Tuesday, May 3, 2011

News Round-up

Naghybernate lang ako ng ilang araw eh sangkatutak na balita agad ang sumambulat sa akin. Akala ko talaga kasal lang ni prince william at Princess kate ang headline ngayong Linggo bukod syempre sa mga Mad Hatter na mga dugong bughaw pero tinalo agad yon ni Osama Bin laden. masaya na ring wala na siya at least nabigyan na ng justice yung mga namatay sa mga terror acts na pinamunuan nya. Siyempre nandyan na naman ang mga conspiracy theories dahil nga naman walang nakakita nung bangkay unlike kay sadam na televised ang pagbigti.
Infairness sa lahat ng pic laging malinis ang Turban ano kaya sabong panlaba nya.




Isa rin sa mga balita na nakapukaw ng atensyon ko eh ang pagreresign ng Ombudsman, akala ko talaga makikipagmatigasan sya hanggang sa dulo ng impeachment trial. sorry na lang sa mga senador na malamang eh nakahanda na ang isusuot para sa trial. Nawala ang tsansa for grandstanding. I guess si Lacson na lang ngayon ang may media coverage iba talaga kapag kaalyado ng presidente ang senado, nagiging boring.
feeling ko galit lang talaga sila sa mga may nunal sa mukha



So balik sa Royal wedding, magiging uso kaya sa Pinas ang mga weirdong sumbrero at headpiece sa kasalan? Parang maganda siyang gawing pacontest. Pabonggahan at paweirduhan ng sumbrero para hindi na lang puro Anime cosplay.


Siguro pag dugong bughaw ka you can get away with wearing a ribbon tied in an ancient doorbell.. o kung ano man ang tawag dyan

2 comments:

  1. nataw rin ako dun sa hat ng princess na yan. parang ...ewan ko ba! pwede siyang xmas decor anu?

    ReplyDelete