Tuesday, February 12, 2013

Destiny ba kamo????

May mga nagtanong sa akin before kung naniniwala daw ba ako sa destiny?At mala forrest gump siyempre ang sagot ko puwedeng Oo at puwedeng hindi. In other word hindi ako sure.

 Sa karamihan kasi kapag tinawag na destiny madalas associated siya sa soulmate at true love. Yung iba naman tinitingnan ang destiny bilang isang turning point kung saan malalaman mo kung ano ba talaga ang purpose mo dito sa mundo.

I use to hate the term destiny or fate or anything to do with not being in control. Kasi thats what it is naman talaga something you can't control. Kasi tayo bilang tao gusto natin na tayo ang may hawak ng buhay natin. Bakit pa ba tayo nabigyan ng freewill kung hindi natin gagamitin di ba? Pero kung tutuusin naman talaga maraming bagay sa mundo na hindi natin puwedeng kontrolin kahit umiyak pa tayo ng bato. Una ang ating kapanganakan at siyempre kamatayan. Hindi ko na talaga masyadong pinapansin ang dalawang bagay na yan. Minsan nga kapag tinatanong kung ilang taon na ako kailangan ko pa talagang mag-isip at magcompute. Minsan nakakalimutan kung birthday ko nga pala.

Sa kamatayan naman lagi kung naaalala si Kurt cobain at ang kanyang suicide note na may linyang it's better to burn out than to fade away. Buti na lang isa akong absurdist kung saan naniniwala akong hanggang sa mamatay ka eh hindi mo naman talaga malalaman ang totoong purpose mo dito sa mundo o kung meron nga ba. Pero dahil pinanganak ka na rin lang eh lubus-lubusin mo na. Gawin mo ang gusto mo hanggang sa dulo ng buhay mo and maybe just maybe you'll get close to that answer you are looking for. Hindi na masama.

Isa pa palang maituturing na destiny ng tao eh ang magmahal. Kahit gaano tayo kasama at kahit pinagsamang Hitler at Binladen ka pa siguradong magmamahal at magmamahal ka. Human nature yan na hindi puwedeng takasan. Ang hindi ko pinaniniwalaan eh ang soulmate dahil ang pakikipagrelasyon eh isang malaking trial and error.

Kaya nga bihirang nakakatuluyan mo ang first love mo dahil doon sandamakmak na error ang magagawa mo. Dun sa pangalawa naman dahil feeling mo marunong ka na nagiging over-confident ka naman. Nakalimutan mo na kumplikado ang tao at ang mga natutunan sa una mong relasyon eh hindi naman pala applicable dun sa pangalawa. Dun naman sa pangatlo puwedeng nandoon na yung medyo jaded ka na at kaya ka lang nakikipagrelasyon eh dahil ayaw mo lang mag-isa.

Ang dami pang ibang factors katulad ng edad, background, education at kung anu-ano pang puwedeng makaapekto sa relasyon. Pero ang patutunguhan lang niyan eh ang kahandaan mo sa isang matagalang relasyon ay base sa lalim ng maturity mo at hindi dahil sa nakilala mo na ang soul mate mo. Kaya nga may mga relasyon na hindi nag-work ten years ago pero nang magkita uli sila ay mas nagiging maayos na ang relasyon nila. Destiny ba yon?... I think its more on maturity and learning to accept things na hindi mo kaya noong isip bata ka pa.

So Destiny ba kamo?? I think its a good plot for romance novels.



No comments:

Post a Comment