Akala ko talaga na ipost ko na ito. Ito yata yung inabutan ako ng brown out. Maiksi lang naman. And yes this month of LOVE magpapakaromantic and nostalgic bordering on cheesiness ako. But then i've been posting about weddings sa simula pa lang ng January kaya mukhang doon na patungo ang 2013 ko. So tama na ang mahabang intro baka mas humaba pa ito sa original post ko.
Feb na at malapit na naman ang Valentines Day.
Makakakita na naman ako ng sandamakmak na kapulahan sa Pilipinas. May
kaibigang nagsabi sa akin na ang ibang tawag daw sa Valentines eh Happy
Horny Wolf Day or the wolf festival base sa pagan belief. Ako naman
lagi kung sinasabi sa kanya na ang valentine eh isang business driven
holiday. Yung magjowa kailangang gumastos for a date at regalo at kung single
ka naman hindi puwedeng magpahuli kailangan pretty ka pa rin so gastos
pa rin yan. Kaya ang big winner eh ang malalaking businesses. Bitter
lang ang dating no? Pero ang totoo we are far from being bitter habang
pinag-uusapan namin ang valentines that time. Gumawa pa nga kami ng
kanya-kanyang kuwento kung paano nagsimula ang valentines.
Ang
sa kanya nagsimula sa isang Roman General named Valentinus na lihim na
naging kristiyano at tumutulong ikasal ang mga roman soldier dahil that
time kapag sundalo ka hindi ka puwedeng magpakasal. Gandang-ganda ako sa
story niya na yon eh hindi naman pala original. hehe. ako naman ang
story ko ay kuwento ng isang babaeng pangalan eh valentina hindi ko na
talaga matandaan ang eksaktong kuwento basta ang alam ko eh dapat iaalay
siya ng tribo niya sa bulkan para magkaroon sila ng magandang ani pero
iniligtas siya ng isang dayo. Actually wala siyang kinalaman sa
valentines masyado lang akong weird ng mga panahon na yon kaya kung
anu-ano ang iniisip ko.
Ganyan lagi ang nagiging usapan namin
tuwing may mga special holiday imbis na magbatian at magpakasweet eh
hinihimay muna ang religious, historical, marketing at kung meron man
national significance ng isang holiday. Super Geeky lang and admittedly
namimiss ko na yung mga ganoong usapan.
No comments:
Post a Comment