Thursday, February 9, 2012

Mga natutunan ko sa Impeachment trial ni Corona



1.     
1.      Ang hirap pa lang sagutin ang YES or NO question.
2.      Na si Senator Arroyo ay miyembro ng prosecution panel nung impeachment trial ni Erap at ayaw niyang makalimutan natin yun dahil tuwing tumatayo siya para magsalita lagi niyang pinapamukha  yun sa prosecution kasunod ng panenermon.
3.      Ang daming puting buhok nila Senator Pangilinan at Senator Marcos. Hindi yata nila alam ang salitang pagtitina.
4.      Kung makakasuhan man ako kukunin kung abogado si Justice Cuevas yun ay kung buhay pa siya by that time at kung kaya ko siyang maafford.
5.      Kung gusto kung inisin ang mga senators, ang mga witnesses at mga manonood ihahire ko si Atty. Arthur Lim at sasabihan ko siyang mag-object at makipag-argue sa lahat ng pagkakataon.
6.      Mas matalino ang witness, mas magaling magpaligoy-ligoy at magsinungaling.
7.      Si Senator Drilon ay honorary member ng prosecution panel.
8.      Na mukhang magandang investment ang pagbili ng mga condo units.
9.      Ang guwapo talaga ni Midas Marquez. (wala itong kinalaman sa Impeachment Trial na mention ko lang)

No comments:

Post a Comment