Monday, April 22, 2013

Election Post

Iniisip ko kung sino ang mga iboboto ko this coming election. Ang iksi ng listahan ko. Sigurado pa lang ako kay hagedorn at teddy casino. I'm not liking all those political dynasty at yung mga tumatakbo ng wala pa namang napatunayan.Kaya ayun nanood ako nung harapan a senatorial debate sa channel 2 para naman makapag-isip pa ako ng husto.

Maraming mga tinanong. Isa sa mga interesting question eh dun sa pagbaba ng age of discernment ng mga crime offenders. I was kind of disappointed kay hagedorn dahil pabor siya dun. Iboboto ko pa rin naman siya dahil mas qualified naman siya sa mga tumatakbo ngayon. Totoo na matatalino na ang mga bata ngayon. And with all those news na nagpapakita ng mga bata na nagnanakaw at nakakapatay, knee jerk reaction eh itapon ang mga yan sa kulungan. Okay lang sana kung maayos ang mga kulungan sa Pilipinas ang problema mas maayos pa yata ang doghouse namin kesa sa mga city jail.  And do people honestly want to put in jail a 12 year old tapos ang makakasama niya eh isang 30 year old na kriminal?Okay lang sana kung kayang isegregate pero i doubt kung magagawa nila yun. Sa mga above 18 na offenders pa nga lang kulang na ang kulungan tapos magpapakulong pa ng mga menor de edad? Our society should focus more on rehabilitation rather than punishment. Madaling magparusa ang mahirap magbigay ng tamang gabay. 

Isa ring issue na natalakay eh yng political dynasty. Lahat sila ayaw sa political dynasty. Pero nagretired na lang si Flavier na siyang nagpasa ng bill sa senate hindi pa rin naisasabatas ng maayos ang anti-political dynasty na yan. Kung hindi ba naman mga plastic.

Isa pang naitanong eh yung sa divorce. kung hindi ako nagkakamali dalawa lang yata ang pabor. Si Hagedorn at hindi ko na matandaan kung sino yung isa. Ako pabor sa divorce at pareho din kami ng dahilan ni Hagedorn. Why prolong the agony kung maghihiwalay din naman?

Tumaas naman ang kilay ko kay Mitos ang sabi niya gawin daw affordable ang anulment?? Ang tanong ko paano niya gagawin yon? Uutusan niya ang mga abogado na babaan ang kanilang professional fees? Yeah right. Pabilisin ang pagdinig ng kaso sa korte? isa ring malaking yeah right. Obsess din siya sa pagbibigay ng pondo. Kailangan daw bigyan ng mas malaking pondo ang health sector and educational sector. Ang ganda sana ang problema mukhang hindi naman niya alam kung saan kukuning kamay yung pondong ilalagay daw niya sa education at Health. Ang daling sabihin pero alam niyang hindi naman niya magagawa gayunpaman  ipapangako pa rin niya. Gayahin mo nalang yung nakakatandang Magsaysay na imbis mangako ng mga kung anu-ano ay naglagay na lang ng picture ni Sir Chief sa dibdib niya. dati hindi pa ako sure kung iboboto ko si Jun Magsaysay pero dahil minention niya ang pangalan ng dalawang artistang  pinakapaborito ko eh sa malamang kapag nagkataong nasa good mood ako eh iboto ko na rin siya. Infairness sa totoong magsaysay mahusay ang track record niya. yun nga lang matanda na rin siya.
 
And speaking of super senior citizen... Si Maceda naman gagawin daw libre ang tertiary education sa mga states colleges and university. Hindi pa ako pinapanganak nasa puwesto na yan pero ngayon lang niya naisip na gawin yon? Spell TRAPO.

Medyo gusto ko rin si Risa pero tuwing napapanood ko ang nakakainis niyang mga campaign ads na kasamang kumakanta ng wala sa tono si Pnoy o yung ginagamit niya yung violet na  tila pambugaw ng insekto parang ayaw ko na syang iboto. Dapat may poll: alin ang mas nakakairita yung commercial ni grace poe o yung kay Risa??

At ang KAPATIRAN na akala ko nung una ay party list. Hindi na nga sila sikat mga boring pa. Hindi na ako magtataka kung mga kamag-anak lang nila ang boboto sa kanila. Alam ko na hindi sila katulad ni BAM aquino na malamang nasa grade one pa lang eh tinitrain nang tagapagmana ng political dynasty pero naman  pinasok nyo yan atleast huwag masyadong magbuckle under pressure. 

Sa kabuuan ang boring nung show. Kung hindi pa nila pinakita si Sir chief every time nagsasalita si jun Magsaysay baka pinatay ko na yung TV. Sana sa susunod maglagay sila ng konting intermission number. Pagsabungin nila uli si Erap at Lim baka mainspire pa ang mga senatorial candidate na medyo mas maging maanghang din sa kanilang pananalita. Hindi naman Debate ang ginawa nila. parang Q and A lang ng beauty pageant ang dating.

At oo nga pala ang kandidatong lagi kung nakakalimutan si Koko Pimentel. Sikat naman ang tatay niya pero hindi ko siya binoto nung nakaraang eleksyon. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya its just that he's easy to forget. Alam mo yung gagawa ka ng listahan tapos after mong makumpleto bigla mong maaalala ay naku si Koko wala pala siya sa listahan ko kaya lang nakumpleto ko na at ayaw ko nang magbura. better luck next time Koko. O naipasok mo na sa PICOS yung balota tsaka mo lang maaalala na hindi mo pa pala siya naiboboto. Feeling ko talaga hindi siya nadaya nung last election talagang nakalimutan lang siyang iboto ng mga tao. Siguro kailangan niya ng mas malaking eyebags.

Sa mga kandidatong guest sa Harapan pero di ko namention. Malas nyo naman dahil ibig sabihin kumbaga sa product eh hindi kayo top of mind. Huwag nang umasang mananalo at baka sumama lang ang loob.

No comments:

Post a Comment