Sunday, November 21, 2010

K-Drama and I

As a sentimental fool and a TV addict, I'm a big fan of Korean Drama. Mas nakakarelate kasi ako sa mga characters sa Kdrama compare sa mga Pinoy soap opera. Hindi naman kasi ako pinagpalit noong bata ako. Wala naman akong step mother o tiyahin o malayong kamag-anak na balak pumatay sa akin para makuha ang yaman ng pamilya o isang super yamang lalaki ang nagkakagusto sa akin pero matapobre ang nanay. At sa tingin ko naman wala ring lukaret na babae na may masamang balak sa akin dahil inggit na inggit sya sa guwapo, matalino, mayaman at super straight kung bf.

I like to see everyday life..... people making stupid and rushed decision kaya mas nagiging complicated ang life na kung tutuusin pwede naman talagang simple. But that's life I guess simple yet complicated.

Sa Korean series gusto ko light comedy na may konting drama, dalawa lang naman ang dahilan kung bakit ko nagugustuhan ang isang series yung lead character at ang storya mismo.
Ang pinakapaborito ko siguro na lead character eh si KIM SAM SOON magkaedad kami, parehong single at plus size mahilig din akong magluto pero di ako marunong magbake ng cake. Minsan naiisip ko tuloy may guwapo at mas batang guy ba na mabibingwit ako kung mag-aaral ako ng baking?..... anything is possible I guess.

Sa story naman I have always love Attic Cat masaya, simple, mababaw at hindi nakakastress ang story. Isang babaeng simple, hindi maganda, hindi rin katalinuhan pero maparaan sa buhay ang nakilala ang isang guwapo nga at matalino pero nuknukan ng tamad at puno ng kalokohan sa buhay na lalaki. Walang antagonist sa story. The characters was just affected by the consequence of the decisions they made. Walang surprises pero exciting pa rin.

Isa rin yata ang Kdrama sa naging inspirasyon ko para magpapayat. Gusto ko rin kasing mapasan sa likod at hindi mangyayari yon kung mas mabigat pa ako sa dalwang sako ng bigas..

Ang hindi ko lang talaga marerekomenda eh Kdrama marathon kapag brokenhearted ka dahil kahit comedy scene parang gusto kong maiyak. Pero ako naman ang tipong naiiyak kahit sa isang simpleng scene sa spiderman movie kung saan sinasabi ni Peter kay MJ na hindi sila puwedeng magsama pero hindi naman nya masabi ang dahilan... at feeling ko ako lang ang umiyak sa scene na yon.

Balik na uli ako sa K drama obsession ko..... Now playing..... Personal Taste starring my new love Lee Min Ho.

1 comment:

  1. favorite Ko rin ang coffee prince di ko lang siya nilagay dahil di ko alam name nung lead character doon na lalaki na syang pinakapaborito ko sa lahat ng male character (dream guy personified ika nga). Sinadya kong di hanapin name nya dati. Naalala ko tuloy kung gaano ko yon kacrush.

    ReplyDelete