Wednesday, August 22, 2012

Cringed worthy




Disclaimer: Masakit sa dibdib ang video na ito.


Ako yung tipong hindi masyadong nagrereact kung wala namang kinalaman sa akin yung mga bagay-bagay. Pero this video shocked me. Ni hindi ko siya pinanood ng buo dahil baka mamura ko yung babae sa video eh  hindi naman siguro siya ganoon kasama. Pero talaga naman isang malaking kalokohan ang ginawa niya.

Hindi yata niya alam na ang daming bata sa mundo na hindi man lang nakakita ng magandang libro buong buhay nila. Noong grade one ako yung libro na binigay sa akin ng teacher ko eh gutay-gutay na kulang pa sa pahina pero kailangan pa ring alagaan dahil next year may gagamit pa.
So it breaks my heart to see perfectly good books got destroyed.

Thursday, August 16, 2012

Books

Isa sa mga paborito kung gawin eh magbasa ng libro. Masayang magbasa dahil para sa isang katulad ko na hindi gala at madalas maligaw ang pagbabasa ang paraan ko para makapunta sa mga kakaibang lugar at mundo. And its okay to be lost in that world. Nakakabalik pa naman ako ewan ko lang sa iba. 

So with that introduction ililista ko dito ang mga libro na naging pinaka-memorable sa akin ko over the years. Ito yung mga libro na mahigit isang dekada ko na yata nung huli kung nabasa pero natatandaan ko pa rin. And that's how a good book should be hindi mo basta nakakalimutan.

Rocks of Valpre by  Ethel May Dell (1914) Genre: Romance

Wala akong picture na makita pero dahil sobrang luma na ng libro na ito puwede na itong mabasa ng libre sa internet, link na lang http://www.munseys.com/disktwo/rockval.pdf

Nandito lahat ng elemento na gusto ko sa isang romance. I fell in love with the characters so much na iniyakan ko talaga ng todo ang nobela na ito. Pinangalanan ko pa ang aso ko ng Cinders dahil sa nobelang ito.


The Little Prince
I'm sure marami nang nakabasa ng libro na ito dahil isa yata ito sa mga requirement na basahin sa mga literature classes. Of course dapat basahin ito ng may illustration. What i love about this book is that it never grows old. I dont even know kung maituturing talaga siyang children's book dahil kahit matanda na ako natutuwa pa rin akong basahin ito. It takes on a new meaning everytime i read it.  So kung nabasa nyo na ito minsan read it again and i'm sure mag-eenjoy pa rin kayo at may bagong matututunan.
The God of Small Things
Ito yung time na basta na lang ako bumibili ng libro kahit wala akong idea kung sino ang author o kung tungkol saan talaga yung kuwento. I just like the title so binili ko siya. One word to describe this book is HAUNTING in capital letter. I would recommend this book to anyone regardless of the kind of genre they like to read.It didn't matter that the story had begun, because kathakali discovered long ago that the secret of the Great Stories is that they have no secrets. The Great Stories are the ones you have heard and want to hear again. The ones you can enter anywhere and inhabit comfortably. They don't deceive you with thrills and trick endings. They don't surprise you with the unforeseen. They are as familiar as the house you live in. Or the smell of your lover's skin. You know how they end, yet you listen as though you don't. In the way that although you know that one day you will die, you live as though you won't. In the Great Stories you know who lives, who dies, who finds love, who doesn't. And yet you want to know again.

 Breakfast of Champions

I have no explanation kung bakit gusto ko ang libro na ito. Sci-fi siya at may drawing siya sa loob. Its dark and funny in a crooked kind of way. Nakita ko lang siya sa lumang kahon ng mga gamit ng tita ko at dahil naghahanap talaga ako ng babasahin eh binasa ko na siya. This is probably one of those either you love it or hate it kind of story. Gustong-gusto ko siya. Yun na. “Trout was petrified there on Forty-second Street. It had given him a life not worth living, but I had also given him an iron will to live. This
was a common combination on the planet Earth.”
     
Moon and Sixpence
I can't begin to tell how much I love this novel. Kung isa kang struggling artist o kahit successful ka pa dapat basahin mo ang libro na ito.  Kuwento ito ng isang tao na iniwan ang pamilya niya para ipursue ang kanyang passion ang pagpipinta. The main character in this story is anything but nice. He is eccentric,selfish, uncaring but somehow I totally relate to his character. Available ito online for free hanapin nyo na lang.  "To the acute observer no one can produce the most casual work without disclosing the innermost secrets of his soul."


The pretenders

This book is part of the Rosales saga series by The great Sionil F. Jose. Isa sa mga writer na gusto kung makilala. Timeless, a classic novel na parang kahapon lang nailimbag. Isa siya sa mga writer na kahit tungkol sa pulitika ang sinusulat eh hindi siya boring at ang The Pretenders siguro ang isa sa mga paborito kung gawa niya.There is something very unforgettable about the character of Tony Samson. He just clings on to your senses and you can't help but feel sorry for him kahit alam mo na he somehow brought the tragedy upon himself.  Pinabasa ito sa kapatid ko para sa kanyang book report. Mabuti na lang.“Life is always sad. That's what makes suicide so tempting because life is all that we really have and haven't. Death makes us equals, too, because the foul and the good all die. The past, the present, and the future-what escape is there from these? None-and yet sometimes we are life's happy victims.”



Hindi ko maipapromise na magugustuhan nyo ang mga libro na yan pero ang masasabi ko lang those books mentioned above kind of influences me. Bigla akong may natandaang isa pang libro pero dahil patapos na ito wala nang masyadong paliwanagan pa.  Yung libro ni John Grisham na "The Chamber" maganda rin yon at tsaka nga pala yung Sophie's Choice okay sige ititigil ko na ito at may naiisip na naman akong ilista dito baka hindi na ito matapos.   

Tuesday, August 7, 2012

Patawad


Ang hirap magsorry. Nakakainis kailangan ko ng lakas ng loob kailangan ko nang tapusin ito once and for all.

Sunday, August 5, 2012

ROM-COM anyone???


Ang pinakapaborito kung movie genre ay ang walang kamatayang romantic comedy. So dahil maulan naman at nakakatamad maggala magrerekomenda ako ng mga romantic comedy that you can feast your eyes on.
Not exactly my Top Ten List of  favorite romantic comedy films but close enough i guess. Ito lang yung mga naunang naisip ko at malamang madaling mahanap.

10. ten things i hate about you.


Ito ang una at huling rom-com na ginawa ng aking paboritong si Heath ledger..  Kumanta dito si Heath ng "Youre just to good to be true cant take my eyes off of you"  iyon pa lang rason na para panoorin ang pelikulang ito. http://en.wikipedia.org/wiki/10_Things_I_Hate_About_You
9. As Good as it Gets
I would have put this higher on the list kaya lang hindi naman talaga ito pure romantic comedy. Ang masasabi ko lang napakaganda ng pelikulang ito. Jack Nicholson is as usual outstanding in this movie as an misanthropic OCD novelist with a good heart.   http://en.wikipedia.org/wiki/As_Good_as_It_Gets
8. Sleepless in Seattle 
Ito ang nagpapatunay na hindi kailangan ng halikan at mga sexual innuendo para maging exciting ang isang pelikula. Sa bandang gitna at huling parte lang sila nagkita pero kinilig pa rin ako.  At sobrang ganda dito ni Meg Ryan.http://en.wikipedia.org/wiki/Sleepless_in_Seattle
7. Run Away Bride
Hindi ko alam kung bakit type ko ang pelikula na ito. siguro dahil medyo nakakarelate ako. Not that na nag-iiwan ako ng lalaki sa altar ha. http://en.wikipedia.org/wiki/Runaway_Bride_%281999_film%29


6. My Best friend Wedding
Hindi halatang paborito ko si Julia Roberts. Malungkot pa rin akong hindi sila nagkatuluyan ng bestfriend niya sa movie.  http://en.wikipedia.org/wiki/My_Best_Friend%27s_Wedding

5. Two Weeks Notice
Paborito ko si hugh Grant at Sandra Bullock at kitang-kita ang chemistry nila sa pelikulang ito. Ano ba ang mangyayari kung magtatagpo ang isang ultra rich businessman at isang aktibistang abogado? http://en.wikipedia.org/wiki/Two_Weeks_Notice

4. The Wedding Singer
Ang saya ng pelikulang ito. It was produced ahead of its time. Isang musical romantic comedy na ginaya ang mga icons ng 80's pero ipinalabas ang pelikula noong late 90's. Madalas kasi puro crude comedy ang ginagawa ni Adam sandler ito siguro yung una niyang movie na super wholesome siya. And as usual ang husay ni Drew Barrymore. http://en.wikipedia.org/wiki/The_Wedding_Singer

3. When Harry Met Sally
An unlikely couple. Masaya ang palitan ng linya ng mga characters sa pelikulang ito. kahit hindi kaguwapuhan si Harry played by billy crystal at isa rin siyang playboy sa pelikula na ito naniwala akong bagay pa rin sila ni Sally http://en.wikipedia.org/wiki/When_Harry_Met_Sally....

2. WhileYou were Sleeping
Gustung-gusto ko ang pelikula na ito dahil ang husay ni sandra bullock dito. Ito ang nagpapatunay kung bakit siya ang reyna ng romcom. http://en.wikipedia.org/wiki/While_You_Were_Sleeping

1.   i'm going to leave this blank

Magrekomenda rin kayo ng mga paborito ninyo.Matagal na rin kasi akong di nakakapanood ng rom-com.

Wednesday, August 1, 2012

Wow August na Pala

Masaya akong tapos na ang buwan ng Hulyo. Ewan ko ba at naging theme yata ng July eh Drama Queen romzz. So I'm hoping August is going to be better... no more drama.


Dahil walang magawa tiningnan ko ang stat ko. May mga keywords pala doon.At ito ang mga keywords na ginamit para makarating sa blog ko.

bin laden turban
site:risingtaste.com
suwerte sa sugal
but meron kasi akong paniniwala
facebook call center sumuka ng dugo
mahal kita aking kaibigan
mini skirt fit
ng ilang online
sa terror
"her from drowning"

Anim na beses ginamit na keyword yung binladen turban. May naalala naman akong entry tungkol kay bin laden at ang fascination ko sa kanyang maputing turban. Ang hindi ko lang alam meron din palang ibang tao na parehas kung mag-isip at fascinated din sa turban ni Osama. I doubt kung nakita nila ang hinahanap nila sa aking blog. Wala naman yata akong useful information na nilalagay dito. Puro aning-aning lang depende sa mood.

Facebook call center sumuka ng dugo parang headline lang sa tabloid     

Anyways kung ano pa man ang mga hinahanap ninyo sa buhay... online man o sa tabi-tabi. Sana mahanap niyo at pag nakita nyo na ay magdala sa inyo ng life long happiness na sana ay madala nyo rin sa kabilang buhay.

O di ba happiness na uli ako.