Friday, May 25, 2012

May Post



Kulang na talaga ako sa imagination pero dahil isang beses isang buwan na lang ako makapag-update I guess a simple title is apt.
Unlike last month may maganda naman akong rason kung bakit hindi ako nakapag-update ng blog ko. Una wala akong internet connection dalawang linggo na at pangalawa nagkaroon akong stiff neck. Actually meron pa rin akong stiff neck hanggang ngayon. Hindi ko na nga siya natiis kaya nagpatingin ako sa doctor at iyon under medication ako at medyo groggy pa. medyo may katapangan din yung gamut nangangasim din ang sikmura ko. But enough of my bodily pain may mga positibo din namang nangyari this month. Nakaattend ako sawriting summer workshop na inisponsor ng PHR para sa mga baguhang writer ng romance.Masaya  siya maraming food ang nakapanghihinayang lang eh wala ang favorite PHR writer ko na si RoseTan . sa mga hindi nakakaalam siya yung writer ng bud brother series na pinalabas noon sa channel2. Rose tan is the queen of romance comedy. Siya lang yata ang writer na kayang magpatawa and at the same time magpakilig. She’s also known forgiving her heroine weird names, yung huling natatandaan ko eh Petunia at Rigor Mortiz pero mas marami pang weirdong name ang nagawa niya.Sa kanya rin ang senorita series na halos lahat yata ng heroine eh brat at pasaway pero endearing pa rin.
Sa mga gusto naman ng straight hardcore romance siympre si Martha Cecilia na ang bida dyan.Kinolekta ko rin ang Kristine series niya before hanggang ngayon naman eh ongoing pa rin ang series pero hirap kumpletuhin kaya ayon nag-give-up na rin ako.Sa mga nakapanood ng palabas sa TV nung series malapit naman ang story pero iba pa rin talaga kapag binasa. Larger than life kasi ang mga fortalejo men. Kailangan niyong basahin para maunawaan nyo ang ibig kung sabihin. In any case Masaya akong maging writer para sa PHR enjoy ako sa pagsusulat ng romance at inspirasyon ko sina Rose Tan at Martha. Sana makilala ko sila minsang pagpunta ako uli sa PHR lalo na si Rose Tan wala talaga akong idea kung ano ang itsura niya. 

 Sa ngayon may mga approved na akong nobela (3 to be exact at may mga pending pa) yun nga lang wala pang narerelease. Medyo naiinip na nga rin ang beauty ko pero willing pa rin naman akong maghintay.Ang pen name ko nga pala eh Maria Rome sila ang nag-isip niyan para sa akin. Hindi ako masyadong magkukuwento tungkol sa workshop medyo bawal at baka may maisulat pala akong di puwedeng ilabas. Sige exit na ako at ipapahinga ko muna tong leeg kong pasaway.