Sunday, December 16, 2012

Wala lang

Napansin ko naka 27 blog posts na pala ako this year kasing dami na nang post ko last year. So naisip kailangan kung magblog before December 21 para naman siguradong malagpasan ko yung dami nang naipost ko. Pagpapatunay yon na medyo masipag ako this year as compare to last year at least sa blogging department. 

Ang problema wala naman akong maisip i-blog. Wala naman kasing nangyayaring kakaiba sa buhay ko. Ayoko na rin namang magdrama at lalong ayokong magrant. magbibigay sana ako ng opinyon sa mga bagay-bagay na nangyari sa mundo katulad kung bakit natalo si PACMAN o kung bakit may mga taong baliw na magpapakamatay na lang nandadamay pa. Kaya lang hindi naman ako expert sa sports taganood lang, hindi rin ako psychologist at may sayad din ako. Hindi ko rin type magbigay sa ngayon ng mga love thoughts dahil hindi pa naman Valentines.

So wala lang para makaquota lang.

Ah wait meron nga palang nangyari. Magiging Tita na ako. Buntis ang sister ko at nakabuntis ang brother ko. Ikakasal na sila next year sa kanilang mga respective Jowa. So by 2013 ako na lang sa aming magkakapatid ang mananatiling single. I still have to think kung masaya ba ako sa katotohanang yon o hindi.

1 comment:

  1. Hala, sa iyo walang nangyari, pero sa mga kapatid mo, for sure may nangyari LOL jk. May nangyari rin naman siguro na hindi ka lang comfortable ishare sa amin...

    ReplyDelete