Bukod sa Barretto Feud inaabangan din ng tao ang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ng Kapamilya Network. Naikumpara pa nga ang show na yan sa away ng mga Barretto. Ang storya ng teleserye na ito ay umiikot sa away ng magkapatid na hindi matapos-tapos kahit ilang dekada na ang lumipas.
Kahit pamilyar ako at napanood ko ang ilang episodes ng show na ito sa totoo lang I HATE this teleserye. Tuwing nakikita ko siyang kinocommerical tumataas ang kilay ko. Pinapanood din ito ng nanay ko dati pero kahit siya nabuwisit na rin. Nakakataas lang ng stress level ang show na ito. Una wala ka namang character na gugustuhin dito. Yung Celine candidate yata sa miss bland 2013 o baka dahil hindi lang talaga marunong umarte si Kim Chui. Yung Margaux naman parang war freak lang at paranoid. Pakiramdam niya lahat na lang inagaw sa kanya at aping-api siya. Tapos yung character nina Janice at Cherry Pie older at chubbier version lang nina Margaux at Celine.
At yung mga gabi ng rebelasyon ay ito lang ang naconclude ko.
At siyempre hindi matatapos ang isang episode ng IKA ng wala ito.
Miss ko na ang sitcom sa TV. Dati araw-araw meron ngayon once a week na lang corny pa. Magcacandy crush na lang ako.
Tuesday, April 30, 2013
Saturday, April 27, 2013
Family feud
Dahil mahilig ako sa tsismis tiba-tiba ako ngayong taon na ito. Ang daming issue sa showbiz at hindi lang basta issue mala teleserye ang dating. May nagsampa ng kaso, may sagutan, may backstory at siyempre palaban ang mga sangkot. Ang medyo nakakalungkot nga lang magkakapamilya ang mga nag-aaway.
I guess alam na ng lahat ang tungkol sa Kris Aquino at James Yap issue. Ang latest dyan eh nagbirthday si Bimby at si James Yap ay nagpost ng picture sa instagram. Maraming naiyak at naawa kay James. Wala pa akong ideya tungkol sa PPO na naifile ni kris basta ang alam ko eh magkakaroon ng hearing. Ang masasabi ko lang sa issue na ito siyempre Team James ako. Bias ako dahil mahilig ako sa matatangkad na lalaki na mahilig magshoot ng bola. At tsaka pakiramdam ko pagsasayang lang ng oras yung PPO na yan. Puwedeng pag-usapan sa bahay ang problema at kung ayaw talaga eh di pambarangay. Ang daming mas importanteng kaso na dapat inaasikaso ng korte. Kaya nasasabihan ng OA si Kris eh.
Ang sumunod na issue eh yung you and me against the Ongpauco's love story ni Heart at Chiz. Pang teleserye talaga ang drama nito. Nung una masaya pa sila Heart and Chiz. Nagkakilala sa wedding vow ni Sen. Miriam. Oh di ba si Miriam pa ang kanilang kupido. Tapos nakita na silang nagdedate at pagkatapos ang big announcement ni Chiz sa KrisTV na yes kami na ni Heart. Kaya nagulat ang mga tsismosa sa Pilipinas ng magpapresscon ang mommy ni heart at sinabi na naman ang kanyang paboritong linya na Stay away from my daughter na sinabi rin niya kay Marian Rivera sa airport na may kasamang mga bodyguards na malamang ay nasabi na rin niya sa mga naging ex ni Heart.Yung pinakalatest si heart at chiz pa rin. At ang masasabi ko sa isyu... wapakels. Bahala sila sa mga buhay nila. Masaya akong hindi ko sila kapamilya.
At ang pinakalatest at mainit na issue na pinagkakaguluhan ng mga mahilig sa showbiz news eh ang awayan ng mga Barettos. Sa mga huli sa balita. Nagsimula ang issue ng magpost si Greta sa kanyang instagram account. Dito ay may pinaringgan siyang isang basher daw ng kanyang pamangkin na si Julia. Singit din naman si Marjorie na nagkampihan laban sa basher. Dito lumabas ang Yuck, eeew, kadiri, evil ways, happy place na Medical city at teleserye princess. kahit sinong may utak alam na si claudine ang pinatatamaan. To the rescue ang mother nila kay claudine and called Greta a LIAR. siyempre may madramang closing statement na I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been there for all.
To the rescue din naman yung panganay na kapatid kay Gretchen. At isiniwalat na may mental health issue si Claudine at inaatake daw nito si Gretchen. Nauuso yang sakit sa utak na yan. May kasama pang melodrama about gretchen working at a young age to feed their family.
Akala ko dun na matatapos yun pero nagpadala naman ng sulat si Gia yung panglimang kapatid at pinagtanggol naman si Claudine at tinira naman si gretchen. at ang kanyang message kay gretchen "Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please." O di ba drama kung drama.
Ginawa nga pala ng pamilya na ito na MMK ang mga tao sa Pinas dahil through letters ang kanilang sagutan. Kay Ricky Lo nila pinapadala yung sulat na official "Ate Charo" ng mga showbiz personality na may gustong maireveal sa madla.
So ano ang hatol ko sa isyung ito?? Dahil uber fan ako ni Claudine at hinihintay ko ang kanyang pagbabalik eh obvious na Team Claudine ako. Wala akong pakialam kung tinadyakan niya noon si Tulfo sa airport. Asar din naman ako sa matandang yon. Ginagamit ang pagiging member ng press para mambully okay lang sana kung mga politiko lang ang tinitira niya eh pati karaniwang tao tinatalo.
Ang mga pamilyang ito hindi ko magets Mayayaman naman sila, magaganda, puro sikat pero halata namang mga problemado. At ang mas malaking problema parang sila mismo ang gumagawa ng sarili nilang multo. O diba sawsawera lang ako. Mabuti na lang at hindi pamilya ko ang pinag-uusapan ng buong Pilipinas. Maybe they are doing this on purpose para sabihing money, fame and beauty aint all that. Mga tao din kami hindi perpekto at mas madalas pa eh mas malakas pa ang saltik sa inyo.
Well lahat naman ng pamilya may issue. Atleast habang umiiyak sila sa kanilang kuwarto eh naka aircon sila samantalang karamihan sa atin electricfan lang. Kapag gustung mapag-isa mag-aabroad o out of town, tayo hanggang mall na lang. Kapag depress at may food craving puno ang ref nila samantalang tayo puro malamig na tubig lang ang nakikita sa ref.
So do i feel sorry for them? Not really kaya nga ginagawa ko na lang ang away na ito as a source of entertainment. Naibablog ko pa. Sige mag-away pa kayo.

Monday, April 22, 2013
Election Post
Iniisip ko kung sino ang mga iboboto ko this coming election. Ang iksi ng listahan ko. Sigurado pa lang ako kay hagedorn at teddy casino. I'm not liking all those political dynasty at yung mga tumatakbo ng wala pa namang napatunayan.Kaya ayun nanood ako nung harapan a senatorial debate sa channel 2 para naman makapag-isip pa ako ng husto.
Maraming mga tinanong. Isa sa mga interesting question eh dun sa pagbaba ng age of discernment ng mga crime offenders. I was kind of disappointed kay hagedorn dahil pabor siya dun. Iboboto ko pa rin naman siya dahil mas qualified naman siya sa mga tumatakbo ngayon. Totoo na matatalino na ang mga bata ngayon. And with all those news na nagpapakita ng mga bata na nagnanakaw at nakakapatay, knee jerk reaction eh itapon ang mga yan sa kulungan. Okay lang sana kung maayos ang mga kulungan sa Pilipinas ang problema mas maayos pa yata ang doghouse namin kesa sa mga city jail. And do people honestly want to put in jail a 12 year old tapos ang makakasama niya eh isang 30 year old na kriminal?Okay lang sana kung kayang isegregate pero i doubt kung magagawa nila yun. Sa mga above 18 na offenders pa nga lang kulang na ang kulungan tapos magpapakulong pa ng mga menor de edad? Our society should focus more on rehabilitation rather than punishment. Madaling magparusa ang mahirap magbigay ng tamang gabay.
Isa ring issue na natalakay eh yng political dynasty. Lahat sila ayaw sa political dynasty. Pero nagretired na lang si Flavier na siyang nagpasa ng bill sa senate hindi pa rin naisasabatas ng maayos ang anti-political dynasty na yan. Kung hindi ba naman mga plastic.
Isa pang naitanong eh yung sa divorce. kung hindi ako nagkakamali dalawa lang yata ang pabor. Si Hagedorn at hindi ko na matandaan kung sino yung isa. Ako pabor sa divorce at pareho din kami ng dahilan ni Hagedorn. Why prolong the agony kung maghihiwalay din naman?
Tumaas naman ang kilay ko kay Mitos ang sabi niya gawin daw affordable ang anulment?? Ang tanong ko paano niya gagawin yon? Uutusan niya ang mga abogado na babaan ang kanilang professional fees? Yeah right. Pabilisin ang pagdinig ng kaso sa korte? isa ring malaking yeah right. Obsess din siya sa pagbibigay ng pondo. Kailangan daw bigyan ng mas malaking pondo ang health sector and educational sector. Ang ganda sana ang problema mukhang hindi naman niya alam kung saan kukuning kamay yung pondong ilalagay daw niya sa education at Health. Ang daling sabihin pero alam niyang hindi naman niya magagawa gayunpaman ipapangako pa rin niya. Gayahin mo nalang yung nakakatandang Magsaysay na imbis mangako ng mga kung anu-ano ay naglagay na lang ng picture ni Sir Chief sa dibdib niya. dati hindi pa ako sure kung iboboto ko si Jun Magsaysay pero dahil minention niya ang pangalan ng dalawang artistang pinakapaborito ko eh sa malamang kapag nagkataong nasa good mood ako eh iboto ko na rin siya. Infairness sa totoong magsaysay mahusay ang track record niya. yun nga lang matanda na rin siya.
And speaking of super senior citizen... Si Maceda naman gagawin daw libre ang tertiary education sa mga states colleges and university. Hindi pa ako pinapanganak nasa puwesto na yan pero ngayon lang niya naisip na gawin yon? Spell TRAPO.
Medyo gusto ko rin si Risa pero tuwing napapanood ko ang nakakainis niyang mga campaign ads na kasamang kumakanta ng wala sa tono si Pnoy o yung ginagamit niya yung violet na tila pambugaw ng insekto parang ayaw ko na syang iboto. Dapat may poll: alin ang mas nakakairita yung commercial ni grace poe o yung kay Risa??
At ang KAPATIRAN na akala ko nung una ay party list. Hindi na nga sila sikat mga boring pa. Hindi na ako magtataka kung mga kamag-anak lang nila ang boboto sa kanila. Alam ko na hindi sila katulad ni BAM aquino na malamang nasa grade one pa lang eh tinitrain nang tagapagmana ng political dynasty pero naman pinasok nyo yan atleast huwag masyadong magbuckle under pressure.
Sa kabuuan ang boring nung show. Kung hindi pa nila pinakita si Sir chief every time nagsasalita si jun Magsaysay baka pinatay ko na yung TV. Sana sa susunod maglagay sila ng konting intermission number. Pagsabungin nila uli si Erap at Lim baka mainspire pa ang mga senatorial candidate na medyo mas maging maanghang din sa kanilang pananalita. Hindi naman Debate ang ginawa nila. parang Q and A lang ng beauty pageant ang dating.
At oo nga pala ang kandidatong lagi kung nakakalimutan si Koko Pimentel. Sikat naman ang tatay niya pero hindi ko siya binoto nung nakaraang eleksyon. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya its just that he's easy to forget. Alam mo yung gagawa ka ng listahan tapos after mong makumpleto bigla mong maaalala ay naku si Koko wala pala siya sa listahan ko kaya lang nakumpleto ko na at ayaw ko nang magbura. better luck next time Koko. O naipasok mo na sa PICOS yung balota tsaka mo lang maaalala na hindi mo pa pala siya naiboboto. Feeling ko talaga hindi siya nadaya nung last election talagang nakalimutan lang siyang iboto ng mga tao. Siguro kailangan niya ng mas malaking eyebags.
Sa mga kandidatong guest sa Harapan pero di ko namention. Malas nyo naman dahil ibig sabihin kumbaga sa product eh hindi kayo top of mind. Huwag nang umasang mananalo at baka sumama lang ang loob.

Tuesday, April 16, 2013
Random post again
I have always believed na suwerte itong taon na ito. At so far hindi pa naman ako binibigo ni 2013. Nope hindi ako nanalo sa lotto. Marami lang talagang magandang nangyayari. Yung una nga eh may bagong baby sa pamilya then gumradweyt na sa kanyang masteral si mother at ngayong week naman na ito eh nagsilang ang sister ko ng healthy baby girl. Sa bahay lang siya nanganak. Tibay talaga ng kapatid kung yun kinaya ang normal delivery at siya pa ang tumawag sa amin para ipaalam na nanganak na siya. Mas kinabahan pa nga yata ako sa magiging kalagayan niya dahil malayo siya sa amin. Ganoon nga yata kapag nasanay na kaming magkakasama laging iniisip ang isa't-isa kapag nagkakahiwalay.
Sa totoo lang mega close kaming magkakapatid. Madalas din naman kaming mag-away at magkasagutan. Pero never naman kaming naglaglagan. Hindi naman kami pupunta sa twitter at facebook at maglalabas ng sama ng loob sa isa't-isa. We rather say it on each others face. Kaya siguro kahit magkasigawan kami kinabukasan eh okay na uli kami na parang walang nangyari. Ngayong pareho na silang may anak iba na ang magiging priority nila sa buhay. Ako naman ganun pa rin single and available.
Nakakalungkot rin in a way pero sa tingin ko sa umpisa lang yon. Si mother nga emotional nung kinasal yung mga kapatid ko. Feeling nawalan ng anak pero ngayon busy na Lola sa pag-aalaga ng apo. Walking distance lang kasi bahay ng kapatid kung lalaki mula sa amin. kaya ayun tuwing may lakad yung mag-asawa pupunta sa kanila si mother at aalagan ang kanyang apo with matching picture taking na inaapload ko naman sa kanyang facebook page.
Hindi ako masyadong mahilig sa bata pero these past few months i find them adorable. Lumalabas na yata ang aking mother's instinct. Pero mas lamang pa rin naman ang paniniwala kung sa ngayon im better off single. Im still finding myself at pakiramdam ko talaga hindi pa ako handa sa malakihang responsibilidad na ganyan. And honestly im kind of scared na mamana ng magiging anak ko ang pagiging Aspie ko.
Sa ngayon nakafocus ako sa romance writing (oh the irony). Sa awa ng aking musa hindi pa naman ako nawawalan ng ideya at nakakatanggap naman na ako ng mga positive feedback sa mga sinusulat kung romance novels. Excluded na doon ang mga kamag-anak ko. I think im now finding my unique style. Pagdating kasi sa pagsusulat i had lots of frustrations. Kumbaga sa daan never siyang naging straight path. Ang dami kung nilikuan, kaya ayan nagkaligaw-ligaw ako at sa bandang huli pakiramdam ko hindi ako nagkaroon ng progress dahil ang dami kung sinayang na oras.
Noon iniisip ko that it's too late to start over again dahil ang daming mas bata na mas magaling o mga kaedaran ko na because nagsusulat na sila ng matagal na panahon eh napag-iwanan na talaga ako hindi lang sa talent lalo na sa skills. Pero narealized ko naman na mabuti nang magsimula uli kesa naman magpatuloy sa dating landas na kahit alam ko namang may patutunguhan eh hindi pa rin naman makakapagbigay sa akin ng satisfaction.
Iba pa rin talaga kapag may istoryang naglalaro sa isipan mo araw-araw at alam mo na puwede mo siyang isulat and there are people who are willing to read it. Iba pa rin talaga kapag nakakatapos ka ng istorya. Kahit mahirap at pakiramdam mo eh ikaw na ang pinakawalang kuwentang writer sa buong mundo and that your story is below average to mediocre. kapag may pumasok na istorya sa utak mo hindi ka talaga matatahimik hangga't hindi mo siya naisusulat. At hindi ka makakahinga ng maluwag hangga't hindi mo siya natatapos. Katulad na lamang ng blog entry na ito na dapat ay tungkol sa kapatid kung nanganak at sa year 2013 pero ayun napunta na sa pagsusulat ko.
Pero mabalik tayo sa mga kapatid ko. Im really hoping na maging masaya ang kanilang married life. Sana pang romance pocketbook at hindi maging pang Maalaala Mo Kaya ang kanilang buhay may-asawa. Confident naman ako na magiging responsible parents sila at spouse. At hanggat kaya ko naman eh susuporta ako sa kanila.
So hanggang dito na lang
Nagmamahal Ate Rome na tita na rin ngayon.

Saturday, April 6, 2013
April Post (dahil wala lang maisip na title)
Sa wakas nakabalik na rin ako sa blogging world. Kahapon eh hindi ako makapasok at hinihingan ako ng captcha. Hindi ko alam kung error siya o nainvade na talaga ang system ko ng malware. Nagkasakit din ako kahapon dahil sa sobrang init. Pero kunting tulog, paracetamol at maraming inom ng tubig eh maayos na uli ang pakiramdam ko.
Dapat ey magbablog ako tungkol sa holy week pero dahil inatake ako ng katamaran eh hindi ko nagawa. so ito super duper late na naman ang magiging entry ko. I've mentioned before na nagpakasal na pareho ang mga kapatid ko. Kaya ako na lang ang natitirang single sa amin. Akala ko pa naman eh makakaligtas na ako sa tanong ng madlang people regarding my non-existent lovelife pero mali pala. Lalo lang dumami ang curious cat. Sa totoo lang sawang-sawa na ako sa tanong na kailan ka ba mag-aasawa Romzz? I mean Hello ako nga hindi ko na tinatanong yan sa sarili ko. Sawang-sawa na ako sa pressure na yan. Hindi naman sila magpapalamon sa akin kapag napilitan akong pumatol sa isang bum dahil lang sa natatakot akong maging matandang dalaga. Problemahin nyo ang buhay nyo at ako nang bahalang mamroblema sa egg cell at lovelife ko.
Nanganak na ang asawa ng aking kapatid kaya opisyal na tita na ako. Unang Apo kaya excited din ang mother ko. Kulang sa buwan pero hindi na kailangang ma-incubator dahil okay naman daw ang timbang. Buti naman. Infairview sa kapatid ko talagang doting father lang ang peg. Pumupunta sa ospital three times a day para sa vaccination ng sanggol. Naglaba, naglinis ng bahay at sa wakas dahil wala siyang choice sa init ng panahon nag-install ng aircon. Cute yung sanggol may dimple at matangos din ang ilong. Mana sa ina.
Dumalaw din ako sa Lola ko last Black Saturday. Habang nagkukuwentuhan kami may sinabi siya sa akin na isang paraan para malaman kung susuwertihin ako sa lalaking mapapangasawa ko. Ang sikreto ay ang dami ng letra sa pangalan. Kapag pinagsama ang dami ng letra ng pangalan kailangang 13 ang lumabas. halimbawa kung Anna ang pangalan mo kailangan maghanap ka ng lalaki na ang pangalan ay binubuo ng siyam na letra. Example ng nine letter name eh Juan Paulo. kapag nagkatagpo si Anna at si Juan Paulo at naging mag-asawa magiging suwerte ang buhay nila.
kapag binilang mo ang thirteen gamit ang daliri mo you'll end up sa middle finger so yun ang tugatog ng kasuwertehan. Okay lang kung 12 or 14 ang makuha kumbaga hindi suwerte pero di naman malas. kapag hinliliit o hinlalaki yun yung 11 or 15 ibig sabihin nun kamalasan ang aabutin nyo bilang mag-asawa o magjowa.
Wala lang naisuggest lang kasi ng Lola ko na gawin ko raw itong basehan ng isang romantic plot sa mga sinusulat kung story sa PHR. Why not?
Gusto ko sanang manood ng Sarah-JL movie pero ang daming tao kaya maghihintay nalang ako kung kailan wala nang pila bago manood o di kaya maghihintay na lang ako ng DVD copy. Yung unang dalawa naman eh napanood ko lang habang nasa bus ako.
So bago pa man ako i-block uli ng blogger sa pagpasok sa sarili kung blog. Babatiin ko na lahat ng bagong Graduate kasama na dun an aking Mother dear na natapos na ang kanyang masteral sa guidance Counseling.
Tapos na ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)