A decade ago yata eh pinanganak ang GLOBALIZATION kung saan iniemphasize ang free trade, kasama din doon ang ibang tion... liberalization, privatization at deregulation. Dahil bago everyone got their opinion tungkol dito at ang mga estudyanteng katulad ko eh kawawa dahil ito yata ang laman ng bawat assignment at project. Ginagamit din itong theme sa mga school program at seminars.. TOWARDS globalization. And i was sick of the word. Buti na lang huminto na rin.
Isa pang term na parang gusto kung sumigaw at mainis kapag naririnig ko eh ang global warming. Pinapanood sa akin ang inconvenient truth and suddenly everyone wants to Go Green hindi naman masama yon infact its good that people are becoming more aware of our environment. Pero sabi nga ng prof ko dati its not about saving the earth. the earth will still be around for million or billion of years more masira man nang tuluyan ang ozone layer at tumaas man temperatura ng doble sa normal. Its us human who wouldn't survive ala dinosaur. The earth will adapt tayo ang hindi so stop about the hypocrisy of saving the earth its about saving our own human butt.
At ngayon ang kinakainisan ko eh ang RH Bill na yan Hindi dahil anti ako. I'm always pro choice... the more choices the better yon ang pilosopiya ko. Ang kinakainisan ko eh issue na to last election pa actually panahon pa yata ni flavier eh issue na ang contraception nagretire na lang siya sa gobyerno eh ito pa rin ang pinag-uusapan. I know its controversial pero naman this is so two years ago and they are still debating over it???
Mga congressmen may rason why tinawag kayong mga representatives kung nakalimutan nyo aside from authoring laws na hindi naman maimplement ng maayos its also your job to represent the voice of your people meaning yung distrito nyo. So do your job ask your constituents kung like ba nila ang RH bill and then vote base sa gusto ng mga kadistrito nyo. Moral dilemma my ass...
Nililipat ko na nga ang channel kapag ito ang pinag-uusapan. Hindi ko maubos maisip kung paanong ipinagbabawal ng Diyos ang contraceptives samantalang wala pa naman noong ganun nung panahon ni Kristo. Puwede ba sa ibang mga Pro and anti RH don't pretend that you know God's will because its sickening. When God said humayo kayo at magpakarami si Adam at Eve pa lang ang tao noon two freaking people alangan sabihin ni God na magpatayan kayo at mag-agawan ng teritoryo... later na lang yun nung panahon nung mga Hudyo at kinukuha na nila ang Israel sa mga Palestines.
Kung hindi yan pinagbabawal sa ten commandments then why should people lose sleep over it. And dont say na it violates the fifth commandments. Saying na kalevel ng Ampatuan at iba pang murder suspect ang mga gumagamit ng pills at condoms is just plain annoying and makes me wanna slap someone.
Tapos na to.....
PS: RH is not just about contraceptives.
wow...one of the great article na nabasa ko sayo..di ko tuloy nakapagpigil mag comment..proRHbill ako, thanks for sharing your thoughts about this...nadagdagan reasons ko kung bakit dapat maisabatas yan..
ReplyDelete