Monday, April 11, 2011

Lets Talk about Money and Attitude

Maraming cliche pagdating sa pera like love of money is the root of all evil or money can't buy you happiness. May katotohanan naman yung dalawang kasabihan na yan. Happiness brought by money is as strong as a chain made of paper (papel de hapon pa kamo).

Pero isa sa mga lagi kong naririnig na sinasabi ng marami eh nakakapagpabago daw ito ng tao. "Mayabang ka na kasi rich ka na or the Porke may pera ka na nagbago ka na." I beg to disagree sa ganitong paniniwala. Kaya kang baguhin ng pera dhil sa make-up or retoke pero skin deep lang yon. Kung mabait ka nung poor ka hindi puwede na bigla ka na lang maging demonyito kapag naging mayaman ka. Kung nangyari man yon sa kakilala mo he/she is probably just pretending to be nice before at nung magkapera na realized that there's no longer the need to pretend. Lobo na nagbabalatkayong tupa. O maaaring ikaw ang nagbago sa pakikitungo sa kanya dahil naintimidate ka ng pera.

Hindi rin mangyayari na kung masama kang tao eh bigla ka nang babait kapag rich ka na. Katulad na lang ng mga magnanakaw sa gobyerno. Kahit bigyan mo sila ng 5 million magnanakaw pa rin yan pag nabigyan ng pagkakataon. No amount of money can satisfy greed.

Ang madamot ay madamot may pera man o wala.
Ang mayabang eh mayabang piso man o isang milyon ang ipon.

Mas nakikita lang ang yabang dahil sa laki ng perang ginagastos pero ganun pa rin ang level. Mas nakikita lang ang pagiging mapagbigay dahil mas malaki ang halaga na kaya nilang ipagkaloob pero ganoon pa rin yon. Kung mayroon kang isang libo and you give 1/4 of what you have sa charity mas cool ka parin doon sa isang milyonaryo na nagbigay ng isang libo. Kung mananalo ka sa lotto mas lalaki ang perang kaya mong ibigay but hindi ibig sabihin na naging mas mapagbigay ka. The money just show more of who you really are. Walang nagbago yumaman ka lang.



Money is more like a mirror o kaya magnifying glass. It doesn't change you it just reflects more of who you really are.

3 comments:

  1. "why's everybody so obsessed? Money can't buy you happiness!"

    ReplyDelete
  2. Nice article. Tama ka nga, nasa tao rin naman kung mabait o masama, mayaman man o mahirap. Ito ang aking natutunan sa buhay: mayroong mga hindi mayayaman (may kaya lang) ang mga matapobre at malait sa mga tao; may mga SOBRANG yaman naman na hindi matapobre at saksakan ng bait. Napansin ko kasi, since the former group is not that rich, maybe they had experienced being belittled and ridiculed by peers, once na nagkapera sila ng konti, pipilitn nila talagang magmukang sosyal para hindi na "maliitin" ng iba. In other words, mas insecure sila at mas conscious on how they "appear" to others dahil ndi naman talaga sila mayaman at gus2 lang nila magpakitang tao. The 2nd group, on the other hand, ay hindi pa naeexperience na maliitin ng iba dahil lahat ng tao ay alam na mayaman sila and they have no guts to mess with them. Since never sila maging "api-api", tendency ay ndi cla matapobre at hindi ganun ka brand conscious compared sa 1st group. Sobrang yaman na nila and they don't have to prove anything.

    ReplyDelete
  3. "No amount of money can satisfy greed. "
    -i agree!!

    ReplyDelete