I'm a reality TV show fan at halos lahat ng mga nafranchise na mga reality eh pinanood ko survivor, PBB, PGT, Philippines Idol. Of course its only apt that i get a bit excited about the biggest loser Pinoy Edition and i guess we all know what this show is all about. Pinalabas siya last night supposedly 12 lang ng contestants but since there are many who want to join they've decided to add 2 more so siyempre they have to earn the spot. Long story short naging 14 na nga sila.
I think its going to be one of my favorite dahil bukod sa nandoon si Derek Ramsey na super type ko noon pa the contestants even though struggling with weight issues are quite likable. You definitely want to root for them and I mean lahat sila. Unlike sa ibang reality competition where sa una pa lang eh may type kana dahil maganda o guwapo ang contestant or dahil they are the most talented or dahil pinakamaganda ng personality. In this particular show I want all of them to win because I knew their motivation is not money or to be famous. Its something deeper.
Aminin na natin walang gusto na maging mataba. Those people na mataba at sinasabing they are happy about their body and embracing their love handles and curves are either lying to themselves or just gave up long time ago.
Sino ba naman ang magiging masaya na pag pumunta ka sa mall at nakakita ka ng isang damit na type mo automatic ka nang magtatanong sa sales lady may double xl ba nito? And chances are wala.
Or kung sumasakay ka sa jeep na punuan at masama ang tingin sayo ng driver dahil ginawa mo na lang pituhan ang dapat ay waluhan. Pero siyempre ipipilit pa rin niya ang waluhan walang pakialam kahit matagalan ang hintayan at sobrang sikip na. This time ang ibang pasahero naman ang medyo masama ang tingin sayo dahil ikaw ang nagpasikip ng buhay nila.
So I admire those contestants dahil inexposed nila ang less than pleasing overweight body nila at malamang their other emotional issues na kasing bigat din ng katawan nila.
Lahat naman tayo may kanya-kanyang way to adapt sa mga emotional struggle. Masuwerte yung outlet ng iba eh maganda like music or art o kaya travel ofcourse may mga nega din like bisyo in some cases sobrang pagcocomputer at siyempre sa mga katulad kung overweight eh pagkain. So I would assume itatackle yon sa show dahil may resident psycholoigist sila doon.
Good luck sa mga contestants and I hope lahat sila pumayat pero hindi naman ala Kim Chu sobrang payat na yon.
No comments:
Post a Comment