Monday, May 16, 2011

Back in action

Buti naman at okay na uli ang Blogger at makakapag-update na uli ako. I already gave up facebook at in fairness dahil doon i have more time sa pagsusulat at panonood ng TV.

Dahil kulang ako sa inspiration eh nanood ako sa channel 7 ng Gangland ngayon ko lang napag-alaman maganda pala yung pelikula nayon. Medyo kulang sa redeeming value pero cool yung cinematography at sa mga tao na gusto ng madugong pelikula ito na yon.
Habang pinapanood ko sya it reminds me of Home Alone. Yup the super hit Christmas movie na pinagbidahan ni Mccauley Caulkin na hindi ko alam ang tamang spelling.  Hindi nga lang comedy ang tema nito at ang mga bad guys eh talagang papatay at hindi dalawang syungang magnanakaw at ang mga bata na target eh duguan at talagang running literally for their lives.

Parang gusto ko tuloy uling maghanap ng pinoy indie film na mapapanood lately kasi puro mainstream
lang ang napapanood ko. Sa mga mahilig magrekomenda bigay lang ng title at nang mapanood ko naman.

Medyo late na kapag may mapipiga pa ko sa utak ko tsaka na lang uli.

No comments:

Post a Comment