Kailangan kung magpost na kahit isang entry bago pa man matapos ang April. Medyo napariwara kasi ako this past few weeks kaya ayon hindi nakapagsulat . Masyado rin akong naobssessed kay Jeremy Lin na kung hindi pa siya nainjure malamang ay hanggang ngayon ay pinapanood ko pa rin highlights ng mga games niya vs whatever team. Linsane na linsane talaga ako.
And yes bumili na ako ng bagong keyboard kaya gumagana na uli ang aking ENTER key. Yehey!!!!
Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na mapublished yung romance novel na sinulat ko para sa PHR. Last year pa yon nakapasa pero hanggang ngayon nasa kamay pa rin ng mga editors ko. Bayad naman na yon kaya okay lang. Tsaka talagang enjoy ako sa pagsusulat ng mga stories. Masakit sa ulo minsan dahil may mga time na kahit mahigit isang oras na akong nakaharap sa monitor wala pa ring napipiga sa utak ko. MAy kabagalan talaga akong magsulat kasi ako yung tipong nilalaro ko muna sa utak ang mga characters ko. Kinakausap sa isip ko. Ginagawan ko sila ng resume, slumbook at siyempre facebook account. Napapanaginipan ko pa nga minsan.
And speaking of panaginip. Napanaginipan ko na hinahabol ako ng isang serial killer na bata. Actually matanda na yung killer pero may sakit siya na hindi siya tumatanda. So basically he is 30 year old killer na mukhang 10 years old. Pinatay niya lahat ng mga kabatch ko sa elementary kasi nga binully siya noon. At ako na lang ang natitira niyang target. Sinakyan ko yata lahat ng mode of transpo sa panaginip na yon maliban sa helicopter. Ang hindi ko lang matandaan eh kung namatay ba ako. Ang natatandaan ko lang eh i've decided na harapin siya sa dulo para makapagtuos na kami dahil pagod na akong tumakbo.
Wala ako sa sarili ngayong araw na ito kaya pasensya na kung parang scattered brain lang ang post na ito. Next time i will call on my organized self para mas maging coherent ang mga entries ko. Ang init ng panahon lumalabas ang pagiging Aspie ko.
PS
Oo nga pala maganda daw ang Avenger sabi ng kapatid ko. Hindi ko pa siya napapanood dahil lagi naman akong huli sa panonood ng sine ayoko kasing nakikipagsiksikan.