Sa totoo lang super happy akong tapos na ang election. Sa wakas wala ng maiingay na campaign jingle to the tune of cha-cha ng Eatbulaga at move like Jagger ng maroon 5. Tapos na rin ang mga rally ng mga politiko na puro pangako at paninirang puri sa kalaban ang alam lang sabihin.
Siyempre may malulungkot din. Una na dyan ay yung mga talunan. Pagkatapos nilang maglakad sa init ng araw, humalik sa mga sanggol, makipagkamay sa mga taong hindi nila alam kung saan huling nagkamot at magkunwaring mabait ng ilang buwan ayun Luz valdez pa rin.
Malulungkot din ang mga supporters ng mga kandidatong natalo. Never naman akong nangampanya sa isang kandidato kaya hindi ko maintindihan ang kadramahan ng mga supporters na yan na parang sila ang mismong natalo sa eleksyon. Mas emotional pa sila at mas affected dun sa natalo. madalas sila pa ang nakikipag-away. Super panatiko lang ang Peg.
Malulungkot din siyempre ang mga TV stations at yung gumagawa ng mga political ads. Ang pagkakaalam ko atleast 25 percent ang tinataas ng kita nila sa ads tuwing may eleksyon. Pati ang mga survey nayan. every week may kita sila galing sa mga politiko. Sayang ang extra income.
Kasama na rin sa malulungkot ay ang mga flying voters, mga corrupt na BEI at kung sino mang nabibigyan ng lagay tuwing may eleksyon. Kailangan na naman kasi nilang humanap ng bagong modus para kumita.
At siyempre kasama rin sa may post election blues ay yung mga taong ayaw manalo ang mga kinaiinisan nilang politiko pero ayon at nakasama pa rin sa magic 12. Ang dami kung nabasa sa twitter, sa FB at sa blogger na masama ang loob sa pagkapanalo ni "you know who". Hindi ko na siya papangalanan dahil baka uminit na naman ang ulo ng mga ibang makakabasa nito. Fill in the blanks na lang.
Dahil sa natapos na election may mga napamura, yung iba file agad ng elction protest., may mga iba naman na diretso agad sa social media at mega rant.Okay lang yan. Ilabas ang sama ng loob at umiyak kung gusto nyo. Isipin na wala na talagang pag-asa ang bansang Pilipinas at habambuhay na tayong lugmok sa kahirapan. Pero pagkatapos ng mga kadramahan, disappointment at pagwawala ay babalik na naman tayo sa ating everyday life. Mabubuhay tayo para sa ating mga mahal sa buhay at sa bandang huli eh magdarasal na kung sino man yang nakaupo dyan eh gagawin ng maayos ang trabaho nila. Kalbo man siya at natsistsismis na bading, Isang punggok na tinawag na maligno ng isang sikat na newscaster, mga papoging wala namang alam, isang plagiarist at mga senior citizens na hanggang sa huling hininga ay ayaw pang magretire sana eh gabayan sila sa tamang landas baliko man yan o tuwid na daan.
No comments:
Post a Comment