This is one of those moments when i feel like shit. Wala akong gamot na iniinom so medyo mahirap magcope. Kaya ayon ginagawa kung therapy ang pagsusulat. Dahil walang masyadong isip-isip at malamang hindi ko ito ieedit dahil sa ayaw ko lang sorry sa mga makakabasa.
So since nasabi ko na that i feel like shit might as well say why.. i have no idea. Hindi ako brokenhearted, walang nang-away sa akin, hindi rin ako nakatanggap ng masamang balita at lalong hindi ako namatayan. Ito lang yung mga panahon na for some reason kahit walang may birthday o anniversary na inaalala eh bigla na lang akong malulungkot. At para lalo akong malungkot aalalahanin ko lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko at iisipin ko na kahit kailan ay hindi na iyon maibabalik pa. The happiest memories bring in the most pain. Iniisip ko pa lang gusto ko nang maiyak.
May nagtanong sa akin dati kung gusto ko raw bang ibalik ang nakaraan? My honest answer was hindi at susunod na tanong bakit? Kapag lagi ka kasing bumabalik sa nakaraan mahihirapan ka nang makamove forward you'll be stuck in the past at mahirap yon. Walang facebook, twitter, internet, instagram at dark knight movies. But thinking about it again maybe kung mabibigyan ako ng chance why not diba? But then again i was so weirdly crazy back then na mabago man ang isang kabanata ng buhay ko I will still somehow manage to do something to fucked it up. So in the end it wouldn't matter a bit.
Matagal ko ng alam na may mga konti akong lose screw na sa malamang eh mahirap nang maiayos. But dont worry hindi naman ako yung tipong mananakmal na lang unless you specifically asked for it. And no sarcastic joke please like kick me or slap me dahil malamang gawin ko talaga yon. At pag nangyari yon the joke will be on you. At doon sa nag-iisip na kalevel ako ni Christian Grey sorry na lang, sa iba nyo dalhin ang mga sexual fantasies nyo. Hindi ako mahilig mamalo at hindi ako control freak. Hindi rin ako mahilig sa leather dahil mainit yon at lalong ayoko sa handcuffs. papaano na lang kung biglang atakahin sa puso ang sexual partner mo habang nakahandcuff ka sa poste at walang tao na puwedeng tumulong sayo. Malamang ay isang buwan ka bago makawala dahil by that time puwede ka nang lumusot sa handcuff dahil sobrang payat mo na at yon ay kung hindi ka pa patay sa gutom at uhaw.
Okay maganda na uli ang pakiramdam ko. Sorry uli sa mga makakabasa i know medyo morbid siya lalo na yung sa handcuffs pero kung nagawa nyong manood ng final destination 1 hanggang sa kung saan man siya natapos na parte im sure mani lang sa inyo ito.
Hindi ka naman siguro bipolar? Hehe! :)
ReplyDeleteno way haha. I'm too lazy to be a bipolar. Isa akong Aspie which means may autism ako pero konti lang.
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletewriting is a really a good therapy ;p
ReplyDeleteyup it helps, to what extent i sometimes don't know.
Deletemapatili lang ako ng malaman kong writer ka under PHR. grabe lang. di ko akalaing mapapadpad ako sa blog ng isang PHR writer. =D
ReplyDeleteanyway..pareho tayo ayoko din bumalik sa nakaraan kahit na may chance akong baguhin kasi masaya ako sa kung sino ako now dahil na rin yun sa nakaraan ko. at nakakaloka lang na nabanggit dito si christian grey haha
binasa mo ang 50 shades of grey?? 18 ka na ba? haha
Delete