Saturday, April 6, 2013

April Post (dahil wala lang maisip na title)

Sa wakas nakabalik na rin ako sa blogging world. Kahapon eh hindi ako makapasok at hinihingan ako ng captcha. Hindi ko alam kung error siya o nainvade na talaga ang system ko ng malware. Nagkasakit din ako kahapon dahil sa sobrang init. Pero kunting tulog, paracetamol at maraming inom ng tubig eh maayos na uli ang pakiramdam ko.

Dapat ey magbablog ako tungkol sa holy week pero dahil inatake ako ng katamaran eh hindi ko nagawa. so ito super duper late na naman ang magiging entry ko. I've mentioned before na nagpakasal na pareho ang mga kapatid ko. Kaya ako na lang ang natitirang single sa amin. Akala ko pa naman eh makakaligtas na ako sa tanong ng madlang people regarding my non-existent lovelife pero mali pala. Lalo lang dumami ang curious cat. Sa totoo lang sawang-sawa na ako sa tanong na kailan ka ba mag-aasawa Romzz? I mean Hello ako nga hindi ko na tinatanong yan sa sarili ko. Sawang-sawa na ako sa pressure na yan. Hindi naman sila magpapalamon sa akin kapag napilitan akong pumatol sa isang bum dahil lang sa natatakot akong maging matandang dalaga. Problemahin nyo ang buhay nyo at ako nang bahalang mamroblema sa egg cell at lovelife ko.

Nanganak na ang asawa ng aking kapatid kaya opisyal na tita na ako. Unang Apo kaya excited din ang mother ko. Kulang sa buwan pero hindi na kailangang ma-incubator dahil okay naman daw ang timbang. Buti naman. Infairview sa kapatid ko talagang doting father lang ang peg. Pumupunta sa ospital three times a day para sa vaccination ng sanggol. Naglaba, naglinis ng bahay at sa wakas dahil wala siyang choice sa init ng panahon nag-install ng aircon. Cute yung sanggol may dimple at matangos din ang ilong. Mana sa ina.

Dumalaw din ako sa Lola ko last Black Saturday. Habang nagkukuwentuhan kami may sinabi siya sa akin na isang paraan para malaman kung susuwertihin ako sa lalaking mapapangasawa ko. Ang sikreto ay ang dami ng letra sa pangalan. Kapag pinagsama ang dami ng letra ng pangalan kailangang 13 ang lumabas. halimbawa kung Anna ang pangalan mo kailangan maghanap ka ng lalaki na ang pangalan ay binubuo ng siyam na letra. Example ng nine letter name eh Juan Paulo. kapag nagkatagpo si Anna at si Juan Paulo at naging mag-asawa magiging suwerte ang buhay nila.

kapag binilang mo ang thirteen gamit ang daliri mo you'll end up sa middle finger so yun ang tugatog ng kasuwertehan. Okay lang kung 12 or 14 ang makuha kumbaga hindi suwerte pero di naman malas. kapag hinliliit o hinlalaki yun yung 11 or 15 ibig sabihin nun kamalasan ang aabutin nyo bilang mag-asawa o magjowa.

Wala lang naisuggest lang kasi ng Lola ko na gawin ko raw itong basehan ng isang romantic plot sa mga sinusulat kung story sa PHR. Why not?


Gusto ko sanang manood ng Sarah-JL movie pero ang daming tao kaya maghihintay nalang ako kung kailan wala nang pila bago manood o di kaya maghihintay na lang ako ng DVD copy. Yung unang dalawa naman eh napanood ko lang habang nasa bus ako.  

So bago pa man ako i-block uli ng blogger sa pagpasok sa sarili kung blog. Babatiin ko na lahat ng bagong Graduate kasama na dun an aking Mother dear na natapos na ang kanyang masteral sa guidance Counseling.  

Tapos na ito.



    

4 comments:

  1. congrats sa pagiging tita. ayos lang maging single. mag madre ka na lang. yihiii..

    try mo yang payo ni lola baka umepek.

    ReplyDelete
    Replies
    1. walking distance pa naman mula sa bahay namin ang kumbento. Ang problema di ako puwedeng madre masyado akong green minded. magiging BI lang ako dun.

      Delete
  2. naku ang haba ng name ko so does it mean I am destined to be single for life? more than 13 na name ko pa lang eh...tsk... wow congrats so kapatid at sa mom mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pagkatapos kung pag-aralan ang turo ni lola hindi lang 13 ang magic number. Puwede rin ang 18 basta kpag binilang sa daliri laging sa middle finger ang huling bagsak. so ang ibig sabihin mga numbers na nagtatapos sa 3 at 8 ang suwerte. At dahil nahilig ako sa numerology nung araw, ang alam ko sa China considered na lucky number ang 8 for wealth. At ang 3 naman eh suwerte din dahil sa trinity, triangle at associated din siya sa birth.

      Delete