Wednesday, August 1, 2012

Wow August na Pala

Masaya akong tapos na ang buwan ng Hulyo. Ewan ko ba at naging theme yata ng July eh Drama Queen romzz. So I'm hoping August is going to be better... no more drama.


Dahil walang magawa tiningnan ko ang stat ko. May mga keywords pala doon.At ito ang mga keywords na ginamit para makarating sa blog ko.

bin laden turban
site:risingtaste.com
suwerte sa sugal
but meron kasi akong paniniwala
facebook call center sumuka ng dugo
mahal kita aking kaibigan
mini skirt fit
ng ilang online
sa terror
"her from drowning"

Anim na beses ginamit na keyword yung binladen turban. May naalala naman akong entry tungkol kay bin laden at ang fascination ko sa kanyang maputing turban. Ang hindi ko lang alam meron din palang ibang tao na parehas kung mag-isip at fascinated din sa turban ni Osama. I doubt kung nakita nila ang hinahanap nila sa aking blog. Wala naman yata akong useful information na nilalagay dito. Puro aning-aning lang depende sa mood.

Facebook call center sumuka ng dugo parang headline lang sa tabloid     

Anyways kung ano pa man ang mga hinahanap ninyo sa buhay... online man o sa tabi-tabi. Sana mahanap niyo at pag nakita nyo na ay magdala sa inyo ng life long happiness na sana ay madala nyo rin sa kabilang buhay.

O di ba happiness na uli ako.





































































































4 comments:

  1. buti naman at happiness ka na ulet..im happiness for you :)

    ReplyDelete
  2. ay matingnan nga rin yang feature na yan. spread the happiness =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. maganda yung feature na yan,pati number of views sa bawat post makikita.

      Delete