I dont bake. Hindi kaya ng powers ko pero may alaga kaming tuta sa bahay na ewan ko kung bakit hobby na yatang kamutin ang mukha at tenga niya eh wala naman siyang garapata.
So nagrersearch ako sa internet nang puwedeng ilagay sa kanyang iritableng furry balat and voila baking soda daw ang sagot. Sinunod ko naman kahit hindi pangmatagalan ang epekto.
Bumili ako ng baking soda.
At dahil sa pagbili ko ng baking soda marami pa akong natuklasan. May iba pa pala siyang gamit bukod sa baking at pagtanggal ng pangangati. Nabasa ko to sa box ng binili ko na baking soda.
Una nakakalinis siya at nakakaalis ng masamang amoy . Puwede siyang gamitin sa spill sa carpet and other upholstery. Puwede rin niyang alisin ang mabahong amoy sa ref, basurahan, plastic containers at kung saan pa may di kanais-nais na amoy. kahit sa damit puwedeng gamitin. Kung wala kayong downy or hindi nyo type ang amoy ng mga fabric conditioner na yan. Puwede nyong gamitin ang baking soda. Hindi na amoy lukob ang damit nyo.
Puwede rin siya sa tao. Kailangan lang siyang iadd sa bath and it will help neutralize acids on the skin. Ayan kung nangingitim ang mga alahas ninyong tanso dahil masyadong acidic ang pawis ninyo; baking soda pala ang katapat niyan.
Siyempre dahil nakakain naman siya puwede rin siyang gawing pangmumog para feeling fresh and clean ang inyong hininga. Puwede rin siya gamitin sa paa. Lagyan lang ng 2 tbsp ang isang plangganang maligamgam na tubig at ibabad ang paa. Kung gaano katagal ewan ko bahala na kayo.
Isa pang magandang gamit ng baking soda ang sa paghuhugas ng prutas at gulay. Sa totoo lang as much as possible ayokong nagbabalat ng gulay. Hindi dahil sa tinatamad ako ha. Sayang kasi ang nutrients at tsaka parteng nasasayang. eh puwede namang kainin ang balat ng patatas, kamote at iba pang root crops. Dahil sa medyo madumi nga eh binabalatan na lang natin. Hindi na ngayon. Puwede na siyang gamitan ng baking soda. Magdissolve lang ng1 tbsp ng baking soda sa 1 liter ng tubig at puwede mo nang hugasan ang mga gulay doon. Promise mas lumilinis siya.
O diba parang domestic diva lang ako. Anong panama ni Martha Stewart sa akin? kulang na lang kulong at multi million dollars empire I'm set to go..
Oo nga pala una at huling post na ito tungkol sa mga cleaning tips na yan. Naamaze lang talaga ako kay baking Soda. Yun na...
PS> kung naniwala kayo sa akin at ginamit nga ang baking soda sa katawan nyo at nagkaroon ng allergic reaction o lumala ang pagpapawis nyo. Huwag akong sisihin nyo. Gaya ng nabanggit ko nabasa ko lang siya sa box at internet.
ang dami palang pakinabang sa baking soda...
ReplyDeletepampaputi din ito ng ngipin eh =D
ReplyDeletePagtangal din na tigyawat
ReplyDelete