Ang daming nangyari kahapon. Pumunta kami sa EB at nanalo kami sa Wave,Wave, Wave \Win win Win. Kaliwa kanan kaliwa kanan. Kami ang nanalo kaya may libreng EB shirt. Yung sister ko nabunot kaya nanalo siya ng 10 k kaya ayon nalibre ako ng pansit palabok na medyo kulang sa alat.
Sayang wala si Bossing Vic Sotto perodahil nandoon ang idol kung si Joey De Leon happy na rin ako. Kapagod nga lang. Masaya pala talagangmaging live audience. Minsan nga makaulit nang makakuha uli ng libreng t-shirt.
Pag-uwi ko nakita ko naman sa news na umiiyak sa sobrang tuwa si Lebron James. Heat na pala ang bagong NBA Champion. Hindi naman ako nasorpresa dahil sa experience pa lang lamang na sila. Masaya ako para kay LBJ, di ba parang friends langkami. At siyempre kahit late at pagod sa biyahe pinanood ko parin yung replay nung game. Nagulat ako ang laki ng lamang.
Hindi ako fan ni Lebron kasama ako sa maraming fan ng basketball na nayayabangan sa kanya pero ako kasi yung tipo na kahit hindi ko gusto ang ugali mo pero kung magaling ka sa trabaho mo you will still get my respect. Hindi naman siya magiging ganoon kagaling kung hindi mataas ang level ng work ethics niya. Talent can only get you so far.
Gusto ko rin yung interview nya. Sinabi niya yung about going back to basics. Inamin niya kasi na last season he played with a lot of hate at yun din siguro ang napansin ko sa kanya.He wanted to prove his critiques and bashers wrong by winning a Championship. Nawala na tuloy yung focus niya or yung totoong dahilan kung bakit siya naglalaro ng basketball at iyon ay dahil he loves the game mula noon hanggang ngayon. At yon ang ibinalik niya sa paglalaro niya ngayon. This season he improved his overall game he also made his teammates better by sharing the ball more.
Nasabi niya minsan sa interview na in case hindi sila manalo ng championship this season ay okay lang sa kanya that it should not really be consider a failure. And I agree dahil iisa lang naman kasi ang nananalo basta alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung lahat ng makakaya mo sa mga oras na yon then that can be consider a success already.
So with that Congrats Miami at sana next season yung paborito ko namang team ang manalo ng Championships, ang New york knicks ang tagal na eh.
No comments:
Post a Comment