Sunday, July 29, 2012

Inside my Head


Its a crazy week inside my head. My mom keeps talking to me about her work and the thesis she needs to write and the whole time i'm just pretending to listen to her. Why? Because I'm busy talking to myself. Normal naman ang pakikipag-usap sa sarili. I'm sure maraming gumagawa noon. Ang hindi ko lang alam eh medyo alarming pala kapag nakikipag-usap ka sa sarili mo at naririnig ka ng mga tao na nakapaligid sayo. So i try to be quiet sometimes and just write it down.

RomZZ1: hindi maganda ang araw ko.

Romzz2: bakit naman

Romzz1: as usual hindi koalam

Romzz2: baliw ka talaga alam mo ba yon

Romzz1: araw-araw mo kayang pinapaalala sa akin. Minsan ipaalala mo rin sa akin na kailangan ko na uling magdiet dahil ang taba ko na naman. Hindi na magkasya sa akin ang pantalon ko.

Romzz2: hindi mo ako yaya. Alter ego mo ako. Paalalahanan mo ang sarili mo.

Romzz1: galit ka sa akin ano?

Romzz2: Buti alam mo. Dapat magtino ka na ilang kaibigan na ba ang nawala sayo dahil sa kaweirduhan mo? Naiintindiha ko naman na kailangan mo ng time alone pero kailangan ba talagang huwag magparamdama sa loob ng ilang buwan minsan nga taon pa. Nagbabago ang tao. Kapag ilang beses ka na nilang kinontak at hindi ka sumagot iisipin nila galit ka sa kanila o kaya ayaw mo sila sa buhay mo. At kapag bumalik ka na meron na silang sariling buhay at hindi ka na puwedeng sumingit doon.

Romzz1: Ayoko lang talagang masyadong napapalapit ang loob basta-basta kaya nga wala akong bestfriend. Mahirap kaya makinig sa problema nila. Ang hirap magbigay ng payo at ang makitawa sa mga corny na jokes. Alam mo ba yung pakiramdam na ang daming tao sa paligid mo pero yung isip mo lumilipad sa kawalan. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila o pinaplastik ko sila. I mean nagbibigay naman ako ng advice kapag hiningan ako. Nakikinig naman ako kapag sinabi nilang makinig. Tumatawa naman ako sa magandang joke. Sinasabi ko rin kung ano ang nararamdaman ko minsan. At kapag umiyak ako sa problema nila hindi plastic yon. Hindi rin ako naninira ng tao.

Romzz2: sige na ikaw na ang mabait. Pero aminin mo ikaw ang dahilan kung bakit nagsasuffer ang lovelife natin.

Romzz1: at bakit natin?

Romzz2: at bakit hindi? alam mo puwede naman akong magpretend na imaginary friend mo o enemy kung gusto mo pero nungka na magkukunwari akong imaginary BF mo. hindi na kaya ng imagination natin yon. Tsaka hindi ka naman tomboy. 

Romzz1: so yun talaga ang kinakagalit mo sa akin?

Romzz2: ikaw naman kasi hindi pa nagsisimula ang romance pinuputol mo na.

Romzz1: paanong puputulin eh wala naman talaga. Alang naman magpretend ako ng meron eh wala naman talaga wala  wala.

Romzz2: akala mo lang wala pero meron meron meron.

Romzz1: kailangan ko siguro ng alter ego na hindi corny. Nagamit na ng lahat ng bading sa comedy bar yang linya mo.

Romzz2: classic ang tawag dyan.Oo nga pala isa ka nga pa lang Noranian. Baguhin natin... Walang himala.
Hindi lalabas ang prince charming mo sa jack in the box at lalong hindi siya lalabas sa TV malamang si sadako lumabas dyan at kainin ka ng buhay.

Romzz1: hoy kahit nakikipag-usap ako sayo realist ako. Iisa lang si Cinderalla at walang dugong bughaw sa Pilipinas. maraming berde pero hindi ko rin sila gusto.

Romzz2: pero aminin mo may mga nagustuhan ka naman dati at siguro naman nagustuhan ka rin naman nila. Dahil sa totoo lang hindi ka naman kakausapin ng mga yon kung hindi ka nila gusto. Wala ka namang perang panlibre, wala kang kotse at alam nilang hindi ka friendly ni hindi ka nga nagpapakopya sa exam dati. Ang tanong bakit kapag naiinlove ka baligtad ang ginagawa mo? imbis na lumapit ka lalo kang lumalayo. Hindi ko magets.

Romzz1: takot siguro akong masakatan.

Romzz2: ganoon? Bakit hindi ka ba nasasaktan kapag nakahanap sila ng mga babaeng nagugustuhan at pagkatapos eh mawawala na yung interes nila sayo? Iniyakan mo kaya yung dati mong crush na nakabuntis ng babae. Di ba araw-araw payun dating dumadaan sa bahay at sisigaw ng napakalakas para ipaalam sayo na nandyan na siya tapos sisilip ka sa bintana. Young love sweet love ang dating.    O kaya yung dati mong kaklase na sobra ka kung inisin. Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam na crush ka nung tao. Ayon dahil BFF lang ang tingin mo sa kanya sa iba na nagkagusto.eh mas mabagal ka pa yata sa pagong makagets ng hint. O kaya yung dati mong katrabaho di ba super close din kayo noon. Araw-araw magkasama, kumain ng lunch umuwi magkuwentuhan pati sa text tsika kayo. Ano ang ginawa mo nagresign ka sa trabaho. Ano iniexpect mo hahabulin ka nung tao. hello ang dami kayang may crush doon. Suwerte ka nga ikaw ang gustong kasama eh hindi ka naman kagandahan.

Romzz1: Brokenhearted kaya ako ng mga time na yon.

Romzz2: Ah oo nga pala dahil nainlove ka nga pala sa kachat mo sa internet noon. Di ba nagpropose pa sayo yon dati bakit hindi mo tinanggap? 

Romzz1: Ano lang yon sudden burst of emotion. Hindi naman talaga siya sigurado doon.

Romzz2: Kaya pala tinanggihan mo at sinabi mong friends na lang kayo dahil sobrang layo niya sayo. Natakot ka na puntahan ka niya. natakot ka na mapalapit sa kanya. Natakot ka dahil hindi ka seksi sa personal eh hindi ka na niya magugustuhan. nakita mo ba yung bago niyang jowa? Mas mataba pa kaya sayo. Mas maputi lang. Lamang lang sayo ng konti dahil mahilig sa starwars eh talaga namang panget yung Phantom menace.

Romzz1: Oo na sige na tama ka na. ako na si takot umibig. ako na ang takot sa lalaki. ako na si puno ng insecurities. eh sa ganoon talaga ako. Hindi naman ako tumatakbo para magpahabol. Mahirap lang kasi talagang ihandle ang mga ganitong klase ng emotion. Nalimutan mo yatang Aspie ako. Madaling malito, hindi kaagad makagets, mas magaling magsulat kesa makipag-usap ng harapan, mahirap ding makalimot, kailangang lumayo ng matagal para makapag-isip. Gusto ko ba ng commited relationship? siguro. Sino bang ayaw ng may nagmamahal ang problema hindi ko siya kayang ihandle. Mahirap ipaliwanag, kapag may salita na ako para doon sasabihin ko sayo. Pero sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.

Romzz2: yeah tayo na naman uli ang magkasama.    

  

Tuesday, July 24, 2012

kailangan ko lang talagang magsulat

This is one of those moments when i feel like shit. Wala akong gamot na iniinom so medyo mahirap magcope. Kaya ayon ginagawa kung therapy ang pagsusulat. Dahil walang masyadong isip-isip at malamang hindi ko ito ieedit dahil sa ayaw ko lang sorry sa mga makakabasa.

So since nasabi ko na that i feel like shit might as well say why..  i have no idea. Hindi ako brokenhearted, walang nang-away sa akin, hindi rin ako nakatanggap ng masamang balita at lalong hindi ako namatayan. Ito lang yung mga panahon na for some reason kahit walang may birthday o anniversary na inaalala eh bigla na lang akong malulungkot. At para lalo akong malungkot aalalahanin ko lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko at iisipin ko na kahit kailan ay hindi na iyon maibabalik pa. The happiest memories bring in the most pain. Iniisip ko pa lang gusto ko nang maiyak.

May nagtanong sa akin dati kung gusto ko raw bang ibalik ang nakaraan? My honest answer was hindi at susunod na tanong bakit? Kapag lagi ka kasing bumabalik sa nakaraan mahihirapan ka nang makamove forward you'll be stuck in the past at mahirap yon. Walang facebook, twitter, internet, instagram at dark knight movies. But thinking about it again maybe kung mabibigyan ako ng chance why not diba? But then again i was so weirdly crazy back then na mabago man ang isang kabanata ng buhay ko I will still somehow manage to do something to fucked it up. So in the end it wouldn't matter a bit.   

Matagal ko ng alam na may mga konti akong lose screw na sa malamang eh mahirap nang maiayos. But dont worry hindi naman ako yung tipong mananakmal na lang unless you specifically asked for it. And no sarcastic joke please like kick me or slap me dahil malamang gawin ko talaga yon. At pag nangyari yon the joke will be on you. At doon sa nag-iisip na kalevel ako ni Christian Grey sorry na lang, sa iba nyo dalhin ang mga sexual fantasies nyo. Hindi ako mahilig mamalo at hindi ako control freak. Hindi rin ako mahilig sa leather dahil mainit yon at lalong ayoko sa handcuffs. papaano na lang kung biglang atakahin sa puso ang sexual partner mo habang nakahandcuff ka sa poste at walang tao na puwedeng tumulong sayo. Malamang ay isang buwan ka bago makawala dahil by that time puwede ka nang lumusot sa handcuff dahil sobrang payat mo na at yon ay kung hindi ka pa patay sa gutom at uhaw.   

Okay maganda na uli ang pakiramdam ko. Sorry uli sa mga makakabasa i know medyo morbid siya lalo na yung sa handcuffs pero kung nagawa nyong manood ng final destination 1 hanggang sa kung saan man siya natapos na parte im sure mani lang sa inyo ito. 
    

Wednesday, July 18, 2012

Status: Waiting


I really should be blogging more para mawala ang stress. Sa totoo lang mahirap ang umupo at maghintay lalo na sa panahon ngayon where everything eh fast paced. Lahat na lang yata ng produkto ngayon instant na. Feeling ko nga sa future baka magawan ng paraan na isang buwan na lang ang pagbubuntis. I sometimes wonder if i could really keep up parang kasing lagi na lang ako naghahabol eh ang bagal ko pa namang tumakbo.

So as i said waiting ang status ko. Dapat mayrooon niyan sa facebook
waiting: tapos may sub
for my future bf na makipaghiwalay sa present gf nya
for my ex na makipagbalikan sa akin
for my lover na makipaghiwalay na sa asawa niya
na mapansin ng crush

kasi kapag its complicated ang status parang ang vague. Kasi lahat naman ng relationships complicated. Kapag hindi na siya kumplikado malamang hindi na siya masaya at kapag hindi na masaya better to walk away or worked it out. In this kind of situation waiting is not an option, action agad dapat.   

Kikilos ba o maghinhintay? Kanya-kanyang trip lang yan.

At para malinaw ito-ito ang mga hinihintay ko sa ngayon

kung mapupunta ba si Jeremy lin sa houston?-alam ko na ang sagot dito ngayon. Houston Rocket na siya. Damn mahal ko pa naman ang New York Knicks. Kainis but i guess ganoon talaga. So go Rockets na rin ako ngayon.

kung makakapasa ba yung MS na pinasa ko?

Kung makakasama ba ako sa 150 na mapipiling magwoworkshop ng libre?

lahat ng resulta wala sa kamay ko lalo na yung Kay Jeremy Lin so no choice kung hindi maghintay.