Medyo magiging busy ako this month kaya malamang hindi ako masyadong makapagblog. Ilang Linggo na rin akong hindi nakakapagfacebook (congrats sa sarili ko) kaya ito kahit madalas akong nasa harapan ng computer puro pagsusulat lang ang ginagawa ko. Medyo nag-aalala na nga sa akin ang aking nanay dahil hindi na nga ako nasisikatan ng araw pero kahit noon naman kinakatamaran ko na ang paglabas labas. At mula yata nung naggraduate ako eh puro panggabi naman ang trabaho ko pero ito medyo negrita pa rin.
Halos isang buwan din akong araw-araw eh nagsusulat ng romance novel. Nakadalawang story na ako at pareho ko na siyang naipasa sa precious hearts romance (PHR). Yung una kung nobela eh for revision which is okay naman dahil unang gawa ko naman yon atleast hindi binalik ng totally rejected. Narevise ko na sya at I'm waiting sa approval or another revision. Yung pangalawa naghihintay din ako ng feedback mula sa editor. Usually 2-4 weeks bago sila magsend ng email. Sana maaprubahan pareho dahil highschool pa lang akogusto ko nang makapagsulat ala Helen Meriz, Rose Tan at Martha Cecilia.
So habang naghihintay I'm working on my third Manuscript at magbabalik uli ako sa online writing at kapag may oras pa eh sa pagsusulat ng abstract. Kapag siguro mas naging regular ang kita ko rito hindi na ako kukulitin ni mother na bumalik sa call center. Naiintindihan ko naman yung takot niyang walang security kapag hindi ka yung regular na employee but there are things you need to do para magawa mo yung matagal mo ng goal.
Hindi kasi ko magaling mag-multi task. Kung hindi magkalinya ang ginagawa ko talagang hirap ako. I can probably get by but one task has to suffer in quality. When i was still in the call center industry talagang hindi ako makapagsulat ng maayos. Paano ka naman makakapagsulat ng puyat, stressed at masakit ang mata.
Oh well kapag okay na yung MS na pinasa ko tsaka na lang ako magpopost ng bago. Goodluck sa lahat at sana matupad nyo ang mga gusto nyo sa buhay, kung ano man yon.
Roma, anong req para magpasa? Ilang pages? Ilang chapters? At magkano ang bayad sayo kapag ok?
ReplyDelete