Dahil mahilig ako sa tsismis tiba-tiba ako ngayong taon na ito. Ang daming issue sa showbiz at hindi lang basta issue mala teleserye ang dating. May nagsampa ng kaso, may sagutan, may backstory at siyempre palaban ang mga sangkot. Ang medyo nakakalungkot nga lang magkakapamilya ang mga nag-aaway.
I guess alam na ng lahat ang tungkol sa Kris Aquino at James Yap issue. Ang latest dyan eh nagbirthday si Bimby at si James Yap ay nagpost ng picture sa instagram. Maraming naiyak at naawa kay James. Wala pa akong ideya tungkol sa PPO na naifile ni kris basta ang alam ko eh magkakaroon ng hearing. Ang masasabi ko lang sa issue na ito siyempre Team James ako. Bias ako dahil mahilig ako sa matatangkad na lalaki na mahilig magshoot ng bola. At tsaka pakiramdam ko pagsasayang lang ng oras yung PPO na yan. Puwedeng pag-usapan sa bahay ang problema at kung ayaw talaga eh di pambarangay. Ang daming mas importanteng kaso na dapat inaasikaso ng korte. Kaya nasasabihan ng OA si Kris eh.
Ang sumunod na issue eh yung you and me against the Ongpauco's love story ni Heart at Chiz. Pang teleserye talaga ang drama nito. Nung una masaya pa sila Heart and Chiz. Nagkakilala sa wedding vow ni Sen. Miriam. Oh di ba si Miriam pa ang kanilang kupido. Tapos nakita na silang nagdedate at pagkatapos ang big announcement ni Chiz sa KrisTV na yes kami na ni Heart. Kaya nagulat ang mga tsismosa sa Pilipinas ng magpapresscon ang mommy ni heart at sinabi na naman ang kanyang paboritong linya na Stay away from my daughter na sinabi rin niya kay Marian Rivera sa airport na may kasamang mga bodyguards na malamang ay nasabi na rin niya sa mga naging ex ni Heart.Yung pinakalatest si heart at chiz pa rin. At ang masasabi ko sa isyu... wapakels. Bahala sila sa mga buhay nila. Masaya akong hindi ko sila kapamilya.
At ang pinakalatest at mainit na issue na pinagkakaguluhan ng mga mahilig sa showbiz news eh ang awayan ng mga Barettos. Sa mga huli sa balita. Nagsimula ang issue ng magpost si Greta sa kanyang instagram account. Dito ay may pinaringgan siyang isang basher daw ng kanyang pamangkin na si Julia. Singit din naman si Marjorie na nagkampihan laban sa basher. Dito lumabas ang Yuck, eeew, kadiri, evil ways, happy place na Medical city at teleserye princess. kahit sinong may utak alam na si claudine ang pinatatamaan. To the rescue ang mother nila kay claudine and called Greta a LIAR. siyempre may madramang closing statement na I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been there for all.
To the rescue din naman yung panganay na kapatid kay Gretchen. At isiniwalat na may mental health issue si Claudine at inaatake daw nito si Gretchen. Nauuso yang sakit sa utak na yan. May kasama pang melodrama about gretchen working at a young age to feed their family.
Akala ko dun na matatapos yun pero nagpadala naman ng sulat si Gia yung panglimang kapatid at pinagtanggol naman si Claudine at tinira naman si gretchen. at ang kanyang message kay gretchen "Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please." O di ba drama kung drama.
Ginawa nga pala ng pamilya na ito na MMK ang mga tao sa Pinas dahil through letters ang kanilang sagutan. Kay Ricky Lo nila pinapadala yung sulat na official "Ate Charo" ng mga showbiz personality na may gustong maireveal sa madla.
So ano ang hatol ko sa isyung ito?? Dahil uber fan ako ni Claudine at hinihintay ko ang kanyang pagbabalik eh obvious na Team Claudine ako. Wala akong pakialam kung tinadyakan niya noon si Tulfo sa airport. Asar din naman ako sa matandang yon. Ginagamit ang pagiging member ng press para mambully okay lang sana kung mga politiko lang ang tinitira niya eh pati karaniwang tao tinatalo.
Ang mga pamilyang ito hindi ko magets Mayayaman naman sila, magaganda, puro sikat pero halata namang mga problemado. At ang mas malaking problema parang sila mismo ang gumagawa ng sarili nilang multo. O diba sawsawera lang ako. Mabuti na lang at hindi pamilya ko ang pinag-uusapan ng buong Pilipinas. Maybe they are doing this on purpose para sabihing money, fame and beauty aint all that. Mga tao din kami hindi perpekto at mas madalas pa eh mas malakas pa ang saltik sa inyo.
Well lahat naman ng pamilya may issue. Atleast habang umiiyak sila sa kanilang kuwarto eh naka aircon sila samantalang karamihan sa atin electricfan lang. Kapag gustung mapag-isa mag-aabroad o out of town, tayo hanggang mall na lang. Kapag depress at may food craving puno ang ref nila samantalang tayo puro malamig na tubig lang ang nakikita sa ref.
So do i feel sorry for them? Not really kaya nga ginagawa ko na lang ang away na ito as a source of entertainment. Naibablog ko pa. Sige mag-away pa kayo.
nothing beats the Barettos pa rin pagdating sa attention... as in kaladkarin ang pangalan ng buong angkan sa kahihiyan..
ReplyDeleteLols
and they dont know how to shut up. hanggang ngayon may sagutan pa rin.
DeleteHahaha, natawa ako sa post mo, very entertaining!:D
ReplyDeletesalamat, one of the time na may pakinabang ang pagiging tsismosa ko.
Delete