Before mahilig akong manood ng TV pero dahil puro teleserye at koreanovela na lang ang nakikita ko I gave up. Ayoko kasing sumusubaybay ng mga series na parang komiks lang na laging itutuloy. Pero dahil hindi naman ako gala at active, ang aking libangan eh internet. Obvious ba sa title?
I think years ago nagpost narin ako ng mga sites na gusto kung binibisita so basically parang second part na ito.
karamihan ng mga ililista ko ay mga paborito kung blogs at site. Yung mga hindi ko maililista huwag magtampo. yung number 1 lang sa category ang ililista ko
Mahilig ako sa comedy so unahin na natin ang pinakalove kung humor blog. Sikat siya kaya im sure pinafollow nyo na rin siya si... Jepoy Kuwela lang talaga siya. Dami kung tawa kapag binabasa ko blog niya.
Sa mga tsismis naman PEP ang laging pinupuntahan ko. Mahilig din kasi ako sa mga buhay artista. Nandyan na lahat pati network war at sandamakmak na troll.
Sa politics naman dahil ayoko ng masyadong seryoso si Professional Heckler lagi ang binibisita ko. Paborito ko ang kanyang epal quiz at mga "commentary" niya tungkol sa dating mukha ni Jinkee Pacquiao.
Web comics ano pa eh di manga special mention ang fairy tail at one piece. At kung gusto nyo naman ng madugo gantz at Berserk. Kung mahilig kayo sa romance skip beat at faster than a kiss. Kung mahilig kayo sa adventure Jojo's bizarre adventure eh maganda rin. Sawa na ako kay Naruto tagal matapos nung gera na yon. Trojan war lang ang peg.
Travel blog naman tayo. Hindi ako gala kaya hindi rin ako masyadong mahilig sa travel blog pero maganda talaga ang Traveling Light para ito sa mga back packers. Yung mga lugar na pinifeature dito ay hindi lang sa Pinas at yung iba ni hindi ko alam na nag-eexist pala. Very informative and well written. Pag nabasa mo yung blog na ito parang gugustuhin mo na ring kunin ang backpack mo at maglakbay kahit pamasahe lang ang meron ka. And this is from someone na hindi mahilig magtravel.
At siyempre sa sports, dahil mahilig ako sa NBA ang site na pinupuntahan ko lagi eh ang Pro Sports Daily
Lahat nandyan na mula sports tsismis, forums, kuwento tungkol sa mga favorite players mo sa NBA.
Fan site naman eh di ano pa eh di fan site ni Jeremy Lin ang paborito kong basketball player.
Yan na po ang mga paborito kung dalawing websites and blogs.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete