Sunday, March 3, 2013

Story out of my Dream

Mula nang madalas na akong magsulat ng mga kuwento pati ang mga panaginip ko naging masyado na ring detalyado at madalas eh parang may nga plot na rin. Mas naging malinaw na rin siya sa isip ko. Ang problema instead na mga romantic plot ang napapanaginipan ko ang laging nangyayari sa aking panaginip eh mga patayan at takbuhan at kadalasan ako lagi ang biktima. hehe. But i must admit ang ganda ng napanaginipan ko kagabi as in. Pakiramdam ko nanoood ako ng isang horror at crime thriller na may twist sa dulo. Medyo malabo yung umpisa so hindi ko alam kun paanong napunta sila sa sitwasyon na yon but the ending was crazy.

Nagsimula ang story nung makisakay ang magkapatid sa isang owner type na jeepney. Hindi ko alam kung kakilala nila ang driver pero mukhang nung araw lang na yun sila nagkita. Ang nangyari habang nasa daan sila ay may nakagitgitan silang isang kotse. muntikan nang magkaaksidente kaya bumaba ang may-ari ng kotse na mukhang punk at may mga kasamahan din itong mga mukhang criminal. Muntikan nang magkaroon ng away buti na lang may mga dumating na MMDA. So nagsimula na uling magbiyahe ang problema napansin nilang sinusundan pala sila nung kotse. Nakaramdam sila ng kaba kaya pinilit nilang iligaw yung kotse pero hindi sila tinantanan nito. Hanggang tinapatan na sila ng kotse at pinagmumura at binantaan sila ng mga nakasakay dun. Apat lahat ang mga lalake sa kotse. At napansin nilang may mga baril din ang mga ito. Natakot sila kaya binilisan pa nila ang pagpapatakbo ng sasakyan. 

Nang medyo nakalayo sila sa kotse ay nagsuggest ang driver na bumaba na sila sa sasakyan para hindi sila madamay sa galit nung mga lalaking nasa kotse. Pero dahil nga kung saan-san na sila nakalusot eh hindi na nila kabisado ang lugar. Binigyan sila ng address nung lalaki. Yun ang tirahan nito at malapit lang daw yun. Hindi lang ito puwedeng  umuwi dahil baka masundan ito ng mga lalaki.

Kahit napipilitan ay bumaba sila, takot din naman silang madamay sa away. habang naglalakad ay nakakita sila ng isang police station. napagpasyaahan nilang ireport sa mga pulis ang mga pangyayari natandaan naman nila ang plate nung kotse.

Nang ikinuwento na nga nila sa desk officer ang nangyri nalaman nilang hindi lang pala talaga mukhang criminal ang mga lalaki kundi talagang mga criminal sila at reported na nakaw yung sasakyan na gamit ng mga ito.

Natakot sila para dun sa driver ng owner kaya napagpasyahan nilang puntahan ito sa bahay nito. medyo magdidilim na nung makarating sila sa bahay nung driver. Nang kumatok sila ay may tao naman. Dalawang medyo may edad nang lalaki at babae na malamang ay magulang nung driver ang sumalubong sa kanila. Tatlong mga lalaki na nasa early 20's din ang nakatira sa bahay na malaamng ay mga kapatid nung driver. nang sabihin nilang kakilala nila yung driver eh pinatuloy naman agad sila. Kinuwento din nila ang nangyari. 
Hindi pa dumarating ang driver at hindi rin ito sumasagot sa tawag.

Dahil gabi na ay sinabihan sila ng mga may-ari ng bahay na dun muna sila matulog at bukas na lang umalis dahil baka nasa kalye pa yung mga criminal na humabol sa kanila kanina. Pumayag naman sila.

bago sila matulog ay nilapitan pa sila ng isa sa mga lalaki at inabutan sila ng baril. proteksyon daw. Kahit medyo nag-aalangan ay tinanggap nila yung baril.

Dahil hindi naman malaki yung bahay ay sa salas na sila natulog. Pinahiram na lang sila ng kutson. madaling araw nang bigla silang nakarinig ng mahihinang kaluskos. Unang nagising yung babae at ginising nito ang kasama. sa may bandang kusina ang ingay. nung una ay inisip nilang isa sa may-ari ng bahay ang nagising pero napansin nilang sa labas ng bahay nanggagaling ang ingay at wala namang nagbukas ng ilaw.

Kinuha nung lalaki ang baril at sinimulang maglakad patungo sa bandang kusina. sumama din naman yung babae.Wala naman silang nakitang tao kaya naisip nilang baka pusa lang yon. masyado lang silang naging paranoid dahil sa nangyari kanina.
         
 Napagpsyahan na lang nung babaeng magbanyo nasa labas yun ng bahay. Nang bubuksan na niya ang pinto ay biglang may sumugod sa kanya diretsong sakal. sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nakapag-isp yung lalaki dalawng beses niyang pinaputok ang baril sa likod ng pinto.

Biglang nagsilabasan ang mga may-ari ng bahay dahil sa ingay. Lumuwag na rin ang pagkakasakal sa babae.

Pero nang tingnan nila ang mukha nung sumugod ay laking gulat nila dahil iyon yung driver na kasama nila kanina. Napasigaw sa sama ng loob yung mga magulang nung lalaki.

Patay na yung driver. Tiningnan sila ng nanlilisik na mata nung mga tao sa bahay.

Guess kung anong sumunod na nangyari?? 

Natuloy yung pagsakal dun sa babae this time yung isa na sa mga magkakapatid ang gumawa nun. Pinatay silang dalawa nung pamilya. Ayoko nang ikuwento yung detalye medyo magulo na kasi. Ang nakita ko na lang ay puro sugat na yung babae as she struggled to stay alive. Hindi ko masyadong nakita kung ano yung nangyari sa kapatid niya pero I assumed dahil siya yung bumaril malamang ay pinatay na rin siya.
   

O di ba sobrang disturbing nung panaginip ko. Pero okay lang naman. I thought it was a shocking story na hindi ko basta maiisip na isulat kung gising ako. 

By the way hindi ako nakainom o high nang mapanaginipan ko ito. Medyo maluwag lang ang ilang screws sa utak ko pero hindi naman ako addict o alcoholic. 

2 comments:

  1. gusto kitang magkwento... bloody ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat nakuha ko siguro sa panonood ng napakaraming crime thriller sa TV ang hilig ko sa madudugong eksena.

      Delete