Tapos na ang Valentines, Prom at Chinese New Year at ang susunod na major happenings ay graduation.
Marami nang excited na makawala sa kanilang future Alma Mater. Siyempre dun sa mga magtatapos ng college eh job hunting na ang pagkakaabalahan. Exciting at nakakakaba at the same time.
So para naman mabawasan ng konti ang kaba at novice error sa pag-aapply ng trabaho magbibigay ako ng tip. O di ba feeling expert lang.
Unang essential eh ang resume. As much as possible huwag masyadong habaan. Busy ang HR wala silang oras magbasa ng nobela. Tama na ang two pages. Yung mga seminar na naattendan nyo nung panahon pa ni Mahomma ay huwag nang isama. Kung may mga awards at recognition kayong natanggap okay din naman na ilagay pero huwag namang lahat. Magfocus ka dun sa college achievements. Wala silang pakialam na sumali ka ng quiz bee nung grade 6 at nanalo ng first prize.
Yung picture bawal yung mga duck lip at kinunan gamit ang sariling digital camera sa CR nyo sa bahay. Huwag cheapskate maghanap ng matinong photo studio. Okay na tanggalin ang malaking taghiyawat mo through photoshop pero huwag naman OA na pati sarili mong nanay eh hindi ka na makikilala sa picture.
Kapag may pag-asa ka tatawagan o itetext para papuntahin sa interview. Dito na kailangan talagang maging bibo. Importante ang magandang impression.
Depende sa inaapplyang trabaho ang outfit. Kung sa call center ka mag-aaply okay lang hindi masyadong formal. Hindi na kailangang magtie ng mga lalaki na kala mo ay aattend sa Prom. Basta presentable okay na. Sa mga girl naman huwag namang mag mini skirt at magsuot nang mataas na takong unless yung mismong future employer ang magrequire. Wear make-up pero manipis lang. Tsaka siguraduhing hindi oily ang face nakakadistract yon sa interviewer.
Magbaon ng tubig at biskwit. Minsan sa dami ng applicants eh aabutin talaga kayo ng buong araw. hindi mo gugustuhing himatayin ka sa gutom. Minus points agad yon. Importanteng magdala ng ballpen, may mga oras kasing you'll need to fill out some forms o kaya bibigyan kayo ng exam. Nakakahiya namang lagi kayong nanghihiram sa katabi. Madalas mangyari to sa akin. Pati si manong guard nahihiraman ko ng ballpen.
Huwag pumunta ng walang alam tungkol sa kumpanyang pinag-aaplyan mo. May mga website at facebook page ang mga yan basahin nyo ng hindi kayo magmukhang clueless kapag tinatanong na kayo.
Dumating ng maaga. Hindi on time ha kundi mas maaga sa oras. Kailangan mo pa kasing pumunta ng wash room para ayusin ang sarili mo. Gawin na ang mga dapat gawin. Kung may mga ritual katulad ng paglalagay ng barya sa sapatos para suwerte, pagdarasal ng hail mary o pagtetext sa Jowa mo para humingi ng goodluck magagawa mo lang yun kung maaga kang darating.
Habang naghihintay. I-try mong maging busy. Makipagtsikahan sa ibang aplikante. Kung snob ka o mahiyain magdala ng libro para yun ang basahin. Nakakatulong yan para hindi ka masyadong kabahan.
Sa oras ng interview puwede ang kabahan pero Bawal ang Shunga. Makinig ng mabuti sa nagtatanong nang tama ang maisagot mo. Kung hirap kayong makipag eye contact kahit sa noo or ilong na lang kayo tumingin. Kahit hindi kayo masyadong confident sa sinasabi nyo try to sound confident. Ibig sabihin huwag masyadong mahina ang boses na kailangang sabihan pa kayo ng can you speak a little louder.
Hindi nangangain ng buhay ang mga interviewer. Infact friendly ang karamihan sa kanila. Naiintindihan nila na kabado ka na kaya bakit ka pa nila tatakutin di ba? Sila din naman ang puwedeng mawalan ng mahusay na future employee kung dadaanin nila sa gulpi de gulat ang mga aplikante.
Madalas eh english talaga ang ginagamit sa interview pero kung tinagalog ka na nung interviewer aba'y pagkakataon na yan para gamitin ang first language huwag nang ipilit ang balikong English. Pero huwag naman masyadong matakot magkamali pagdating sa grammar na halos isa o dalawang salita na lang lumalabas sa bibig mo tuwing tinatanong ka. Nangyari ito sa akin before kaya ayun hindi na ako nakapasok sa second interview. Ang mga kumpanya ngayon result oriented kaya hindi nila masyadong type yung mga passive pero huwag naman yung parang nasobrahan ka na sa kape at energy drink sa sobrang hyper.
Hindi na nga pala taboo ngayon ang magtanong tungkol sa suweldo eh sa yun naman talaga ang dahilan mo kung bakit ka nag-aaply ng trabaho. Oo nga pala dont undervalue yourself baka mamaya kahit 5k na suweldo okay pa rin sayo pero huwag naman masyadong ambisyoso na pang manager agad ang taas ng suweldo na gusto. Kahit graduate ka pa ng sosyal na school you will still need to prove yourself worthy.
Masyado nang mahaba ito. Congrats at Good luck sa mga malapit nang gumradweyt. At sana mahanap nyo ang inyong dream job.
Saturday, February 16, 2013
Tuesday, February 12, 2013
Destiny ba kamo????
May mga nagtanong sa akin before kung naniniwala daw ba ako sa destiny?At mala forrest gump siyempre ang sagot ko puwedeng Oo at puwedeng hindi. In other word hindi ako sure.
Sa karamihan kasi kapag tinawag na destiny madalas associated siya sa soulmate at true love. Yung iba naman tinitingnan ang destiny bilang isang turning point kung saan malalaman mo kung ano ba talaga ang purpose mo dito sa mundo.
I use to hate the term destiny or fate or anything to do with not being in control. Kasi thats what it is naman talaga something you can't control. Kasi tayo bilang tao gusto natin na tayo ang may hawak ng buhay natin. Bakit pa ba tayo nabigyan ng freewill kung hindi natin gagamitin di ba? Pero kung tutuusin naman talaga maraming bagay sa mundo na hindi natin puwedeng kontrolin kahit umiyak pa tayo ng bato. Una ang ating kapanganakan at siyempre kamatayan. Hindi ko na talaga masyadong pinapansin ang dalawang bagay na yan. Minsan nga kapag tinatanong kung ilang taon na ako kailangan ko pa talagang mag-isip at magcompute. Minsan nakakalimutan kung birthday ko nga pala.
Sa kamatayan naman lagi kung naaalala si Kurt cobain at ang kanyang suicide note na may linyang it's better to burn out than to fade away. Buti na lang isa akong absurdist kung saan naniniwala akong hanggang sa mamatay ka eh hindi mo naman talaga malalaman ang totoong purpose mo dito sa mundo o kung meron nga ba. Pero dahil pinanganak ka na rin lang eh lubus-lubusin mo na. Gawin mo ang gusto mo hanggang sa dulo ng buhay mo and maybe just maybe you'll get close to that answer you are looking for. Hindi na masama.
Isa pa palang maituturing na destiny ng tao eh ang magmahal. Kahit gaano tayo kasama at kahit pinagsamang Hitler at Binladen ka pa siguradong magmamahal at magmamahal ka. Human nature yan na hindi puwedeng takasan. Ang hindi ko pinaniniwalaan eh ang soulmate dahil ang pakikipagrelasyon eh isang malaking trial and error.
Kaya nga bihirang nakakatuluyan mo ang first love mo dahil doon sandamakmak na error ang magagawa mo. Dun sa pangalawa naman dahil feeling mo marunong ka na nagiging over-confident ka naman. Nakalimutan mo na kumplikado ang tao at ang mga natutunan sa una mong relasyon eh hindi naman pala applicable dun sa pangalawa. Dun naman sa pangatlo puwedeng nandoon na yung medyo jaded ka na at kaya ka lang nakikipagrelasyon eh dahil ayaw mo lang mag-isa.
Ang dami pang ibang factors katulad ng edad, background, education at kung anu-ano pang puwedeng makaapekto sa relasyon. Pero ang patutunguhan lang niyan eh ang kahandaan mo sa isang matagalang relasyon ay base sa lalim ng maturity mo at hindi dahil sa nakilala mo na ang soul mate mo. Kaya nga may mga relasyon na hindi nag-work ten years ago pero nang magkita uli sila ay mas nagiging maayos na ang relasyon nila. Destiny ba yon?... I think its more on maturity and learning to accept things na hindi mo kaya noong isip bata ka pa.
So Destiny ba kamo?? I think its a good plot for romance novels.

Tuesday, February 5, 2013
Ang simula ng mga Cheesy entries (Valentine Edition))
Akala ko talaga na ipost ko na ito. Ito yata yung inabutan ako ng brown out. Maiksi lang naman. And yes this month of LOVE magpapakaromantic and nostalgic bordering on cheesiness ako. But then i've been posting about weddings sa simula pa lang ng January kaya mukhang doon na patungo ang 2013 ko. So tama na ang mahabang intro baka mas humaba pa ito sa original post ko.
Feb na at malapit na naman ang Valentines Day. Makakakita na naman ako ng sandamakmak na kapulahan sa Pilipinas. May kaibigang nagsabi sa akin na ang ibang tawag daw sa Valentines eh Happy Horny Wolf Day or the wolf festival base sa pagan belief. Ako naman lagi kung sinasabi sa kanya na ang valentine eh isang business driven holiday. Yung magjowa kailangang gumastos for a date at regalo at kung single ka naman hindi puwedeng magpahuli kailangan pretty ka pa rin so gastos pa rin yan. Kaya ang big winner eh ang malalaking businesses. Bitter lang ang dating no? Pero ang totoo we are far from being bitter habang pinag-uusapan namin ang valentines that time. Gumawa pa nga kami ng kanya-kanyang kuwento kung paano nagsimula ang valentines.
Ang sa kanya nagsimula sa isang Roman General named Valentinus na lihim na naging kristiyano at tumutulong ikasal ang mga roman soldier dahil that time kapag sundalo ka hindi ka puwedeng magpakasal. Gandang-ganda ako sa story niya na yon eh hindi naman pala original. hehe. ako naman ang story ko ay kuwento ng isang babaeng pangalan eh valentina hindi ko na talaga matandaan ang eksaktong kuwento basta ang alam ko eh dapat iaalay siya ng tribo niya sa bulkan para magkaroon sila ng magandang ani pero iniligtas siya ng isang dayo. Actually wala siyang kinalaman sa valentines masyado lang akong weird ng mga panahon na yon kaya kung anu-ano ang iniisip ko.
Ganyan lagi ang nagiging usapan namin tuwing may mga special holiday imbis na magbatian at magpakasweet eh hinihimay muna ang religious, historical, marketing at kung meron man national significance ng isang holiday. Super Geeky lang and admittedly namimiss ko na yung mga ganoong usapan.

Monday, February 4, 2013
Pulang Pluma
Hindi ko na mabilang ang mga
kuwentong iniyakan ko. Maramdamin nga siguro ako dahil minsan kahit simpleng balita sa peryodiko binabago ang takbo
ng araw ko. Hinahanap nga yata ng sistema ko ang mga bagay nagbibigay pasakit
sa puso. Doon ko kasi nararamdamang buhay pa pala ako. Pero sa kabila ng mga obsesyon ko sa
kalungkutan mababaw lang din naman ang aking kaligayahan. Mabilis din akong
matawa kahit sa mga gasgas nang komedya.
Mababaw ang luha mababaw ang
tawa.
Kaya nga siguro hindi na kataka-takang
matuwa ako sa isang simpleng mensahe na pinadala sa kin sa text.
Nasaan ka na ba? Kailan ka ba uli magpapakita?
Galing ang mensahe sa hinahangaan
kung kaeskuwela nung nasa sekondarya pa lang ako. Halos dalawang taon na nung
huli kaming magkita. Pagkatapos kasi ng aming pagtatapos ay para na lang kasi akong paniking nagtago sa kuweba na tila takot masinagan ng araw. Wala namang nagtangkang personal na mag-usisa kaya nasorpresa ako na pagkatapos
ng mahabang panahon may muling nagtanong at naghanap.
Nasaan na nga ba ako? Minsan ay
hindi ko na rin alam. Madalas naman kasing tumatakbo ang isip ko sa kawalan.
Sa pagkabasa ko ng kanyang
mensahe nakaramdam uli ako ng kakaibang kilig. Umabot yon hanggang dulo ng aking
mga daliri isama na ang kuyukot pati na ang singit. Ang tagal na nung huli ko itong
maramdaman. Masaya pa rin pala sa pakiramdam. Ginusto ko uling lumabas mula sa
aking lungga kaya ininom kong muli ang mapait na medisina na nagbibigay sa akin ng lakas ng
loob na harapin ang maingay na mundo. Tila kapeng barako ang mensahe na yun na gumising sa
aking tila patay nang puso.
Gaya ng aking inaasahan isang maaliwalas
na mukha ang sumalubong sa akin sa labas ng aming tahanan. Siya ang nagsilbing lampara sa madilim kung
mundo noon. Nakatimo pa rin sa isipan ko ang mga ngiti niyang kasing tamis ng sorbetes. Parang rolyo
lang din ng kamera na
bumalik ang masasayang alaala, hindi kumukupas na tila kahapon lang kinunan.
Ang totoo nagkaroon kami dati ng
unawaan na nagsimula sa isang simpleng biruan at mga inosenteng tinginan. May mga
mensahe pa siya ng pagtangi para sa akin na sinulat niya sa magagandang papel
na inipon ko naman sa isang maliit na kahon kasama ang mga liham, mga tula at
pati lihim kung pangarap para sa aming dalawa na alam kung malabo nang matupad.
Kahit ang dami ko nang naubos na
papel at tinta upang ilarawan ang damdamin ko para sa kanya ni minsan hindi ko nagawang
sabihing mahal ko siya. Ngayon sa isang maliit na kuwaderno ko na lang
naisusulat lahat ng aking mga nakatagong damdamin. Tila ba umiiyak ng dugo ang
bawat letra na kadalasan ay basa rin ng luha dahil panghihinayang sa mga nabigo
kung adhikain.
Mabilis na lumipas ang sandali.
Halos wala rin naman kaming nasabi sa isa’t-isa. Marahil ay gusto lang niyang
malaman kung kumusta na ba ako at kung totoo ba ang balita. Puro mga tsismis
pero wala namang nakakaalam ng katotohanan. Nakatago lahat ng lihim sa
kuwaderno sa ilalim ng kama ko. At mamayang gabi katulad ng dati gamit ang
pulang pluma isusulat ko ang lahat ng lihim na habambuhay na sigurong makukubli
sa mga tao.
Isang simpleng hanggang sa muli lang ang paalam ko sa kanya. Pero alam ko namang hindi na uli kami magkikita. Pinagbigyan
ko lang ang sarili ko na makasama siya sa huling pagkakataon. Bakit nga ba
hindi eh siya lang naman ang magandang nangyari sa buhay ko.
Nang tuluyan na
siyang makalayo ay mabigat ang mga paa kung bumalik sa aming tahanan.
Sinalubong ako ng aking inang hindi magkandaugaga sa pag-aalaga ng wala pang
isang taong gulang na sanggol.
Bakit nandito pa siya? Hindi ba dapat ipapaampon na siya sa mayamang
intsik sa kabilang bayan? Malamig na tanong ko.
Ihahatid ko na nga hinihintay lang kita. Wala kasing kasama ang Tiyo
mo. Alam mo namang hindi yon sanay na mag-isa. Hindi mo man lang ba titingnan
ang anak mo kahit sa huling sandali?
Hindi ko siya sinagot dumiretso
na lang ako papasok ng bahay. Sa aking silid doon ako muling nagtago. Malayo sa
iyak ng sanggol na nanggaling sa aking bata pa ring sinapupunan. Pakiramdam ko
masahol pa ako sa puta. May
anak agad sa eh halos nagsisimula pa lang sa
pagdadalaga at higit sa lahat disgrasyada pa.
Isang oras pa ang lumipas ang narinig
ko na ang boses ng aking pangalawang ama na tumatawag sa akin. Marahil ay
alam na niyang umalis ang aking ina kasama ang aking anak. Hindi ko pinansin
ang pagtawag niya.
Kinuha ko ang aking kuwaderno at
nagsimulang magsulat. Tinapos ko na ang mga romantikong pangarap. Tinapos ko na
rin ang ugnayan ko sa aking kawawang anak. Bagong kabanata na.
Nagbukas ang pinto, ni hindi ako
lumingon.
Nandito ka na pala ni hindi mo sinasabi. Alam mo bang kanina pa kita
hinihintay? Malambing ang tinig niyang yon. Nanigas lahat ng balahibo sa
aking katawan. Para akong tinuklaw ng ahas sa mga sinabi niya.
Nagtagis ang aking mga bagang pero hindi ako natinag sa aking puwesto.
Balewalang lumapit siya sa akin at hinagod ang aking buhok. Hindi pa rin ako kumibo. Sanay na ako. Bata pa lang ako pinakita na niya ang tunay niyang kulay. Ang lihim na matagal nang nakatago sa apat na sulok ng aming tahanan. Ang dahilan kung bakit mas pinili kung magtago na lang sa kadiliman.
Tila alupihan
ang mga kamay niyang lumandas sa aking mga balikat. Noon matinding takot
lang ang aking nararamdaman at pandidiri.
Ngayon lahat ay nauwi na sa matinding galit. Hindi lang ako makalaban
noon dahil nagbunga ang kahayupan niya pero ngayong nailayo ko na ang anak ko,
kaya ko na.
Habang hibang siyang humahalik sa
aking batok kinuha ko ang nakatagong patalim sa ilalim ng unan ko. masyado syang
bulag sa pagnanasa para madepensahan ang walang alinlangan kung pagtarak ng
patalim sa kanyang tiyan. Pagkatapos
nyang mapaatras ay tinarak ko naman ang
patalim sa leeg niya. Ni hindi na siya nakalaban pa.
Ilang sandali pa ay dumating na
ang aking ina. Kitang-kita ang matinding pagkagulat at takot sa kanyang mga
mata.
A-nnong nangyari? Mabilis siyang sumaklolo sa asawa niyang
naghihingalo. Nagkalat na ang dugo sa buong silid. Bakit mo to nagawa? histerikal niyang tanong sa akin.
Simple lang naman ang sagot ko. Ubos na kasi ang tinta ng aking pluma.
Pagkatapos noon ay nilapitan ko ang aking ina at tsaka
inundayan siya ng saksak. Alam kung alam niya. Naririnig niya ang pag-iyak ko gabi-gabi.
Ang matinding takot na hindi ko maitago tuwing naririnig ko ang boses ni tiyong.
Nagtangka akong magsumbong pero siya pa mismo ang pumigil sa akin. Ngayon
magkasama na uli sila ng taong mas pinili niyang protektahan kesa sa sarili
niyang anak.
Umagos ang maraming dugo mula sa
mga walang buhay nilang katawan.
Sa wakas marami na akong
magagamit para sa aking pluma at matatapos ko na rin ang huling kabanata ng
aking istorya.
Ang Entry ko para sa Bagsik ng Panitik 2013: A munting Pakulo Literary contest
Subscribe to:
Posts (Atom)