Sisimulan ko ito by saying na sa pirated ko lang siya napanood dahil na pull out agad yung pelikula after two days of showing. Si mother dearest and bumili ng pirated DVD ng mga filmfest entry at dahil doon yung type muna niya ang pinanood namin... yung Sisterakas. After mga 20 minutes wala pang natatawa sa amin nagsuggest ako puwede ibang entry na lang? walang tumutol. Sorry ang ngetsas nung pelikula.
Ang kapatid kung buntis gusto mga horror so sabi ko yung strangers may nabasa akong magandang review. So yun ang sumunod. This time natapos namin. Medyo nabore ako pero yun ay dahil sa hindi talaga ako fan ng horror. Base na rin sa reaksyon ng kapatid ko OKAY yung pelikula. Hindi siya natawa unlike doon sa Corazon na inakala ko talaga nanonood siya ng comedy dahil nung lumabas ako ng kuwarto tawa siya ng tawa.
So sa wakas napagbigyan na ang buntis its my turn to watch the movie na gusto ko. Pero dahil late na hindi na kinaya ng powers nila manood pa ng THY WOMB. Ako ang natirang nakaglue sa TV. Aminado ako super fan ako ni Nora Aunor. Ewan ko ba mula nung mapanood ko siya sa HIMALA isang mahal na araw nung elementarya pa ako amazed na amazed na ako sa husay niya. At dahil angdaming nagsabi ang husay niya sa Thy womb its a must see for me kahit pirated pa yan.
Maganda yung quality ng video at audio kaya masaya ako. Sana hindi ako hulihin ng OMB. Huwag kayong mga-alala bibilhin ko yung original kapag lumabas na sa market yung dvd copy.
Lets start with the story...
Kuwento ito ng isang kumadrona played by Nora Aunor na ironically hindi magkaanak kaya humanap siya ng second wife para sa kanyang husband played by Bembol Roco. Dun basically tumakbo ang kuwento from start to finish. Walang twist dito, walang happy ending at lalong walang himala.
The movie is as mundane as everyday life dahil literal nitong pinakita ang buhay ng mga Badjao sa Tawi-Tawi. Pakiramdam ko nga nanonood ako ng documentary. At dahil puro tubig at dagat ang nakikita ko medyo narelax ako while watching the film.
Ang ginagawa ni Nora sa pelikula kung hindi naglalakad eh nagsasagwan. Halos walang dialogue at kung meron man napakasimple. Either bumabati lang siya sa mga nakakasalubong o nagtatanong ng direksyon. The movie was so quiet it was beautiful. Yes i said it ang ganda niya. So umpisa parang sumunod lang ako sa agos nakikiusyoso sa kultura ng mga Badjao, naaamazed sa ganda ng dagat at nacurious sa paraan ng paghahanap ng mapapangasawa.
Uso kasi sa kanila ang Dowry at dahil isa lang namang simpleng kumadrona si Nora at Mangingisda si Bembol talagang it took all their life savings pati ang source nila ng income para makapagbayad sila ng dowry sa pamilya ng magiging second wife ni bembol played by Lovie Poe. medyo naexcite pa nga ako dun sa pagkikita nung tatlo kasi parang si Nora pa ang mas pursigido na makapag-asawa na si Bembol. Siya ang naghanap ng babae, nag-asikaso ng dowry, humanap ng negosyador at nandoon din siya sa pamamanhikan. Sa dulo ko na lang talaga narealize kung gaanong kabigat na sakripisyo ang ginawa niya para sa kanyang asawa. Kung doon sa movie na One More Try eh mahirap nang ishare ni Angleica ang asawa niya for one night sa isang babae imagine mo kung anong sakit ang nararanasan ni Nora sa Thy womb. Not only will you be sharing your husband sa isang babaeng mas maganda at mas bata araw-araw pa nitong ipapaalala sayo ang kakulangan mo bilang babae. Kahit sabihin pang normal sa isang Muslim ang mag-asawa ng 2 or more masakit pa rin yon. At kita ko lahat ng sakit ng yon habang nakatingin si Nora kay Lovie nung araw ng pamamanhikan. Nakangiti siya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi naman ako magalit kay Bembol sa pelikula dahil mabuti siyang asawa kay Nora. isang beses lang niyang namention na gusto niyang magkaanak. Sinasamahan pa niya si Nora sa pagpapaanak, sa pamamlengke, sa pagtitinda ng isda. Tumutulong din siya sa paggawa ng banig. Binibigyan din niya ng regalo si Nora. At alam mo na ang dahilan lang talaga niya sa paghahanap ng pangalawang asawa (na tanggap naman sa kultura nila) ay dahil sa talagang sabik siyang magkaanak. You cant fault a man for that.
yung huling 15 minutes nung pelikula ang pinakamalungkot. Sa sobrang lungkot napaiyak ako ng todo. Mas marami pa yata akong niluha kesa sa mga bida nung pelikula. Infact Nora didnt shed a single tear. Walang oras na nagkaroon ng komprontasyon. Walang mga one-liner. Kaya nga ang bigat niya sa dibdib dahil mas maliwanag pa sa araw na mawawala na sa kanya ang lahat pero hanggang sa dulo nakangiti lang siya. Hindi nagsasalita dahil ayaw na niyang madagdagan pa yung pagkalito ng loob ni Bembol. Hindi naman manhid si bembol alam niya na nasasaktan si nora. But of course they never talked about it. They know na kailangang magsakripisyo para makuha ang matagal nang inaasam.
So bago pa man ako tuluyang maiyak dahil na naman sa lungkot sana mapanood nyo ang pelikulang Thy Womb. Ito ang nagpapakita ng totoong depinisyon ng true love at ultimate sacrifice.
Monday, January 28, 2013
Tuesday, January 15, 2013
Pang-apat na Nobela
Topsy-turvy Love By Maria Rome Tapos na ang role niya sa buhay nito. Isang extra na nangarap na ma-promote bilang bida. |
Pasaway, sakit sa ulo, malas, at walang fashion sense. Ganoon inilalarawan si Alice ni Atty. Andrew Villanueva. Pero kahit masungit sa kanya ang abogado, tuwing nalalagay siya sa alanganin ay lagi naman siyang tinutulungan nito. Naisip niya tuloy na baka may pagtingin ito sa kanya kaya lakas-loob siyang nagtanong dito. “May gusto ka ba sa akin?” Nauwi iyon sa isang malaking kahihiyan at sama ng loob.
Two years later, nagtagpo uli ang mga landas nina Alice at Andrew. Pero ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil best man ang papel ng abogado sa nakatakdang kasal ni Alice sa pinsan nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mukhang tutol na tutol si Andrew sa kasal.
Ang problema, wala naman talagang kasal at ang lahat ay palabas lamang niya at ng pinsan nito. Galit pa naman si Andrew sa mga sinungaling. Ang isa pang dilemma niya, mukhang nahuhulog na naman ang puso niya sa abogado. Paano kung malaman na nito ang totoo? Mauuwi na naman ba ang lahat sa pagiging brokenhearted niya?
Konting background.
Ang inspiration ng nobelang ito eh ang Alice in Wonderland ni Tim Burton. Naisip ko kasi na medyo timid at laid back si Alice dun sa movie kumbaga kulang sa emosyon. Pero sabagay kung emotional nga naman siya baka hindi niya magawang patayin yung dragon o malamang magfreak out na siya pagkakita pa lang sa mga pugot na ulo na nakalutang.
Sa nobelang ito makikita nyo yung version ko ni Alice, medyo perky, masayahin at adventurous. Hindi nga lang siya papatay ng dragon sa story na ito. Papaibigin lang niya si Atty. Andrew na human at hot version naman ni Mr. White Rabbit.
Thursday, January 10, 2013
2 Weddings and then some photographs
Last December 27 ay nagpakasal na ang aking kaisa-isang kapatid na babae. And then last January 5 ang kapatid ko namang lalaki. Dahil magkaibang taon eh iwas sukob naman daw. Takot magaya kay Claudine at Kris sa movie.
At dahil nga nagpakasal na ang dalawa kung kapatid at ako na lang ang single sa amin siyempre ang tanong sa akin eh ikaw kailan magpapakasal? Ang sagot ko eh ngiti-ngiti na lang. Tutal naman nanggulat ang mga kapatid ko eh di gugulatin ko rin sila ng wala.
Namention ko rin na ayaw ko umattend ng mga occasion na required makitsika sa sobrang daming tao. But i love my sibling too much para mag-inarte. Ika nga its their day so no irrational social anxiety from me. Luckily i found a way to be there and at the same time avoid too much interaction.
Ako ang naging official photographer ng aming pamilya. Its perfect really. I get to be there and the only word na madalas ko lang sabihin eh say Cheese. Sapat na yon para sa kanila. No need to chika... without looking snobbish.
Ito na ang mga photos ng wedding ng sister ko
At dahil nga nagpakasal na ang dalawa kung kapatid at ako na lang ang single sa amin siyempre ang tanong sa akin eh ikaw kailan magpapakasal? Ang sagot ko eh ngiti-ngiti na lang. Tutal naman nanggulat ang mga kapatid ko eh di gugulatin ko rin sila ng wala.
Namention ko rin na ayaw ko umattend ng mga occasion na required makitsika sa sobrang daming tao. But i love my sibling too much para mag-inarte. Ika nga its their day so no irrational social anxiety from me. Luckily i found a way to be there and at the same time avoid too much interaction.
Ako ang naging official photographer ng aming pamilya. Its perfect really. I get to be there and the only word na madalas ko lang sabihin eh say Cheese. Sapat na yon para sa kanila. No need to chika... without looking snobbish.
Ito na ang mga photos ng wedding ng sister ko
nagpapaganda na ang bride |
Venue at reception ng wedding |
Ang bride at ang groom |
Ito naman ang sa kapatid kung lalaki.
simbahan ito ng San Vicente sa Binan |
Halata namang happy sila |
Sana pagdating nga aking mga pamangkin eh lalo silang maging masaya.
Subscribe to:
Posts (Atom)