Time for a movie review guys. At ano pa nga ba ang irereview ko kundi ang Imagine You and Me ng ALDUB.
Before the review proper i would just like to say iba ang level ng anticipation sa movie na ito. Sobrang taas ng expectation ko because lahat ng nanood ng premiere were all raving about the movie. At nung sumugod na nga ako sa sinehan ayun di pa man nagsisimula may tumitili na.
So worth it ba ang tili, anticipation and hype??? SOBRA. Hindi ko lang siya gusto kundi sobrang gusto. Maine was a revelation. Walang maniniwalang baguhan siyang artista and that IYAM is only her second movie. Her comic timing is impeccable. Lahat ng joke nya tinawanan ko. Direk Mike Tuviera was really able to showcased her strength. Minimal lang din yung mga dramatic scenes nya and it was all well executed. What can I say Maine Mendoza is definitely a gem. You will fall in love with Gara sa pelikulang ito.
And then there's Alden Richards. Kung si maine ang comic relief syempre Alden added depth sa story. He played Andrew a typical hero na nababasa at napapanood natin sa mga romance pocketbooks and movies. Good looking, well-off, masungit and is carrying a big chip on his shoulder. And were all a sucker for that. We all just want to ease his pain. Pangitiin siya at pagaanin ang kanyang buhay. At yun talaga naramdaman ko. Parang gusto ko syang laging yakapin. Kumbaga Lahat na ng womanly instinct ko lumabas. So magugulat pa ba tayo kung maiinlove sa kanya si Gara??
The strength of the movie eh hindi lang yung mga main characters. The supporting cast eh lahat magagaling. Sobrang tawang-tawa ako kina cacai bautista at cai cortez. Friendship Goals talaga sila. Magaling din si Jasmine smith. Gusto ko yung atake niya sa role niya, very subdued and controlled. Si Miss Irma eh alam na nating magaling siya.
Maganda rin yung cinematography. Pinakita talaga yung ganda ng lake como. Ang tahimik very pristine. Perfect place to fall in love.
So ano pa ba?? Yung mga napanood nyo sa trailer hindi pa yon ang pinakanakakakilig na eksena sa pelikula. The very famous ALDUB chemistry eh very evident sa pelikulang ito. Magngitian at magtinginan lang sila kinikilig na ako. Parang mga 80s and 90s romcom na sobrang paborito ko. Yung kahit simpleng hawak kamay batuhan ng sweet lines eh winner na. Hindi pilit kumbaga. Natural na natural.
My only issue siguro sa movie eh yung transition ng ibang scene. Pero maliit na bagay lang yon. Overall the movie eh talagang maganda. Highly recommended. Kapag di kayo natawa at kinilig sa pelikulang ito eh bato na kayo.
PS. huwag agad lumabas ng sinehan pagkatapos ng movie. hintayin matapos ang credits.