Tuesday, January 15, 2013

Pang-apat na Nobela

Topsy-turvy Love
By Maria Rome
Tapos na ang role niya sa buhay nito. Isang extra na nangarap na ma-promote bilang bida.


Pasaway, sakit sa ulo, malas, at walang fashion sense. Ganoon inilalarawan si Alice ni Atty. Andrew Villanueva. Pero kahit masungit sa kanya ang abogado, tuwing nalalagay siya sa alanganin ay lagi naman siyang tinutulungan nito. Naisip niya tuloy na baka may pagtingin ito sa kanya kaya lakas-loob siyang nagtanong dito. “May gusto ka ba sa akin?” Nauwi iyon sa isang malaking kahihiyan at sama ng loob.
Two years later, nagtagpo uli ang mga landas nina Alice at Andrew. Pero ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil best man ang papel ng abogado sa nakatakdang kasal ni Alice sa pinsan nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mukhang tutol na tutol si Andrew sa kasal.
Ang problema, wala naman talagang kasal at ang lahat ay palabas lamang niya at ng pinsan nito. Galit pa naman si Andrew sa mga sinungaling. Ang isa pang dilemma niya, mukhang nahuhulog na naman ang puso niya sa abogado. Paano kung malaman na nito ang totoo? Mauuwi na naman ba ang lahat sa pagiging brokenhearted niya?


Konting background.

 Ang inspiration ng nobelang ito eh ang Alice in Wonderland ni Tim Burton. Naisip ko kasi na medyo timid at laid back si Alice dun sa movie kumbaga kulang sa emosyon. Pero sabagay kung emotional nga naman siya baka hindi niya magawang patayin yung dragon o malamang magfreak out na siya pagkakita pa lang sa mga pugot na ulo na nakalutang. 

Sa nobelang ito makikita nyo yung version ko ni Alice, medyo perky, masayahin at adventurous. Hindi nga lang siya papatay ng dragon sa story na ito. Papaibigin lang niya si Atty. Andrew na human at hot version naman  ni Mr. White Rabbit.

No comments:

Post a Comment