Thursday, March 24, 2011

Gossip Girl

Isa akong dakilang Tsismosa. Mahilig akong bumisita sa mga showbiz forum at makitsismis sa buhay ng mga paborito at kinakainisan kung artista.

Lates showbiz at sports news:

Nagbati na si Cristine at sarah
Pumanaw na si Miss Elizabeth Taylor
Nagwala si Chris Brown at kamukha na sya ngayon ni Rodman
Lumipat na ng promoter si Donaire
Bagong demand ni Mayweather 100 million dollars para sa laban nila ni PACMAN

Kahit tsismosa ako maipagmamalaki kung kapag hindi ka artista, sikat na athlete o pulitiko hindi ko pagtyatyagaang ikalat ang buhay mo sa iba. Taboo sa akin ang ipagkalat na kabit ni ganito ang pinsan ng pinsan ng bestfriend ni ganito at ni ganyan. At kahit first hand pa ang information ko at ako mismo ang nakakita ng mga JUICY details ng mga scandal na ikayayanig ng buong barangay at pag-uusapan ng mga teacher tuwing recess, mga bading kapag walang customer sa parlor at ng mga impokritong relihiyoso sa simbahan hinding-hindi ko sya itsitsismis.

Dapat may limit din ang pagiging tsismosa.

No comments:

Post a Comment