Sunday, August 5, 2012

ROM-COM anyone???


Ang pinakapaborito kung movie genre ay ang walang kamatayang romantic comedy. So dahil maulan naman at nakakatamad maggala magrerekomenda ako ng mga romantic comedy that you can feast your eyes on.
Not exactly my Top Ten List of  favorite romantic comedy films but close enough i guess. Ito lang yung mga naunang naisip ko at malamang madaling mahanap.

10. ten things i hate about you.


Ito ang una at huling rom-com na ginawa ng aking paboritong si Heath ledger..  Kumanta dito si Heath ng "Youre just to good to be true cant take my eyes off of you"  iyon pa lang rason na para panoorin ang pelikulang ito. http://en.wikipedia.org/wiki/10_Things_I_Hate_About_You
9. As Good as it Gets
I would have put this higher on the list kaya lang hindi naman talaga ito pure romantic comedy. Ang masasabi ko lang napakaganda ng pelikulang ito. Jack Nicholson is as usual outstanding in this movie as an misanthropic OCD novelist with a good heart.   http://en.wikipedia.org/wiki/As_Good_as_It_Gets
8. Sleepless in Seattle 
Ito ang nagpapatunay na hindi kailangan ng halikan at mga sexual innuendo para maging exciting ang isang pelikula. Sa bandang gitna at huling parte lang sila nagkita pero kinilig pa rin ako.  At sobrang ganda dito ni Meg Ryan.http://en.wikipedia.org/wiki/Sleepless_in_Seattle
7. Run Away Bride
Hindi ko alam kung bakit type ko ang pelikula na ito. siguro dahil medyo nakakarelate ako. Not that na nag-iiwan ako ng lalaki sa altar ha. http://en.wikipedia.org/wiki/Runaway_Bride_%281999_film%29


6. My Best friend Wedding
Hindi halatang paborito ko si Julia Roberts. Malungkot pa rin akong hindi sila nagkatuluyan ng bestfriend niya sa movie.  http://en.wikipedia.org/wiki/My_Best_Friend%27s_Wedding

5. Two Weeks Notice
Paborito ko si hugh Grant at Sandra Bullock at kitang-kita ang chemistry nila sa pelikulang ito. Ano ba ang mangyayari kung magtatagpo ang isang ultra rich businessman at isang aktibistang abogado? http://en.wikipedia.org/wiki/Two_Weeks_Notice

4. The Wedding Singer
Ang saya ng pelikulang ito. It was produced ahead of its time. Isang musical romantic comedy na ginaya ang mga icons ng 80's pero ipinalabas ang pelikula noong late 90's. Madalas kasi puro crude comedy ang ginagawa ni Adam sandler ito siguro yung una niyang movie na super wholesome siya. And as usual ang husay ni Drew Barrymore. http://en.wikipedia.org/wiki/The_Wedding_Singer

3. When Harry Met Sally
An unlikely couple. Masaya ang palitan ng linya ng mga characters sa pelikulang ito. kahit hindi kaguwapuhan si Harry played by billy crystal at isa rin siyang playboy sa pelikula na ito naniwala akong bagay pa rin sila ni Sally http://en.wikipedia.org/wiki/When_Harry_Met_Sally....

2. WhileYou were Sleeping
Gustung-gusto ko ang pelikula na ito dahil ang husay ni sandra bullock dito. Ito ang nagpapatunay kung bakit siya ang reyna ng romcom. http://en.wikipedia.org/wiki/While_You_Were_Sleeping

1.   i'm going to leave this blank

Magrekomenda rin kayo ng mga paborito ninyo.Matagal na rin kasi akong di nakakapanood ng rom-com.

2 comments:

  1. na-inlove ako sa ten things i hate about you at dun ko naging crush si heath(R.I.P.) sayang wala na sya ngayon..

    anyway..tagalog movie ang suggestion ko.. dahil maulan ngaun at malamig.. unofficially yours :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko pa siya napapanood pero mukhang nakabili ang nanay ko ng DVD nito yun nga lang pirated. macheck nga.

      Delete