackpot. Medyo nawalan ako ng gana tumaya nung doblehin nila ang presyo ng ticket at marealized ko na hindi talaga ako suwerte sa sugal at bunutan. Nang huli akong manalo sa isang raffle draw eh estudyante pa yata ako at kaya lang yata ako nanalo eh dahil napakaraming prizes kung baga halos 1 is to 1 sa mga umattend. At syempre dahil nga malas ako sa bunutan nakuha ko rin ang pinaka consolation price isang oversize t-shirt na kahit yata sa tatay ko eh maluwag and mind you x large ang mga shirt ko.


Balik sa napakalaking Lotto Prize, nakatira kami sa bundok kaya kailangan pang bumiyahe ng atleast 30 minutes para makataya sa lotto but ofcourse that wont prevent my dad from betting. Kasehodang gumastos siya sa gasolina at pumila ng mahigit isang oras sa mga outlet na yan. Iniisip ko tuloy ano naman kaya ang balak gawin ng mga taong yan sa kalahating bilyon?

May conspiracy theory ang aking sisterlet tungkol sa lotto ang sabi nya si Gloria lang daw talaga ang nananalo dyan sa lotto dahil nga hindi alam ng mga tao kung sino talaga ang winner sya raw lang talaga ang nakakakuha ng pera. Pwede nga sigurong mangyari yon. PERKS ng isang pagiging presidente??? May daya man o wala obvious namang maraming willing makipagsapalarang pumila at tumaya para sa pagkakataong maging multi millionaire. Hindi naman masama ang mangarap.

Bigla kong naalala nanalo nga pala ako ng Ipod sa raffle dati binabawi ko na ako ay malas and I think broken hearted yata ako ng time na yon.

1 comment:

  1. friend, may theory naman na tinatayaan daw ng government lahat ng possible number combination. Meron parin silang kita kahit ganon. O kaya yung mismong PCSO. ^_^

    ReplyDelete