Sisimulan ko ito by saying na sa pirated ko lang siya napanood dahil na pull out agad yung pelikula after two days of showing. Si mother dearest and bumili ng pirated DVD ng mga filmfest entry at dahil doon yung type muna niya ang pinanood namin... yung Sisterakas. After mga 20 minutes wala pang natatawa sa amin nagsuggest ako puwede ibang entry na lang? walang tumutol. Sorry ang ngetsas nung pelikula.
Ang kapatid kung buntis gusto mga horror so sabi ko yung strangers may nabasa akong magandang review. So yun ang sumunod. This time natapos namin. Medyo nabore ako pero yun ay dahil sa hindi talaga ako fan ng horror. Base na rin sa reaksyon ng kapatid ko OKAY yung pelikula. Hindi siya natawa unlike doon sa Corazon na inakala ko talaga nanonood siya ng comedy dahil nung lumabas ako ng kuwarto tawa siya ng tawa.
So sa wakas napagbigyan na ang buntis its my turn to watch the movie na gusto ko. Pero dahil late na hindi na kinaya ng powers nila manood pa ng THY WOMB. Ako ang natirang nakaglue sa TV. Aminado ako super fan ako ni Nora Aunor. Ewan ko ba mula nung mapanood ko siya sa HIMALA isang mahal na araw nung elementarya pa ako amazed na amazed na ako sa husay niya. At dahil angdaming nagsabi ang husay niya sa Thy womb its a must see for me kahit pirated pa yan.
Maganda yung quality ng video at audio kaya masaya ako. Sana hindi ako hulihin ng OMB. Huwag kayong mga-alala bibilhin ko yung original kapag lumabas na sa market yung dvd copy.
Lets start with the story...
Kuwento ito ng isang kumadrona played by Nora Aunor na ironically hindi magkaanak kaya humanap siya ng second wife para sa kanyang husband played by Bembol Roco. Dun basically tumakbo ang kuwento from start to finish. Walang twist dito, walang happy ending at lalong walang himala.
The movie is as mundane as everyday life dahil literal nitong pinakita ang buhay ng mga Badjao sa Tawi-Tawi. Pakiramdam ko nga nanonood ako ng documentary. At dahil puro tubig at dagat ang nakikita ko medyo narelax ako while watching the film.
Ang ginagawa ni Nora sa pelikula kung hindi naglalakad eh nagsasagwan. Halos walang dialogue at kung meron man napakasimple. Either bumabati lang siya sa mga nakakasalubong o nagtatanong ng direksyon. The movie was so quiet it was beautiful. Yes i said it ang ganda niya. So umpisa parang sumunod lang ako sa agos nakikiusyoso sa kultura ng mga Badjao, naaamazed sa ganda ng dagat at nacurious sa paraan ng paghahanap ng mapapangasawa.
Uso kasi sa kanila ang Dowry at dahil isa lang namang simpleng kumadrona si Nora at Mangingisda si Bembol talagang it took all their life savings pati ang source nila ng income para makapagbayad sila ng dowry sa pamilya ng magiging second wife ni bembol played by Lovie Poe. medyo naexcite pa nga ako dun sa pagkikita nung tatlo kasi parang si Nora pa ang mas pursigido na makapag-asawa na si Bembol. Siya ang naghanap ng babae, nag-asikaso ng dowry, humanap ng negosyador at nandoon din siya sa pamamanhikan. Sa dulo ko na lang talaga narealize kung gaanong kabigat na sakripisyo ang ginawa niya para sa kanyang asawa. Kung doon sa movie na One More Try eh mahirap nang ishare ni Angleica ang asawa niya for one night sa isang babae imagine mo kung anong sakit ang nararanasan ni Nora sa Thy womb. Not only will you be sharing your husband sa isang babaeng mas maganda at mas bata araw-araw pa nitong ipapaalala sayo ang kakulangan mo bilang babae. Kahit sabihin pang normal sa isang Muslim ang mag-asawa ng 2 or more masakit pa rin yon. At kita ko lahat ng sakit ng yon habang nakatingin si Nora kay Lovie nung araw ng pamamanhikan. Nakangiti siya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi naman ako magalit kay Bembol sa pelikula dahil mabuti siyang asawa kay Nora. isang beses lang niyang namention na gusto niyang magkaanak. Sinasamahan pa niya si Nora sa pagpapaanak, sa pamamlengke, sa pagtitinda ng isda. Tumutulong din siya sa paggawa ng banig. Binibigyan din niya ng regalo si Nora. At alam mo na ang dahilan lang talaga niya sa paghahanap ng pangalawang asawa (na tanggap naman sa kultura nila) ay dahil sa talagang sabik siyang magkaanak. You cant fault a man for that.
yung huling 15 minutes nung pelikula ang pinakamalungkot. Sa sobrang lungkot napaiyak ako ng todo. Mas marami pa yata akong niluha kesa sa mga bida nung pelikula. Infact Nora didnt shed a single tear. Walang oras na nagkaroon ng komprontasyon. Walang mga one-liner. Kaya nga ang bigat niya sa dibdib dahil mas maliwanag pa sa araw na mawawala na sa kanya ang lahat pero hanggang sa dulo nakangiti lang siya. Hindi nagsasalita dahil ayaw na niyang madagdagan pa yung pagkalito ng loob ni Bembol. Hindi naman manhid si bembol alam niya na nasasaktan si nora. But of course they never talked about it. They know na kailangang magsakripisyo para makuha ang matagal nang inaasam.
So bago pa man ako tuluyang maiyak dahil na naman sa lungkot sana mapanood nyo ang pelikulang Thy Womb. Ito ang nagpapakita ng totoong depinisyon ng true love at ultimate sacrifice.
Kinilabutan ako sa review mo. Sobrang interesting nung movie. Makapagdownlpad na nga. :-D
ReplyDeletehindi kita agad nabati sayong pagbabalik. Enjoy
Delete