Sisimulan ko ito by saying na sa pirated ko lang siya napanood dahil na pull out agad yung pelikula after two days of showing. Si mother dearest and bumili ng pirated DVD ng mga filmfest entry at dahil doon yung type muna niya ang pinanood namin... yung Sisterakas. After mga 20 minutes wala pang natatawa sa amin nagsuggest ako puwede ibang entry na lang? walang tumutol. Sorry ang ngetsas nung pelikula.
Ang kapatid kung buntis gusto mga horror so sabi ko yung strangers may nabasa akong magandang review. So yun ang sumunod. This time natapos namin. Medyo nabore ako pero yun ay dahil sa hindi talaga ako fan ng horror. Base na rin sa reaksyon ng kapatid ko OKAY yung pelikula. Hindi siya natawa unlike doon sa Corazon na inakala ko talaga nanonood siya ng comedy dahil nung lumabas ako ng kuwarto tawa siya ng tawa.
So sa wakas napagbigyan na ang buntis its my turn to watch the movie na gusto ko. Pero dahil late na hindi na kinaya ng powers nila manood pa ng THY WOMB. Ako ang natirang nakaglue sa TV. Aminado ako super fan ako ni Nora Aunor. Ewan ko ba mula nung mapanood ko siya sa HIMALA isang mahal na araw nung elementarya pa ako amazed na amazed na ako sa husay niya. At dahil angdaming nagsabi ang husay niya sa Thy womb its a must see for me kahit pirated pa yan.
Maganda yung quality ng video at audio kaya masaya ako. Sana hindi ako hulihin ng OMB. Huwag kayong mga-alala bibilhin ko yung original kapag lumabas na sa market yung dvd copy.
Lets start with the story...
Kuwento ito ng isang kumadrona played by Nora Aunor na ironically hindi magkaanak kaya humanap siya ng second wife para sa kanyang husband played by Bembol Roco. Dun basically tumakbo ang kuwento from start to finish. Walang twist dito, walang happy ending at lalong walang himala.
The movie is as mundane as everyday life dahil literal nitong pinakita ang buhay ng mga Badjao sa Tawi-Tawi. Pakiramdam ko nga nanonood ako ng documentary. At dahil puro tubig at dagat ang nakikita ko medyo narelax ako while watching the film.
Ang ginagawa ni Nora sa pelikula kung hindi naglalakad eh nagsasagwan. Halos walang dialogue at kung meron man napakasimple. Either bumabati lang siya sa mga nakakasalubong o nagtatanong ng direksyon. The movie was so quiet it was beautiful. Yes i said it ang ganda niya. So umpisa parang sumunod lang ako sa agos nakikiusyoso sa kultura ng mga Badjao, naaamazed sa ganda ng dagat at nacurious sa paraan ng paghahanap ng mapapangasawa.
Uso kasi sa kanila ang Dowry at dahil isa lang namang simpleng kumadrona si Nora at Mangingisda si Bembol talagang it took all their life savings pati ang source nila ng income para makapagbayad sila ng dowry sa pamilya ng magiging second wife ni bembol played by Lovie Poe. medyo naexcite pa nga ako dun sa pagkikita nung tatlo kasi parang si Nora pa ang mas pursigido na makapag-asawa na si Bembol. Siya ang naghanap ng babae, nag-asikaso ng dowry, humanap ng negosyador at nandoon din siya sa pamamanhikan. Sa dulo ko na lang talaga narealize kung gaanong kabigat na sakripisyo ang ginawa niya para sa kanyang asawa. Kung doon sa movie na One More Try eh mahirap nang ishare ni Angleica ang asawa niya for one night sa isang babae imagine mo kung anong sakit ang nararanasan ni Nora sa Thy womb. Not only will you be sharing your husband sa isang babaeng mas maganda at mas bata araw-araw pa nitong ipapaalala sayo ang kakulangan mo bilang babae. Kahit sabihin pang normal sa isang Muslim ang mag-asawa ng 2 or more masakit pa rin yon. At kita ko lahat ng sakit ng yon habang nakatingin si Nora kay Lovie nung araw ng pamamanhikan. Nakangiti siya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi naman ako magalit kay Bembol sa pelikula dahil mabuti siyang asawa kay Nora. isang beses lang niyang namention na gusto niyang magkaanak. Sinasamahan pa niya si Nora sa pagpapaanak, sa pamamlengke, sa pagtitinda ng isda. Tumutulong din siya sa paggawa ng banig. Binibigyan din niya ng regalo si Nora. At alam mo na ang dahilan lang talaga niya sa paghahanap ng pangalawang asawa (na tanggap naman sa kultura nila) ay dahil sa talagang sabik siyang magkaanak. You cant fault a man for that.
yung huling 15 minutes nung pelikula ang pinakamalungkot. Sa sobrang lungkot napaiyak ako ng todo. Mas marami pa yata akong niluha kesa sa mga bida nung pelikula. Infact Nora didnt shed a single tear. Walang oras na nagkaroon ng komprontasyon. Walang mga one-liner. Kaya nga ang bigat niya sa dibdib dahil mas maliwanag pa sa araw na mawawala na sa kanya ang lahat pero hanggang sa dulo nakangiti lang siya. Hindi nagsasalita dahil ayaw na niyang madagdagan pa yung pagkalito ng loob ni Bembol. Hindi naman manhid si bembol alam niya na nasasaktan si nora. But of course they never talked about it. They know na kailangang magsakripisyo para makuha ang matagal nang inaasam.
So bago pa man ako tuluyang maiyak dahil na naman sa lungkot sana mapanood nyo ang pelikulang Thy Womb. Ito ang nagpapakita ng totoong depinisyon ng true love at ultimate sacrifice.
Monday, January 28, 2013
Tuesday, January 15, 2013
Pang-apat na Nobela
![]() |
| Topsy-turvy Love By Maria Rome Tapos na ang role niya sa buhay nito. Isang extra na nangarap na ma-promote bilang bida. |
Pasaway, sakit sa ulo, malas, at walang fashion sense. Ganoon inilalarawan si Alice ni Atty. Andrew Villanueva. Pero kahit masungit sa kanya ang abogado, tuwing nalalagay siya sa alanganin ay lagi naman siyang tinutulungan nito. Naisip niya tuloy na baka may pagtingin ito sa kanya kaya lakas-loob siyang nagtanong dito. “May gusto ka ba sa akin?” Nauwi iyon sa isang malaking kahihiyan at sama ng loob.
Two years later, nagtagpo uli ang mga landas nina Alice at Andrew. Pero ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil best man ang papel ng abogado sa nakatakdang kasal ni Alice sa pinsan nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mukhang tutol na tutol si Andrew sa kasal.
Ang problema, wala naman talagang kasal at ang lahat ay palabas lamang niya at ng pinsan nito. Galit pa naman si Andrew sa mga sinungaling. Ang isa pang dilemma niya, mukhang nahuhulog na naman ang puso niya sa abogado. Paano kung malaman na nito ang totoo? Mauuwi na naman ba ang lahat sa pagiging brokenhearted niya?
Konting background.
Ang inspiration ng nobelang ito eh ang Alice in Wonderland ni Tim Burton. Naisip ko kasi na medyo timid at laid back si Alice dun sa movie kumbaga kulang sa emosyon. Pero sabagay kung emotional nga naman siya baka hindi niya magawang patayin yung dragon o malamang magfreak out na siya pagkakita pa lang sa mga pugot na ulo na nakalutang.
Sa nobelang ito makikita nyo yung version ko ni Alice, medyo perky, masayahin at adventurous. Hindi nga lang siya papatay ng dragon sa story na ito. Papaibigin lang niya si Atty. Andrew na human at hot version naman ni Mr. White Rabbit.
Thursday, January 10, 2013
2 Weddings and then some photographs
Last December 27 ay nagpakasal na ang aking kaisa-isang kapatid na babae. And then last January 5 ang kapatid ko namang lalaki. Dahil magkaibang taon eh iwas sukob naman daw. Takot magaya kay Claudine at Kris sa movie.
At dahil nga nagpakasal na ang dalawa kung kapatid at ako na lang ang single sa amin siyempre ang tanong sa akin eh ikaw kailan magpapakasal? Ang sagot ko eh ngiti-ngiti na lang. Tutal naman nanggulat ang mga kapatid ko eh di gugulatin ko rin sila ng wala.
Namention ko rin na ayaw ko umattend ng mga occasion na required makitsika sa sobrang daming tao. But i love my sibling too much para mag-inarte. Ika nga its their day so no irrational social anxiety from me. Luckily i found a way to be there and at the same time avoid too much interaction.
Ako ang naging official photographer ng aming pamilya. Its perfect really. I get to be there and the only word na madalas ko lang sabihin eh say Cheese. Sapat na yon para sa kanila. No need to chika... without looking snobbish.
Ito na ang mga photos ng wedding ng sister ko

| nagpapaganda na ang bride |
| Venue at reception ng wedding |
| Ang bride at ang groom |
Ito naman ang sa kapatid kung lalaki.
![]() |
| simbahan ito ng San Vicente sa Binan |
![]() |
| Halata namang happy sila |
Sana pagdating nga aking mga pamangkin eh lalo silang maging masaya.
Monday, December 31, 2012
Happy New Year
I want to end the year right kaya ito nagsulat ako ng blog post.
I have to admit na 2012 is a turning point in my life. Marami akong nalaman at narealize tungkol sa sarili ko nitong taon na ito. When you have a lot of questions sa sarili and most of those questions are an unanswered its like a baggage sa utak na hindi maalis. So when the questions were finally answered mas naging magaan ang lahat, mas naging magaan ang pagdedesisyon sa buhay and actions made before eh may mga konkretong eksplenasyon na. To say the least it freed me from the past and made me look forward to a brighter future.
Sa darating na 2013 hindi pa rin mawawala ang aking kaweirduhan. Its part of who I am and in a way Im proud of it. I can honestly say I'm happy. Sa labas siguro and probably to the eyes of many hindi siya halata pero ang importante naman eh yung nasa kalooban ko.
So sa lahat i wish you happiness and peace of mind. Lahat tayo may mga dinadalang problema at mga tanong na maaring walang kasagutan in this lifetime but it should not prevent us from living the life we truly deserve. And we all deserve to be happy regardless of what we did in the past.
So with that Belated Merry Christmas and a Prosperous New Year to all of you!!!!!
Sunday, December 16, 2012
Wala lang
Napansin ko naka 27 blog posts na pala ako this year kasing dami na nang post ko last year. So naisip kailangan kung magblog before December 21 para naman siguradong malagpasan ko yung dami nang naipost ko. Pagpapatunay yon na medyo masipag ako this year as compare to last year at least sa blogging department.
Ang problema wala naman akong maisip i-blog. Wala naman kasing nangyayaring kakaiba sa buhay ko. Ayoko na rin namang magdrama at lalong ayokong magrant. magbibigay sana ako ng opinyon sa mga bagay-bagay na nangyari sa mundo katulad kung bakit natalo si PACMAN o kung bakit may mga taong baliw na magpapakamatay na lang nandadamay pa. Kaya lang hindi naman ako expert sa sports taganood lang, hindi rin ako psychologist at may sayad din ako. Hindi ko rin type magbigay sa ngayon ng mga love thoughts dahil hindi pa naman Valentines.
So wala lang para makaquota lang.
Ah wait meron nga palang nangyari. Magiging Tita na ako. Buntis ang sister ko at nakabuntis ang brother ko. Ikakasal na sila next year sa kanilang mga respective Jowa. So by 2013 ako na lang sa aming magkakapatid ang mananatiling single. I still have to think kung masaya ba ako sa katotohanang yon o hindi.

Friday, November 16, 2012
Maling planeta 2
Noong una naisip kung gumawa ng bagong blog dedicated para ipaliwanag ng mas personal ang pagiging Aspie at hindi lang maglagay ng mga general characteristics pero ayoko na ng bago pang blog. Hirap na nga akong mag-isip ng bagong ipo-post dito mag-iisip pa ba naman ako ng bagong imementina na blog.
So naisip ko uling magsulat tungkol sa pagiging Aspie ko dahil malapit na naman ang Pasko. Nagtataka siguro kayo kung ano ang kinalaman ng Pasko. Pag christmas kasi maraming tao na gustong magparty at mag reunion. Sa pamilya na lang namin malamang ngayon pinag-uusapan na kung kaninong bahay magsasama-sama para icelebrate ang kapanganakan ni Christ. Yung mga dati kung katrabaho, dating kaklase at mga bagong kakilala nag-oorganize na rin siguro ng mga get together events dahil ito lang naman talaga yung oras na puwede. Infact i received a text message sa isa kung dating kaklase at kaorg na mahigit isang dekada ko nang hindi nakikita. Alam ko na agad kung bakit siya nagtext: Alumni Homecoming.
I admit i dont like social gatherings.I make conscious effort na umiwas na umattend ng mga party or events na require makipag-usap sa maraming tao. But dont get me wrong. I dont hate people. Ganoon lang talaga ako. Im sure marami noon na nagtampo sa akin dahil ilang beses ko nang natanggihan kapag inaaya nila ako sa birthday nila. umaattend naman ako pero once is enough. next year lalo na at sobrang dami ng tao sa birthday mo malamang message na lang sa facebook ang matatangap mo mula sa akin.
Hirap kasi ako makasagap ng social cues. I usually take things literally. Kaya minsan hindi ako makaget ng mga jokes. Ang tagal ko ring pinag-aralan kung paano makasagap ng mga sarcastic comments. Noon kasi hindi na pala seryoso ang tao sa pinagsasabi niya hindi ko pa alam.
Hindi ko rin alam kung nagsisinungaling na pala ang taong kausap ko. kahit sobrang outrageous na yung sinasabi niya minsan naniniwala parin ako. Ang dahilan ko kasi bakit naman magsisinungaling sa akin ang tao kung kineclaim niya na naidate na niya ang napakagandang babae sa kabilang department. Malay ko ba na nag-eexaggerate lang pala yung tao nung sinabi niya na tatlong BMW ang pagmamay-ari ng pamilya niya at nakapaglakbay na siya around the world in 90 days. Malay ko ba na people lie for the shallowest of reasons.
Mabuti na lamang at pulis ang tatay ko at alam ang mga modus operandi ng mga swindler at magnanakaw sa Pilipinas kung hindi matagal na siguro akong nabudol-budol at napyramid scam. Natuto na rin akong magdouble check ng mga information at maghanap ng loophole. But it doesnt comes naturally to me. noong sinabi ng kaklase ko na may sakit siyang malala at feeling niya malapit na siyang mamatay. Awang-awa ako yun pala sipon lang at mas malakas pa siya sa kalabaw. Nag OA lang pala sakay to the max naman ako.
May problema din ako sa mga pagsagot ng mga tanong because i tend to be too honest and straightforward. Sinasabi ko rin kung ano ang nasa isip ko na offending na pala sa ibang tao. Like my mom she asked for my opinion about a certain plan of her and i told her hindi siya maganda that i think its too old fashioned, magastos at corny. Nagalit siya sa akin. I thought she was asking for my honest opinion. Ang gusto pala niya ay affirmation na maganda yung naisip niyang idea and just need a little tweaking. I was honestly trying to be helpful. Hindi ko kasi alam na people ask for someones opinion para makahanap ng taong magsasabing maganda siya gawin mo. Kasi ganoon ako kapag nanghihingi ng opinyon i want the honest answer. Ayoko ng okay lang. Kaya nga minsan nagpaparate pa ako. Noon tanggap ko ang okay lang. Yun pala kapag okay lang hindi pala talaga okay yon. Meron pala sa ibang tao na kapag okay lang ang sagot ibig sabihin hindi maganda kaya lang hindi nila masabi ng tuwiran sayo dahil natatakot silang masaktan ka kaya sinasabi nila na okay lang. Ako kasi when i say okay lang i mean it as okay lang talaga. Wala nang hidden meaning behind the word. Hirap kasi akong magbasa ng body language na yan. Dahil sa mga underlying meaning sa mga salita lalo tuloy akong nahirapan makipagcommunicate sa ibang tao.
Isa din sa mga problema o eh yung flirting na yan. Marami nyan sa party. Madalas nagppacute na pala si boy hindi ko pa alam. Paano naman kasi kasama kasi sa flirting yang small talk na yan.
Small TALK: Ang main reason kung bakit ayoko sa parties.
I don’t get small talk. I don’t get why people asked about the weather samantalang nasa news naman siya. I don’t know why people asked people how they are when truth is they don’t really care. Kumusta na ang aso ng kapitbahay ng lolo ng ninong ng kaaway mo.
But let just say gusto ko naman talagang makipag-usap sayo and ur a nice person ganito pa rin ang mangyayari.
Halimbawa
ikaw: kumusta ka na?
Ako: okay lang. Ikaw kumusta na?
Ikaw: okay lang. tapos konting kuwento
Ako: .ah okay ....................(wala nang maisip na itanong o sabihin).
O kaya ganito
Ikaw: napanood mo ba yung laban ng Houston at Nuggets kahapon.
Ako: Oo at magsasalita na ako ng walang katapusan tungkol sa NBA.
Ikaw: malamang bored na. conversation opener lang pala yungNBA dahil alam mong paborito ko si jeremy Lin. May iba ka pa lang gustong itanong na mas importante.
Ako: nagsasalita pa rin.
Normal sa akin ang dalawang convo sa taas. Lalo na at wala tayong pagkakapareha ng hilig. Malamang panis na laway lang ang mangyayari sa atin.
So sa mga mahilig magparty enjoy lang kayo. Nag-eenjoy din naman ako. Iba lang talaga ang trip ko.
PS: karaniwang Party hindi ako mahilig pero concert especially rock concert love ko yon. Wala lang namention ko lang baka kasi isipin ng iba ayoko sa lahat ng lugar na maraming tao. Ayoko lang sa lugar na kailangan makipag-usap sa maraming tao.
Friday, November 9, 2012
Forever Online??
Before mahilig akong manood ng TV pero dahil puro teleserye at koreanovela na lang ang nakikita ko I gave up. Ayoko kasing sumusubaybay ng mga series na parang komiks lang na laging itutuloy. Pero dahil hindi naman ako gala at active, ang aking libangan eh internet. Obvious ba sa title?
I think years ago nagpost narin ako ng mga sites na gusto kung binibisita so basically parang second part na ito.
karamihan ng mga ililista ko ay mga paborito kung blogs at site. Yung mga hindi ko maililista huwag magtampo. yung number 1 lang sa category ang ililista ko
Mahilig ako sa comedy so unahin na natin ang pinakalove kung humor blog. Sikat siya kaya im sure pinafollow nyo na rin siya si... Jepoy Kuwela lang talaga siya. Dami kung tawa kapag binabasa ko blog niya.
Sa mga tsismis naman PEP ang laging pinupuntahan ko. Mahilig din kasi ako sa mga buhay artista. Nandyan na lahat pati network war at sandamakmak na troll.
Sa politics naman dahil ayoko ng masyadong seryoso si Professional Heckler lagi ang binibisita ko. Paborito ko ang kanyang epal quiz at mga "commentary" niya tungkol sa dating mukha ni Jinkee Pacquiao.
Web comics ano pa eh di manga special mention ang fairy tail at one piece. At kung gusto nyo naman ng madugo gantz at Berserk. Kung mahilig kayo sa romance skip beat at faster than a kiss. Kung mahilig kayo sa adventure Jojo's bizarre adventure eh maganda rin. Sawa na ako kay Naruto tagal matapos nung gera na yon. Trojan war lang ang peg.
Travel blog naman tayo. Hindi ako gala kaya hindi rin ako masyadong mahilig sa travel blog pero maganda talaga ang Traveling Light para ito sa mga back packers. Yung mga lugar na pinifeature dito ay hindi lang sa Pinas at yung iba ni hindi ko alam na nag-eexist pala. Very informative and well written. Pag nabasa mo yung blog na ito parang gugustuhin mo na ring kunin ang backpack mo at maglakbay kahit pamasahe lang ang meron ka. And this is from someone na hindi mahilig magtravel.
At siyempre sa sports, dahil mahilig ako sa NBA ang site na pinupuntahan ko lagi eh ang Pro Sports Daily
Lahat nandyan na mula sports tsismis, forums, kuwento tungkol sa mga favorite players mo sa NBA.
Fan site naman eh di ano pa eh di fan site ni Jeremy Lin ang paborito kong basketball player.
Yan na po ang mga paborito kung dalawing websites and blogs.

Subscribe to:
Posts (Atom)