Tuesday, June 26, 2012
Pangatlong Nobela
Pangalawa to sa nagawa ko pero pangatlo sa narelease. Available na ito sa precious store at kung nakatira kayo sa QC malamang nasa NBS na rin ito. Lagi kasi akong nasasabihan na hindi pa nga raw available sa ibang NBS branches yung libro. Hintay-hintay lang.Available din siya online.
By Maria Rome
Kahit pansamantala lang ang pag-ibig nito sa kanya ay makikipagsapalaran na siya.
Ang gusto lamang ni Beatriz ay ang mapansin siya ni Aaron, ang kanilang school librarian, kaya nagawa niyang bumili ng gayuma at binalak gamitin iyon dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkakamaling nagawa. Imbes kasi na si Aaron ay iba ang nakainom niyon—si Sid, ang rakistang numero unong kinaiinisan niya.
Dahil sa bisa ng gayuma kaya walang ligoy na nagpahayag ito ng pag-ibig sa pamamagitan ng kanta. Kahit pinigilan niya ang kanyang sarili ay nahulog pa rin ang loob niya rito. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang lahat sa kabila ng pagkakamali niya. Ngunit nagkamali siya. Nang hulog na hulog na siya rito ay saka naman niya nalaman na hindi naman pala totoo ang gayuma. Niloloko lang pala siya ni Sid.
Saturday, June 23, 2012
Eat Bulaga at Miami Heat
Ang daming nangyari kahapon. Pumunta kami sa EB at nanalo kami sa Wave,Wave, Wave \Win win Win. Kaliwa kanan kaliwa kanan. Kami ang nanalo kaya may libreng EB shirt. Yung sister ko nabunot kaya nanalo siya ng 10 k kaya ayon nalibre ako ng pansit palabok na medyo kulang sa alat.
Sayang wala si Bossing Vic Sotto perodahil nandoon ang idol kung si Joey De Leon happy na rin ako. Kapagod nga lang. Masaya pala talagangmaging live audience. Minsan nga makaulit nang makakuha uli ng libreng t-shirt.
Pag-uwi ko nakita ko naman sa news na umiiyak sa sobrang tuwa si Lebron James. Heat na pala ang bagong NBA Champion. Hindi naman ako nasorpresa dahil sa experience pa lang lamang na sila. Masaya ako para kay LBJ, di ba parang friends langkami. At siyempre kahit late at pagod sa biyahe pinanood ko parin yung replay nung game. Nagulat ako ang laki ng lamang.
Hindi ako fan ni Lebron kasama ako sa maraming fan ng basketball na nayayabangan sa kanya pero ako kasi yung tipo na kahit hindi ko gusto ang ugali mo pero kung magaling ka sa trabaho mo you will still get my respect. Hindi naman siya magiging ganoon kagaling kung hindi mataas ang level ng work ethics niya. Talent can only get you so far.
Gusto ko rin yung interview nya. Sinabi niya yung about going back to basics. Inamin niya kasi na last season he played with a lot of hate at yun din siguro ang napansin ko sa kanya.He wanted to prove his critiques and bashers wrong by winning a Championship. Nawala na tuloy yung focus niya or yung totoong dahilan kung bakit siya naglalaro ng basketball at iyon ay dahil he loves the game mula noon hanggang ngayon. At yon ang ibinalik niya sa paglalaro niya ngayon. This season he improved his overall game he also made his teammates better by sharing the ball more.
Nasabi niya minsan sa interview na in case hindi sila manalo ng championship this season ay okay lang sa kanya that it should not really be consider a failure. And I agree dahil iisa lang naman kasi ang nananalo basta alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung lahat ng makakaya mo sa mga oras na yon then that can be consider a success already.
So with that Congrats Miami at sana next season yung paborito ko namang team ang manalo ng Championships, ang New york knicks ang tagal na eh.

Monday, June 11, 2012
Pangalawang nobela
Ito na yung second baby ko. Tungkol sa first love, highschool life at kung ano pang anik-anik. Pink talaga ang kulay ng cover at nakahiga na naman ang dalawang nagmamahalan.
Forever In My Heart
By Maria Rome
“We have a lifetime ahead of us at sisiguruhin kong magagandang memories ang mabubuo natin.”
Si Alfred ang unang pag-ibig ni Carla, ngunit nabigo siya. Pagkalipas ng ilang taon, nagkrus uli ang mga landas nila. Ang akala niya, nakalimutan na niya ang damdamin niya rito ngunit hindi pala. Kaya lang ay huli na ang lahat dahil may kasintahan na ito—si Maxene.
Isang araw ay nagulat siya nang kausapin siya ni Maxene. Willing itong ipaubaya si Alfred sa kanya kapalit ng isang pabor—ang matupad ang pangarap nito na mapabilang sa mga modelo ng isang sikat na fashion designer na kaibigan niya. Tinanggap niya ang deal hindi lang upang magkaroon siya ng chance na makasama uli si Alfred kundi dahil, naniniwala rin siya na hindi karapat-dapat si Maxene para kay Alfred dahil handa nitong ipagpalit si Alfred sa pangarap nito.
Ngunit mukhang ang second chance na ibinigay sa kanya ay walang saysay dahil sa huli ay nakita niyang na-confuse lang si Alfred. Ramdam niya na mahal nito si Maxene. Ang masakit, mukhang nagbago na ng isip si Maxene.

Please grab a copy. Available na siya sa precious store at sa mga selected NBS store. Yung loving Anne wala pa daw sa NBS sabi nung kapatid ko. ewan ko lang dito kakarelease lang kasi nito eh .
Tuesday, June 5, 2012
Unang nobela
Loving Anne
By Romalyn
“Please give me a chance na sabihin at iparamdam sa `yo na mahal na mahal kita.”
Thirty is the new twenty.
Minsan lamang nailang si Anne na sabihin ang edad niya—at iyon ay kay Paolo.
Sa pagpunta niya sa dating tahanan nila sa Laur ay nakilala niya si Paolo. She was impressed by his character. At ang puso niyang nasawi na minsan ay ayaw ngayong magpaawat sa pagkahulog kay Paolo.
Ngunit kung dati ay nasa ayos ang lahat, sa muling pagkikita nila ay hindi na sila puwedeng magsama. It was all kept in secret dahil hindi kaya ni Anne na husgahan siya ng mga kakilala, she was a respected woman.
Nang umalis si Paolo ay hindi niya napigilan ang magalit sa sarili. Kung kailan kaya na niyang ipakilala ito sa lahat, saka naman ito biglang nawala.

Available na ito sa mga PHR Stores at mga selected national bookstore.
Oo nga pala sa Dream Love Romalyn ang pen name ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)