Kulang na talaga ako sa imagination pero dahil isang beses
isang buwan na lang ako makapag-update I guess a simple title is apt.
Unlike last month may maganda naman akong rason kung bakit hindi
ako nakapag-update ng blog ko. Una wala akong internet connection dalawang linggo
na at pangalawa nagkaroon akong stiff neck. Actually meron pa rin akong stiff
neck hanggang ngayon. Hindi ko na nga siya natiis kaya nagpatingin ako sa doctor
at iyon under medication ako at medyo groggy pa. medyo may katapangan din yung gamut
nangangasim din ang sikmura ko. But enough of my bodily pain may mga positibo din
namang nangyari this month. Nakaattend ako sawriting summer workshop na inisponsor
ng PHR para sa mga baguhang writer ng romance.Masaya siya maraming food ang nakapanghihinayang lang
eh wala ang favorite PHR writer ko na si RoseTan . sa mga hindi nakakaalam siya
yung writer ng bud brother series na pinalabas noon sa channel2. Rose tan is the
queen of romance comedy. Siya lang yata ang writer na kayang magpatawa and at the
same time magpakilig. She’s also known forgiving her heroine weird names, yung huling
natatandaan ko eh Petunia at Rigor Mortiz pero mas marami pang weirdong name ang
nagawa niya.Sa kanya rin ang senorita series na halos lahat yata ng heroine eh
brat at pasaway pero endearing pa rin.
Sa mga gusto naman ng straight hardcore romance siympre si Martha
Cecilia na ang bida dyan.Kinolekta ko rin ang Kristine series niya before hanggang
ngayon naman eh ongoing pa rin ang series pero hirap kumpletuhin kaya ayon
nag-give-up na rin ako.Sa mga nakapanood ng palabas sa TV nung series malapit naman
ang story pero iba pa rin talaga kapag binasa. Larger than life kasi ang mga fortalejo
men. Kailangan niyong basahin para maunawaan nyo ang ibig kung sabihin. In any case
Masaya akong maging writer para sa PHR enjoy ako sa pagsusulat ng romance at
inspirasyon ko sina Rose Tan at Martha. Sana makilala ko sila minsang pagpunta ako
uli sa PHR lalo na si Rose Tan wala talaga akong idea kung ano ang itsura niya.
Sa ngayon may mga
approved na akong nobela (3 to be exact at may mga pending pa) yun nga lang wala pang narerelease. Medyo naiinip na nga
rin ang beauty ko pero willing pa rin naman akong maghintay.Ang pen name ko nga
pala eh Maria Rome sila ang nag-isip niyan para sa akin. Hindi ako masyadong magkukuwento
tungkol sa workshop medyo bawal at baka may maisulat pala akong di puwedeng ilabas.
Sige exit na ako at ipapahinga ko muna tong leeg kong pasaway.
get well soon! sana mawala na rin ang stiff neck mo :)
ReplyDeletethanks, magaling na ako sa wakas
Deletegaling mo roms, tell us pg npublish na, bibili ako! :)
ReplyDeleteat panonoorin ko rin yung show na gagawin ng team nyo. Oo nga pala may disclaimer agad ako lahat ng character eh pawang galing sa imahinasyon ko at kung may kapangalan o pagkakatulad sa isang tao buhay man o patay na kilala mo eh nagkataon lamang. In short huwag mo akong isusumbong. (lol)
Delete