Prologue
“D-derek
tumakas ka na!” sigaw ni Agent Romero kay Derek.
“Hindi
puwede hindi kita puwedeng iwan dito. May sugat ka.” Pagmamatigas niya
“H-indi
ka puwedeng mamatay, importante ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo. Kahit
ngayon lang makinig ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko.” Pakiusap na nito.
“Sige
pero babalik ako, hihingi ako ng tulong.” Halos maiyak na siya dahil alam
niyang hirap na ito sa tama ng baril sa may hita. Ito rin marahil ang dahilan
kung bakit ito nagpapaiwan dahil magiging mabagal lang ang pagtakas at maabutan
lang sila ng mga humahabol sa kanila. Kaya kahit labag sa loob umalis siya para
iwan ito.
Hindi pa
siya masyadong nakakalayo ng marinig niya ang putok ng mga baril. Nagmadali
siya sa pagtakbo. Huli na para bumalik o magsisi sa ginawa. Ang kailangan niya
makalayo pagkatapos ay humingi ng tulong. Kahit di niya alam ang direksyong
tinatahak walang lingong-liko siya sa pagtakbo. Nakasalalay ang buhay niya
dito. Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Hindi pa siya handa.
Chapter I
“Pinsan
gising na malapit na tayo.” Tapik sa kanya ni Jon. “Sarap ng tulog mo ah.”
Dahan-dahan
na dinilat ni Derek ang mga mata. Tumingin siya sa pinsan na nagdadrive para sa
kanya. Ito ang sumundo kanina sa kanya sa airport. Halos dalawang oras pa lang siyang
nakakabalik sa Pilipinas. Kahit siya nga halos hindi pa makapaniwala na he
really is back.
“Ilang taon na nga ba mula noong umalis ka?” tanong
ng pinsan niya.
“Six
years.” Maiksi niyang sagot. Anim na taon na mula ng umalis siya ng Pilipinas
at namalagi sa Amerika yon ay sa kahilingan na rin ng kanyang ama. Pumayag naman
siya agad dahil gusto niyang makatakas sa mga bangungot na siya rin naman ang
may kagagawan. Sa Amerika he found
temporay relief at naipagpatuloy niya ang buhay kahit papaano.
Ngayong nagbalik na siya, napanaginipan na
naman niya ang ginawa niyang pagtakas sa mga humahabol sa kanya noon. Kahit
namatay na ang mga nagtangka sa buhay niya noon hindi pa rin siya tuluyang
makalaya sa mga bangungot.
“Kumusta
na ang Papa? Tanong na lang niya sa pinsan para maiwasang isipin ang nakaraan.
Ayon
hinihintay ka na. Excited na iyon. Will you be staying here for good?”
“Hindi ko
pa alam. Pinagbigyan ko lang ang Papa sa pakiusap niyang magbalik ako.” sagot
niya dito pero ang totoo ay may plano na siyang magbalik noon pa dahil may
gusto siyang asikasuhin, unfinished business.
“Well i’m
glad youre back pinsan. Hininto na nito ang sasakyan. “We’re here.” Bumaba na
siya ng sasakyan. Isang malaking maleta at balikbayan box lang naman ang dala
niya. “Sige pinsan may lakad pa ako. Kumusta mo na lang ako kay Tito.” Paalam
nito.
“Sige
ingat sa’yo date mo.” Biro niya dito. “At salamat sa paghatid.” Tumango lang
ito at ngumiti pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.
Siya
naman ay tuluyan nang pumasok sa mansion. Sinalubong agad siya ng mga katulong
na hindi naman niya kilala except sa ilang dekada na nilang katiwalang si Mang
Ising.
Binati
niya ito. “Hindi man lang kayo tumanda kahit isang taon.”
“Welcome
back po senorito.” Balik tugon nito. Konting ngiti lang ang ganti nito. Hindi
masyadong pinahahalata na masaya ito sa pagbabalik niya.
“Nasaan ang Papa?” hanap niya sa amang si Don
Renato.
“Nasa
study po niya senorito.” Pormal pa rin talaga ito makipag-usap. Ganoon naman
talaga sila sa bahay. Ang mama lang naman niya ang nagbibigay ng buhay sa bahay
na iyon kaya ng mamatay ito parang tianakasan na rin ng sigla ang buhay nila.
“Salamat.
Mamaya bibigyan ko kayo ng pasalubong.” At pagkatapos ay tuloy-tuloy na siyang
pumasok sa study ng kanyang ama. Nakabukas yon kaya hindi na siya kumatok.
“I
thought you’re sick. You should be in your bedroom.” Yon ang pagbati niya dito.
Pormal sila ng ama sa isa’t-isa. No hugs nor kisses not even a simple greeting.
They don’t even deal with small talk. Ganoon sila noon sa bahay.
Kaya
medyo nagulat siya ng ngumiti ito ng makita siya. “Welcome back Hijo sa wakas
nagbalik ka.”
“So I assume
you’re fine.”
“Well I
am fine, but I’m sick of being alone in this house. Kung hindi ko pa pinasabing
may sakit ako hindi ka pa uuwi.” May himig tampo sa boses nito.
“You’re
the one who wants me to go to the US in the first place.” Paalala naman niya
dito.
“Ako nga
ang may gusto pero hindi ko naman sinabi sayo na doon ka na habambuhay. But I
think nakabuti sayo ang malayo ng ilang taon. You look well my son. I hope
you’re ready to take care of our business here. Alam mo namang ikaw lang ang
kaisa-isa kung anak.”
“Hindi pa
ako sigurado Papa.”
“Then you
better make a decision soon hindi na ako bumabata.”
“I’ll
give you my answer soon pero let me just take care of some personal business
first.
“Bahala
ka. Im just glad you’re back.” And the old man smiled again. He looked
genuinely pleased to see him. Lumapit siya dito and for the first time in many
years niyakap niya ito.
“Sorry sa
lahat Papa.” Bulong niya dito.
“It’s all
right I’m just happy to have my son back.”
Ngumiti
lamang siya at sinamahan na niya itong bumalik sa sariling silid.
“Hindi ka
na naman papasok?” tanong ng kaklaseng si Melody kay Trixie.
“May
bagong action movie na palabas. Manonood na lang ako kesa makinig sa boring
nating professor.” Sagot ni Trixie dito habang naglalagay ng make-up.
“Pero may
quiz tayo ngayon.” Paalala nito.
“Hello eh
di lalong hindi ako dapat pumasok. Ano naman ang isasagot ko doon eh hindi
naman ako nagreview. Ikaw nagreview ka ba?” tanong niya dito.
“Hindi
rin pero nakailang absent na ako. Baka i-drop na ako ni Sir at sigurado hindi
na ako mapapatawad ng parents ko. Baka patigilin na ako sa pag-aaral ng mga
yon.”
“Okay
lang mag-aaya na lang ako ng iba. Mauna na ako. bye” Tinalikuran na niya agad ito para itago ang disappointment niya.
Kahit
sinabi niya na puwede siyang mag-aya ng iba wala talaga siyang ibang makakasama.
Puro busy ang mga kaibigan niya, kaya talagang nag-iisa lang siya ngayon. Lumabas
na lang siya ng university at naglakad na parang walang patutunguhan. Nawalan
na rin siya ng ganang manood ng sine.
Hindi
niya gusto ang araw na ito. Infact pinilit pa niya ang sarili na bumangon
kaninang umaga. Pero wala siyang choice kundi tumayo. Ayaw niyang magpakita ng
kahinaan sa mga tao sa paligid niya kaya she forced herself to act normal.
“Nakakainis. Saan naman kaya ako pupunta.” tanong
niya sa sarili habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nakaharang sa daan
niya. Nang maubos na ang maliliit na
bato ay may nakita siyang isang lata ng sardinas na nakakalat. Imbis na pulutin
yun at itapon sa basurahan, sa lata niya nilabas lahat ng inis niya at sinipa
yon ng pagkalakas-lakas.
Sabay
sigaw pa niya ng “Buwisit kang araw ka. Bakit ka pa dumating.” Wala siyang
pakialam kung may nakarinig pa sa kanya. Her frustration and anger is quite
evident. Medyo nakaramdam naman siya ng konting satisfaction pagkatapos niyang
masipa ang lata.
“Nasaan
na kaya yon.” Medyo palinga-linga pa si Derek. Hindi na niya halos maalala ang daan papunta
sa university buti na lamang at motorsiklo ang dinala niya kaya kahit naligaw
siya hindi naman siya masyadong naipit sa traffic. May usapan sila ng pinsan na
doon magkikita. Kahapon pa lang siya nakakauwi pero imbis na magpahinga para
mabawasan ang jetlag maaga pa siyang gumising.
Ang pamilya nila ang may-ari ng university at
isa sa mga board of director ang Papa niya at ang pinsan. Dito rin siya
nag-aral dati pero hanggang second year lang ang inabot niya dahil nagloko siya.
Sa Amerika na lang siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at doon na rin siya
nakatapos at nakapagmasteral pa sa Computer Engineering. Dapat ay mapopromote
na siya sa isang software company na pinagtatrabahuhan pero napagpasyahan pa
rin niyang umuwi.
Malapit
na siya at halos tanaw na niya ang malaking arko na nakapangalang Don
Hermogenes university nang biglang may tumama sa ulo niyang lata ng sardinas
mula sa kung saan. Nakahelmet naman siya kaya hindi siya nasaktan pero dahil sa
pagkabigla nawalan siya balanse at sumadsad ang motor niya.
“Damn it.”
Napamura siya sa sakit. Buti na lang din
at nakajacket siya dahil kung hindi sugat-sugat na siguro ang braso niya.
Itinayo niya ang sarili at ang motor. Sumakit ang katawan niya pero mukha wala
namang nabali sa mga buto niya. Yun nga lang may gasgas na ang motor niya na
bagong bili pa naman. At ang jacket na binili pa niya sa amerika eh siguradong
may sira na rin.
Tumingin siya sa paligid hinahanap kung sino
ang nagtapon ng lata sa kanya pero halos walang tao sa lugar. Pinulot niya ang
lata na tumama sa kanya. Isang matandang babae na nakaupo lang ang nakita niya.
Imposibleng ito ang nagtapon ng lata. She’s too old at hindi galing sa dieksyon
nio ang lata. Lumapit siya rito at nagtanong kung may nakita ba itong nambato
ng lata sa kanya. Itinuro nito ang isang babae na palayo nang naglalakad. Hindi
niya ito agad napansin kanina dahil medyo malayo na ito.
Tinawag
niya ito “Miss!!” Ni hindi man lamang ito lumingon kahit malakas ang boses niya.
Hey Miss!! Napilitan na siyang habulin ito.
Sa wakas
ay napansin naman siya nito at lumingon nang malapit na siya.
“Bakit
ano ang kailangan mo?” Matabang na tanong ni Trixie sa lalaking naka black
jacket. Kanina pa mainit ang ulo niya at hindi niya gusto ang mga taong nang-iistorbo.
She didnt try to hide her obvious annoyance dahil sa pagtawag nito sa kanya.
Ipinakita nito ang lata na ubod ng lakas
niyang sinipa just a minute ago.. “Galing sayo to diba?” tanong nito. May
tumutulo pang sauce sa lata ng sardinas.
“H-hindi
yan galing sa akin nasa kalye na yan nung makita ko. Medyo kinabahan siya
malaki kasi ang binabayarang multa kapag napagbibintangang naglittering. Pero
hindi naman mukhang MMDA O tanod ang lalaki. Masyado itong guwapo at maporma
para manghuli lang ng mga nagkakalat sa kalye. Kahit parang kumain ng alikabok
ang suot nitong jacket ay halatang mamahalin ang suot nito. Pero puwede din
namang galing sa ukay yon. Ang hindi ukay ay ang kaguwapuhan nito. Maputi at
mamula-mula ang balat, medyo may kakapalan din ang kilay nito na magkasalubong
na habang nakatingin sa kanya. Matangos din ang ilong nito. Mukhang kakastilain
kaya sigurado siyang hindi ito tanod o MMDA. Pero mukhang galit ito sa kanya
dahil sa lata.
“Alam mo bang tumama sa helmet ko ang lata na
ito kaya sumadsad ang motor ko at nagkadamage.”
“H-ha
W-wala akong kinalaman sa lata na yan.” Pagsisinungaling pa rin niya dito. Pero
alam niyang halatado na siya.
“The old
lady over there pointed at you. Nakita ka niya so please stop lying.”
“Sabi ko
na ngang wala akong alam. Huwag ma akong istorbohin.” Nagkunwari na siyang galit.
Nagtangka na rin siyang magwalk-out. Pero pinigilan siya nito.
Hinawakan
nito ang braso niya. “Hey not so fast lady. Hindi ka man lang ba magsosorry?”
“Hindi ako
magsosorry dahil wala akong kasalanan. Bitawan mo nga ako.” Pagmamatigas niya
Parang
gusto na siyang batukan nito sa inis. Hindi talaga siya aamin kahit makita pa
ang footprint niya sa lata.
“Then pay
up. Pagkatapos noon I’ll call it quits.” Sabi na lang nito.
“Mangarap
ka mister. Now let go of me.” Pagmamatigas niya.
“What if
i dont want to?” hamon nito.
Tiningnan
niya ito ng masama at pagkatapos ay biglang isang ideya ang naisip niya. Bigla
siyang nagsisisigaw “Saklolo!! Saklolo!!” sinamahan pa niya oyon ng konting
drama para magmukha talaga siyang biktima.
Nabigla
ito sa ginawa niya kaya nabitiwan siya nito. Napansin naman niya ang pagkalito
nito kaya pinalo niya ito ng bag at
pagkatapos ay tumakbo siya ng pagkabilis-bilis hanggang sa mawala siya sa
paningin nito.
“Hoy!!
Hahabulin sana uli ito ni Derek pero dahil masakit pa ang katawan niya at ulo
hindi na niya ito naabutan. Napilitan na lang siyang bumalik sa motor niya.
Kinakapa ang napalong ulo. Nagsisisising hinubad pa niya ang helmet.
“Lagot sa akin yung babaeng iyon pag nakita ko
uli siya. Ang malas ko talaga” Kinapa niya uli ang ulo na tinamaan ng bag.
Nabukulan pa siya nito. “May laman yatang bato ang bag ng babaeng
yon” Pero kahit may bukol na siya at masakit ang katawan he still decided
na puntahan ang pinsan. Importante ang dahilan ng pagdalaw niya hindi na siya
puwedeng magsayang pa ng oras.
Kahit
break time nasa opisina pa rin ang pinsang si Jon at natatrabaho. Workaholic na
talaga ito noon pa man pero kahit pasaway siya at seryoso ito magkasundo silang
dalawa dahil siguro sabay silang lumaki.
“Anong
nangyari sayo? Para kang sumugod sa sandstorm at bukol ba yang nakikita ko sa
ulo mo? Tanong nito pagkapasok pa lang niya.
“Yeah, some
crazy girl hit me with her bag pagkatapos niya akong muntikang patayin.”
Natawa
ito. “Ex girlfriend mo ba yon?”
“I don’t
even know her.” Sagot niya dito sabay upo.
“Karma
hitting you on the face? Baka representasyon yan ng mga babaeng pinaiyak mo
noon.” Seryosong biro nito.
“I
committed tons of mistakes pero wala akong naagrabyadong babae. That girl is bad news. But let’s just forget about her.
Nakuha mo na ba yung info na hinihingi ko?”
“Yup I
got the information you want. Patricia
Romero 19 years old. 2nd year
irregular college student.
Medyo
nagtaka siya doon. He’s expecting na graduating student na si Patricia. “Anong
nangyari? Huminto ba siya?”
“Well
hindi but she changed course three times and she failed almost all her major
subjects. Ngayon she’s taking communication arts. Pero sa tinatakbo ng mga
bagay-bagay I think she’s doomed to fail again. Nangangalahati pa lang ang sem
at may dalawang absent na siya sa Algebra na dalawang beses na rin niyang
binagsak.” Kuwento nito.
Inabot na
nito sa kanya ang files ng nasabing estudyante. Tiningnan niya muna ang
transcript nito. Umuulan nga yon ng pasang awa at bagsak. May incomplete pa
itong subject and then he looks at her picture na medyo may kalabuan. Mahaba
ang buhok nito sa larawan, ilang taon na rin yata ang nakakaraan ng huling kinunan.
“Dapat
talaga matagal na siyang wala sa scholarship program pero dahil nga sayo
binigyan namin siya ng sobrang konsiderasyon.” Pagpapatuloy nito.
“Salamat
pinsan.” Tiningnan niya uli ang picture nito. “Wait Meron ka bang mas recent na
photo niya. Yung malinaw.” Hinarap nito sa kanya ang monitor. At napasimangot
siya sa nakita.
“Bakit?
May problema ba?” tanong nito.
“Yan yung babaeng nagbigay sa akin ng bukol
kanina lang.” hindi niya makapaniwalng turan. Ang layo na ng itsura nito sa
iniisip niya.
“Nice. Atleast
nagkakilala na kayo sa wakas.”
“And she’s
anything but nice. Tinakasan lang niya ako.”
“Hindi
lang ikaw ang tinakasan niya. She’s supposed to be in class. But luckily for
her, absent ang professor nila. And I need to find a substitute.”
“Matagal
na ba siyang ganito? Tanong niya sa pinsan. “Her father told me na napakatalino
niya at sobrang bait. Infact first honor siya dati sa klase niya.” nakatingin
pa rin siya sa larawan nito. She looks innocent sa picture. Pero yung nakita
niya kanina hindi nga niya naisip na estudyante ito. She’s wearing skinny jeans,
black boots at white sando na pinatungan lang nito ng knitted blouse na butas-butas. Maiksi rin ang
buhok nito at puro butas ang tenga. She’s also wearing tons of make-up.
Pulang-pula nga ang labi nito kanina. Kung makakasalubong niya ito ng gabi
mapagkakamalan niya itong nagbebenta ng aliw. Malayong-malayo sa picture nito na nakita niya
dati.
“Well Lahat ng bagay at tao nagbabago. She chose
her own path. Wala ka ng magagawa pa doon. Hindi mo na siya obligasyon. She’s
old enough.”
“But I
promised her dad.”
“So ano
ang gusto mong gawin? I mean you’re already shouldering her education. Nagbigay
ka rin ng pera sa pamilya niya bago ka umalis papuntang Amerika. Wala ka nang
obligasyon sa kanya.”
“This
isn’t just about money Insan. Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niya.”
“Then
what do you want to do?” seryosong tanong nito.
“I don’t
know pero sinabi mong absent yung professor nila di ba? And you need a
substitute?”
“Yeah.”
“Then
hindi mo na kailangang maghanap. Ako na ang papalit.” Seryosong sabi niya dito.
“Sigurado
ka ba sa gusto mo?” gulat na tanong nito.
“Estudyante
siya dito so mas mababantayan ko siya kung nandito rin ako.”
“Don’t
you think that’s going too far? Medyo nag-aalalang tanong nito.
“Have you
seen her? She’s on her rebellious stage she needs guidance.”
“That’s
not your job. Trabaho yon ng magulang niya.”
“Exactly
at ako ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya kay responsibilidad ko na tulungan
siya.”
“Fine
since you’re so determined at kailangan ko talaga ng subtitute professor I guess
you’re hired. Padala mo na lang mga credentials mo pero please dont cause any
trouble.” Babala nito.
“Don’t worry I’m a changed man.”
“I know
pero don’t underestimate ang katigasan ng ulo ng mga kabataan ngayon. And you will
need to start tomorrow. Kakayanin mo ba?” nagtatanong na hamon nito.
“I’ll be
here tomorrow. Sige may pupuntahan pa ako. ” paalam niya dito
“Saan ka na
naman pupunta? Hindi ba dapat dumaan ka sa ospital at ipatingin mo ang bukol
mo.”
“I’m
fine. I’m going to visit an old friend.” Pagkatapos ay tumayo na siya para
umalis.
Nang
mapansin ni Trixie na hindi na siya hinahabol nung lalaking biker ay binagalan
na niya ang pagtakbo. Medyo sumakit ang paa niya dahil may kataasan ang takong
ng boots niya.
“Kakainis
talaga.” Umupo muna siya para magpahinga. Malayo layo rin pala ang natakbo niya
dahil sa takot niyang maabutan nung lalaki. Balak pa siyang singilin eh wala na
nga siyang pera.
Kinuha
niya ang cellphone sa bag. Buti na lang at hindi nasira ang luma niyang
cellphone na tumama yata sa ulo nung biker kanina ng pinalo niya ito ng bag. “Buti
nga sa kanya akala niya masisindak niya ako.”
Nagtry
siyang magtext sa mga kaibigan pero wala na pala siyang load. Tumingin siya sa
paligid at napansin naman niya ang isang tindahan. “Ale meron po ba kayong
paload sa smart.” Tanong niya sa nagbabantay na tindera.
Kinuha
niya ang wallet para kumuha ng buong bente. Pero nang buksan niya ang pitaka at
makita ang isang lumang larawan na kasama ang ama ay hindi niya mapigilang
mapabuntunghininga. Kinuha niya ang pera pagkatapos ay binalik ang wallet at
cellphone sa bag.
“Miss ano
po ba yung number nyo?” Tanong ng tindera.
“Huwag na
lang po. Pagbilhan nyo na lang po ako ng posporo at tsaka dalawang kandila.” Pagkatapos
niyang makuha ang binili pumara siya ng isang tricycle. “Mama, sa sementeryo
po.” Isang importanteng tao ang kailangan niyang dalawin.
Kahit
malapit nang mananghali ng makarating siya sa sementeryo ay makulimlim pa rin ang
paligid. Nakikiisa sa nararamdaman niya ng mga oras na yon ang langit. Wala
siyang taong nadatnan, kahapon pa dumalaw ang nanay at kapatid niya sa puntod.
Ayaw niyang sumama kaya nagdahilan siyang masama ang pakiramdam. Pero ngayon hindi pa rin niya kayang matiis
na hindi puntahan ang puntod ng ama.
May mga
bulaklak at kandila na nakapatong sa nitso na malamang ay galing sa kanyang ina
na si Aling Dolor. Sinindihan na niya ang kandilang dala at nag-alay ng
panalangin. At katulad ng lagi niyang
ginagawa kinausap niya ito.
“Dad kumusta
na. Ang tagal na rin pala.” Pinilit niyang ngumiti. “Dadalhan sana kita ng
paborito mong prutas na tsiko kaya lang kulang na ang allowance ko. Bumili kasi
ako ng bagong boots. Suot ko nga ngayon
ang sakit nga lang sa paa.” Itinaas pa niya ang paa para ipakita dito ang suot.
“Okay lang si mommy masaya naman sila ng asawa niya at anak. Kung ako naman ang
tatanungin ninyo ito p-pinipilit mabuhay kahit feeling ko...” Huminto siya sa pagsasalita dahil parang may
bumara sa kanyang lalamunan. At hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Ilang taon na pero hindi pa rin nabawasan ang
sakit.
“Mom bakit parang ang tagal yata ni Dad umuwi?” tanong
niya sa ina na nagluluto na nang hapunan.
“Baka may operation lang yon. I’m sure darating
yon bago magdinner.” Sagot nito.
Nagpatuloy siyang naghintay habang nanonood ng
anime sa sala And then she heard the doorbell kaya excited siyang binuksan ang
pinto. Pero hindi ang ama niya ang bumungad. Isa sa kasamahan nito sa trabaho ang
nakita niya si Agent Nilo na isa sa mga kaibigan ng Dad niya. He looked uneasy
halatang may dalang hindi magandang balita. Nakatingin lang siya dito.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita din ito “Trixie
nandiyan ba ang mama mo?” tanong nito sa kanya.
Tumango lang siya pagkatapos ay tinawag ang ina.
“ Mom may bisita.” Pinapasok na rin niya ito. Umalis muna siya para hindi niya
marinig ang usapan ng matatanda. But then just after a few minutes sa kuwarto
niya narinig niya ang mommy niya na sumigaw. Napasugod siya and there she was
sobbing uncontrollably.
Lumapit siya dito. “M-mom anong problema?”
kinakabahan na siya.
Niyakap siya nito. “T-trixie wala na ang daddy
mo.” Lalong lumakas ang pag-iyak nito.
She just stood there shocked. Tumingin siya kay
Agent Nilo na nagdala ng masamang balita. Hindi ito kaaktingin ng diretso sa
kanya. Pagkatapos noon ay tumingin siya sa may pinto. Humiwalay siya sa ina at
lumabas siya ng bahay.
“Dad?! Dad!?” Tumakbo siya palabas hanggang sa
may gate habang tinatawag ang ama. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina niya.
Her dad is just playing tricks with her. Imposibleng wala na ang daddy niya. He
is superman, he’s invincible, he can’t be dead. “Dad?!” she yelled again and
again. Naubos na ang boses niya pero walang sagot. And that’s when it dawned
on her, never again will he be coming home for dinner.Hindi niya alam kung
gaano siyang katagal nakatayo sa gitna ng kalye at umiiyak.
The cold
wind interrupted her reverie. May kasama pang ambon yon. Dahil manipis ang suot
hindi niya matiis ang lamig. She dried her tears and say another prayer para
magpaalam dito. Hinawakan pa niya ang lapida nito.
Sa may di
kalayuan tahimik lamang na nakatingin si Derek.
Nauna lang ng konti si Trixie sa puntod kaya ng makita niya ito hindi na
muna siya tumuloy. Pinapanood niya ito habang kinakausap nito ang ama.
Batang-bata pa ito ng huli niyang makita six years ago at sa picture lang
yon.
Hindi
siya nakapunta sa libing ng ama nito dahil nasa ospital siya ng mga panahon na
yon dahil sa tinamong sugat at trauma. Wala rin naman siyang mukhang ihaharap
sa pamilya nito. Hindi rin siya
nakapunta sa sementeryo dahil mabilis siyang pinadala ng ama sa Amerika para
mailayo siya sa gulo ng mga panahong iyon. Mula sa amerika pinaasikaso na lang niya lahat
sa abogado ang tungkol sa pamilya ni NBI agent Marcus Romero ang ama ni Trixie.
Hindi siya nagpakilala sa mga ito.
Kanina
lang ang kauna-unahan nilang pagkikita nila and unfortunately its not even in
the best circumstance. Pero paano nga ba siya dapat magpapakilala dito? Its
obvious na masakit pa rin dito ang pagpanaw ng ama kahit anim na taon pa ang
dumaan. Iniiyakan pa rin nito ang puntod.
Sabagay
ganoon din naman siya. After six years ganoon pa rin ang nararamdaman niya. The
help he provided her family didn’t ease his pain nor did it lessen the guilt. At
ngayong nakikita niya ito lalong tumindi ang pagkabagabag ng kalooban niya.
Gusto niya itong lapitan pero hindi niya magawa. Ni hindi niya alam kung ano
ang dapat sabihin dito.
Nagpasya
na lamang siyang hintayin itong makaalis bago siya lumapit sa puntod. Parang
lalong bumigat ang pakiramdam niya ng makita niya ang himlayan ng taong
nagligtas sa buhay niya. He didn’t say anything. Nakatingin lang siya sa lapida
nito at sa maiksing note na iniwan ni Trixie. Kinuha niya ang note pagkatapos
niyang ilapag ang bulaklak na binili niya.
The note
read “I missed you Dad.” bumuntunghininga siya ng malalim, para kasing tumarak
sa puso niya ang sakit na nararamdaman nito. Pero hindi lang sakit ang
nararamdaman niya kundi matinding guilt na anim na taon na niyang dinadala sa
dibdib. Buhay nito ang kapalit para lang mabuhay siya. Hindi yon tama dahil wala
naman siyang magandang nagawa para ibigay nito ang buhay para sa kanya. Minsan
hindi niya alam kung dapat ba siyang maging grateful o magalit dahil mas
binigyan pa siya nito ng halaga kesa sa sarili nitong buhay. Patapon ang buhay
niya noon hindi karapat dapat na iligtas o kahit pahalagahan.
No comments:
Post a Comment