Ang daming issue tungkol sa plagiarism na yan. So makikisawsaw ako sa pamamagitan ng isang status update. Nakakalungkot kasi Im sure na yung mga nangongopya na yan eh may pangarap ding makapagsulat. I think what they dont understand is writing is an expression. Fiction man ang sinusulat o kahit fairytale pa yan, yung author eh binabahagi nya yung sarili niya sa mga mambabasa. Kaya nga kapag nakabasa ka ng isang napakagandang story parang feeling mo bestfriend na kayo ng writer at gusto mo na siyang padalhan ng regalo tuwing birthday niya.
Kaya nga yung level ng insecurity ay mataas din . And that i think this is the reason why people plagiarized others work dahil insecure sila sa kakayahan nila. At dahil nga a written work is an extension or even part of yourself kapag nareject o walang nagkagusto feeling rejected na rin kayo... parang manliligaw na nabasted. Masakit sa dibdib.
But the thing here is I have yet to meet a writer who is 100 percent happy or confident na maganda ang gawa nila. Lahat o atleast karamihan insecure. Ang kaibahan lang willing silang harapin ang insecurities nila. Lahat naman kasi nag-iimprove kaya nga sikat na sikat yang practice makes perfect na yan dahil totoo siya.
So parang jejemon ang grammar mo? Sinabi ng ibang tao ang panget with matching hagikgik? Kahit simpleng school paper ayaw tanggapin ang tula mo, nilait ng crush mo yung love letter na sinulat mo dahil puro wrong spelling? Guess what hindi naman mag-iimprove ang kakayahan mo kung mangongopya ka ng gawa ng iba. How can you really be happy eh alam mo naman sa sarili mo na kahit dumi sa kuko mo walang kinalaman sa story na kinopya mo. Kahit makasampung milyong likes pa yan hindi naman yon makakatulong sa pangarap mong makapagsulat ng sariling storya.
Infact it will hinder you more dahil hindi mo na ma-oover come yung insecurities mo. Habambuhay ka ng magtatago matatakot dahil ikaw mismo ikinulong mo ang sarili mo sa isang kasinungalingan that you are not good enough so you might as well just copy the work of those people who you believe are good enough. Kapag hindi ka nakaalis sa ganyang mindset tuluyan ng mawawala ang creativity mo at makakahon ka na ng tuluyan. Sayang kasi if you can appreciate a writer's work ibig sabihin you also have it in you na makapagsulat pero sinasayang mo ang oras mo sa pag-iisip na hindi mo kaya.
Gawin mo muna kasi bago mo sabihin na hindi mo kaya. magsulat ka tapusin mo kapag nareject isulat mo uli pagandahin mo tapos ipasa mo uli kapag nareject eh di isulat mo uli pagandahin mo uli. Lahat naman tayo pinanganak na hindi marunong magsulat o magbasa ah.
Sobrang haba na nito. Kakain muna ako ng maalat na twister fries.
agree. sulat lang ng sulat. nadedevelop naman ang talent sa pagsulat eh di naman kailangan maganda lagi ang gawa mo.
ReplyDeleteexactly
Delete