Tuesday, April 16, 2013

Random post again

I have always believed na suwerte itong taon na ito. At so far hindi pa naman ako binibigo ni 2013. Nope hindi ako nanalo sa lotto. Marami lang talagang magandang nangyayari. Yung una nga eh may bagong baby sa pamilya then gumradweyt na sa kanyang masteral si mother at ngayong week naman na ito eh nagsilang ang sister ko ng healthy baby girl. Sa bahay lang siya nanganak. Tibay talaga ng kapatid kung yun kinaya ang normal delivery at siya pa ang tumawag sa amin para ipaalam na nanganak na siya. Mas kinabahan pa nga yata ako sa magiging kalagayan niya dahil malayo siya sa amin. Ganoon nga yata kapag nasanay na kaming magkakasama laging iniisip ang isa't-isa kapag nagkakahiwalay.

Sa totoo lang mega close kaming magkakapatid. Madalas din naman kaming mag-away at magkasagutan. Pero never naman kaming naglaglagan. Hindi naman kami pupunta sa twitter at facebook at maglalabas ng sama ng loob sa isa't-isa. We rather say it on each others face. Kaya siguro kahit magkasigawan kami kinabukasan eh okay na uli kami na parang walang nangyari. Ngayong pareho na silang may anak iba na ang magiging priority nila sa buhay. Ako naman ganun pa rin single and available.

Nakakalungkot rin in a way pero sa tingin ko sa umpisa lang yon. Si mother nga emotional nung kinasal yung mga kapatid ko. Feeling nawalan ng anak pero ngayon busy na Lola sa pag-aalaga ng apo. Walking distance lang kasi bahay ng kapatid kung lalaki mula sa amin. kaya ayun tuwing may lakad yung mag-asawa pupunta sa kanila si mother at aalagan ang kanyang apo with matching picture taking na inaapload ko naman sa kanyang facebook page. 

Hindi ako masyadong mahilig sa bata pero these past few months i find them adorable. Lumalabas na yata ang aking mother's instinct. Pero mas lamang pa rin naman ang paniniwala kung sa ngayon im better off single. Im still finding myself at pakiramdam ko talaga hindi pa ako handa sa malakihang responsibilidad na ganyan. And honestly im kind of scared na mamana ng magiging anak ko ang pagiging Aspie ko. 
 
Sa ngayon nakafocus ako sa romance writing (oh the irony). Sa awa ng aking musa hindi pa naman ako nawawalan ng ideya at nakakatanggap naman na ako ng mga positive feedback sa mga sinusulat kung romance novels. Excluded na doon ang mga kamag-anak ko. I think im now finding my unique style. Pagdating kasi sa pagsusulat i had lots of frustrations. Kumbaga sa daan never siyang naging straight path. Ang dami kung nilikuan, kaya ayan nagkaligaw-ligaw ako at sa bandang huli pakiramdam ko hindi ako nagkaroon ng progress dahil ang dami kung sinayang na oras.

Noon iniisip ko that it's too late to start over again dahil ang daming mas bata na mas magaling o mga kaedaran ko na because nagsusulat na sila ng matagal na panahon eh napag-iwanan na talaga ako hindi lang sa talent lalo na sa skills. Pero narealized ko naman na mabuti nang magsimula uli kesa naman magpatuloy sa dating landas na kahit alam ko namang may patutunguhan eh hindi pa rin naman makakapagbigay sa akin ng satisfaction.

Iba pa rin talaga kapag may istoryang naglalaro sa isipan mo araw-araw at alam mo na puwede mo siyang isulat and there are people who are willing to read it. Iba pa rin talaga kapag nakakatapos ka ng istorya. Kahit mahirap at pakiramdam mo eh ikaw na ang pinakawalang kuwentang writer sa buong mundo and that your story is below average to mediocre. kapag may pumasok na istorya sa utak mo hindi ka talaga matatahimik hangga't hindi mo siya naisusulat. At hindi ka makakahinga ng maluwag hangga't hindi mo siya natatapos. Katulad na lamang ng blog entry na ito na dapat ay tungkol sa kapatid kung nanganak at sa year 2013 pero ayun napunta na sa pagsusulat ko.

Pero mabalik tayo sa mga kapatid ko. Im really hoping na maging masaya ang kanilang married life. Sana pang romance pocketbook at hindi maging pang Maalaala Mo Kaya ang kanilang buhay may-asawa. Confident naman ako na magiging responsible parents sila at spouse. At hanggat kaya ko naman eh susuporta ako sa kanila.

So hanggang dito na lang

Nagmamahal Ate Rome na tita na rin ngayon.

6 comments:

  1. tumatanda ka na kaya "naaaliw" ka na sa bata.

    ReplyDelete
  2. naku sulat lang ng sulat ha... nandito lang ako to read it kahit pa anung theme... basta don't forget, we're writing to express so dedma kahit sa tingin pa antin na may mas magaling sa atin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi na ako puwedeng huminto maraming taon na ang sinayang ko.

      Delete
  3. kelan kaya kami makakarinig ng wedding bells from your mini skirt?
    ahihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan din ang tanong ng mga tsismosa kung kapitbahay na hindi ko rin alam ang sagot.

      Delete