Sunday, September 2, 2012

Writing exercise

Ang post na ito ay sinulat ko kaninang umaga as a writing exercise. The idea here is pagkagising na pagkagising ko pa lang ay magsusulat na ako for 15 minutes. Tuloy-tuloy siya at walang edit-edit to kaya sorry kung medyo may mga words na naover-used.

Here it is eksaktong iniisip ko pagbangon sa umaga. Wala pang mumog-mumog at hilamos to... Type agad. 



Medyo nagugutom ako pero sa ngayon gagawin ko muna yung exercise na pinagagawa ni Mr. Ricky Lee sa knayng libro at iyon ay ang mgasulat ng tulo-tuloy for fifteen minutes just to free my mind. I thought it’s a good exercise every morning.

So to start off parang gusto kung kumain ng hotdog umalis na naman kasi si sis at ito alone naturally na naman ang drama ko. Pumunta ang nanay ko sa national library for the nth time ng wala namang naaaccomplish. So ngayon babaguhin ko na ang aking schdule instead of going to the net first thing in the morning im going to write ng tuloy-tuloy for 15 minutes.

Gusto ko yung idea ng conflict ni Mr. Ricky Lee. Ito yung konsepto ng connection and disonnection.
Kapag magkaconnect ipagdisconnect mo kapag naman di magkakonekto ipagkonekta mo. Simple pero yon lang pala ang hinahanap na tamang paraan para magkaroon ng conflict sa storya. NAkakatuwa naman.

Oo nga pala kailangan ko nang tapusin yung ginagawa kung story sa Wattpad. Pinangako kung tatapusin ko siya or atleast I will update it once a week. So gagawin ko yun.

Hind ko naman kailangan ng isang damakmak na readers. Masaya na akong may nagbabasa ng gawa ko or more like masaya na akong may natapos akong gawa. Gaya ng sinabi ko sa Loving Anne. Ito ang unang nobela ko sana hindi ito ang huli. 

masaya ako kapag nakakatapos, paranoid ako kapag lumabas na siya. Ewan basta masaya ako sa mga gawa ko. lagi kung iniisip na hindi siya ganoon kaganda pero yon ang mga istorya na gusto kung mabasa at marinig.

Alam ko rin na hindi ako ang pinakamagaling pero sana gumaling pa ako habang tumatagal. Gusto kung matuto yun ang gusto ko kaya nga pumupunta ako sa mga workshops bumibili ng libro, nagreresearch dahil yon ang gusto ko. 

Gusto kung patunayan sa sarili ko na kaya ko to. Buong buhay ko naman nagprocrastinate ako halata naman sa katawan ko. pero kahit ganoon writing is my one great love. May panahon na nagsasawa ako dahil puro rejection, walang natatapos, puro batikos, may mga nagsasabi na walang security, iniisip na wala naman talagang patutunguhan because I don’t have the patience, the talent, the courage. Kaya darating ang oras na lalayo muna ako sa pluma gagawa ng iniisip ko na mas makabuluhang bagay katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho, paghandaan ang future. Pero darating uli ang oras na biglang mamimiss ko ang pagsusulat. 

Yung nasa harapan ka lang ng monitor and pouring out your emotion na parang batang nagtatantrums, lover na nagme-makelove, magjowang nagsasabihan ng sweet nothings mga lasenggong nag-aaway sa kanto, nag-aalburutong motorsiklo. Kadalasan magulo, hindi maunawaan, kahit ako hindi ko maarok. 

Sabi nila passion daw ang pagsusulat pero para sa akin higit pa sa passion yon. kasi di ba ang passion minsan short lived lang parang lust tapos puwedeng lumipat sa bagong subject. So sa akin true love ko talaga siya na minsan inaaway, minsan napapabayaan, minsan sinusukuan pero sa dulo binabalikan nakaluhod pa humihingi ng tawad nagmamakaawa na tanggapin uli dahil sa pagsusulat naroon ang peace of mind ko  habang ang mundong nakapaligid sa kin eh nagkakagulo. 

Narito ang katahimikang hinahanap ko kung saan sariling boses ko lang ang naririnig ko o atleast kaya kung pillin ang boses na naririnig ko. Ito yung oras kung saan maybe God is talking to me.

O di ba parang nagsusulat lang ng bible.   


 

4 comments:

  1. may story ka sa wattpad sis? anong title pakuha ako ng link?hehe nabasa ko na pala yung isa mong novel under phr haha yung isa after ng midterms ko babasahin. thumbs up sa novel mo. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pa tapos yung kuwento ko sa wattpad nagsisimula pa lang. http://www.wattpad.com/user/romzz05 . Hindi ko sure kung kailan ko mauupdate yung mga stories dyan. Pero malay natin sipagin ako. Salamat sa pagbabasa ng gawa ko sa PHR.

      Delete