Tuesday, June 26, 2012

Pangatlong Nobela






Pangalawa to sa nagawa ko pero pangatlo sa narelease. Available na ito sa precious store at kung nakatira kayo sa QC malamang nasa NBS na rin ito. Lagi kasi akong nasasabihan na hindi pa nga raw available sa ibang NBS branches yung libro. Hintay-hintay lang.Available din siya online.


By Maria Rome

Kahit pansamantala lang ang pag-ibig nito sa kanya ay makikipagsapalaran na siya.

Ang gusto lamang ni Beatriz ay ang mapansin siya ni Aaron, ang kanilang school librarian, kaya nagawa niyang bumili ng gayuma at binalak gamitin iyon dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkakamaling nagawa. Imbes kasi na si Aaron ay iba ang nakainom niyon—si Sid, ang rakistang numero unong kinaiinisan niya.
Dahil sa bisa ng gayuma kaya walang ligoy na nagpahayag ito ng pag-ibig sa pamamagitan ng kanta. Kahit pinigilan niya ang kanyang sarili ay nahulog pa rin ang loob niya rito. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang lahat sa kabila ng pagkakamali niya. Ngunit nagkamali siya. Nang hulog na hulog na siya rito ay saka naman niya nalaman na hindi naman pala totoo ang gayuma. Niloloko lang pala siya ni Sid.

1 comment:

  1. wow ang galing mo naman!..
    pinangarap ko rin dati magsulat ng pocketbook dahil nahilig ako magbasa nito nung highschool ako kaso wala kong talent sa pagsusulat eh..hehehe

    ReplyDelete