Thursday, August 16, 2012

Books

Isa sa mga paborito kung gawin eh magbasa ng libro. Masayang magbasa dahil para sa isang katulad ko na hindi gala at madalas maligaw ang pagbabasa ang paraan ko para makapunta sa mga kakaibang lugar at mundo. And its okay to be lost in that world. Nakakabalik pa naman ako ewan ko lang sa iba. 

So with that introduction ililista ko dito ang mga libro na naging pinaka-memorable sa akin ko over the years. Ito yung mga libro na mahigit isang dekada ko na yata nung huli kung nabasa pero natatandaan ko pa rin. And that's how a good book should be hindi mo basta nakakalimutan.

Rocks of Valpre by  Ethel May Dell (1914) Genre: Romance

Wala akong picture na makita pero dahil sobrang luma na ng libro na ito puwede na itong mabasa ng libre sa internet, link na lang http://www.munseys.com/disktwo/rockval.pdf

Nandito lahat ng elemento na gusto ko sa isang romance. I fell in love with the characters so much na iniyakan ko talaga ng todo ang nobela na ito. Pinangalanan ko pa ang aso ko ng Cinders dahil sa nobelang ito.


The Little Prince
I'm sure marami nang nakabasa ng libro na ito dahil isa yata ito sa mga requirement na basahin sa mga literature classes. Of course dapat basahin ito ng may illustration. What i love about this book is that it never grows old. I dont even know kung maituturing talaga siyang children's book dahil kahit matanda na ako natutuwa pa rin akong basahin ito. It takes on a new meaning everytime i read it.  So kung nabasa nyo na ito minsan read it again and i'm sure mag-eenjoy pa rin kayo at may bagong matututunan.
The God of Small Things
Ito yung time na basta na lang ako bumibili ng libro kahit wala akong idea kung sino ang author o kung tungkol saan talaga yung kuwento. I just like the title so binili ko siya. One word to describe this book is HAUNTING in capital letter. I would recommend this book to anyone regardless of the kind of genre they like to read.It didn't matter that the story had begun, because kathakali discovered long ago that the secret of the Great Stories is that they have no secrets. The Great Stories are the ones you have heard and want to hear again. The ones you can enter anywhere and inhabit comfortably. They don't deceive you with thrills and trick endings. They don't surprise you with the unforeseen. They are as familiar as the house you live in. Or the smell of your lover's skin. You know how they end, yet you listen as though you don't. In the way that although you know that one day you will die, you live as though you won't. In the Great Stories you know who lives, who dies, who finds love, who doesn't. And yet you want to know again.

 Breakfast of Champions

I have no explanation kung bakit gusto ko ang libro na ito. Sci-fi siya at may drawing siya sa loob. Its dark and funny in a crooked kind of way. Nakita ko lang siya sa lumang kahon ng mga gamit ng tita ko at dahil naghahanap talaga ako ng babasahin eh binasa ko na siya. This is probably one of those either you love it or hate it kind of story. Gustong-gusto ko siya. Yun na. “Trout was petrified there on Forty-second Street. It had given him a life not worth living, but I had also given him an iron will to live. This
was a common combination on the planet Earth.”
     
Moon and Sixpence
I can't begin to tell how much I love this novel. Kung isa kang struggling artist o kahit successful ka pa dapat basahin mo ang libro na ito.  Kuwento ito ng isang tao na iniwan ang pamilya niya para ipursue ang kanyang passion ang pagpipinta. The main character in this story is anything but nice. He is eccentric,selfish, uncaring but somehow I totally relate to his character. Available ito online for free hanapin nyo na lang.  "To the acute observer no one can produce the most casual work without disclosing the innermost secrets of his soul."


The pretenders

This book is part of the Rosales saga series by The great Sionil F. Jose. Isa sa mga writer na gusto kung makilala. Timeless, a classic novel na parang kahapon lang nailimbag. Isa siya sa mga writer na kahit tungkol sa pulitika ang sinusulat eh hindi siya boring at ang The Pretenders siguro ang isa sa mga paborito kung gawa niya.There is something very unforgettable about the character of Tony Samson. He just clings on to your senses and you can't help but feel sorry for him kahit alam mo na he somehow brought the tragedy upon himself.  Pinabasa ito sa kapatid ko para sa kanyang book report. Mabuti na lang.“Life is always sad. That's what makes suicide so tempting because life is all that we really have and haven't. Death makes us equals, too, because the foul and the good all die. The past, the present, and the future-what escape is there from these? None-and yet sometimes we are life's happy victims.”



Hindi ko maipapromise na magugustuhan nyo ang mga libro na yan pero ang masasabi ko lang those books mentioned above kind of influences me. Bigla akong may natandaang isa pang libro pero dahil patapos na ito wala nang masyadong paliwanagan pa.  Yung libro ni John Grisham na "The Chamber" maganda rin yon at tsaka nga pala yung Sophie's Choice okay sige ititigil ko na ito at may naiisip na naman akong ilista dito baka hindi na ito matapos.   

4 comments:

  1. I love to read books too kaso isa lang sa mga nilista mo ang nabasa ko na. Tama ka, dahil required ang Little Prince sa literature class noon. hehe. I love reading mystery novels, especially by Sidney Sheldon. You should try reading one of his books. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa rin sa mga paborito ko si Sidney Sheldon, siguro ang pinakapaborito kung gawa niya ay Rage of Angels, literal na page turner ang libro na yon. I didn't realize na hindi ako nakapaglagay ng mystery novel sa list. But i love watching suspense thriller.

      Delete
  2. di ako mahilig magbasa ng english. yung huling nabasa ko eh yung fifty shades trilogy. puro tagalog romance novels at manga kasi ako haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung tagalog romance ang trip mo i would recommend Martha Cecilia, Rose Tan, Angel Bautista,Yna Paulina at syempre ako. hehe

      Delete